CHAPTER 38

9.6K 221 4
                                    

********** CHAPTER 38 **************

 

Bianca’s POV

 

“Mama, Papa..!,” agad akong tumakbo papunta kila Mama at Papa ng lumabas sila mula sa arrival area ng NAIA TERMINAL 1

“Miss na miss kita anak!!,” mahigpit namang yakap ang sinalubong sa akin ni Mama.

“Ako rin po, Ma, Pa..,” sagot ko naman at niyakap ko rin ng mahigpit si Papa.

 

“Ang laki mo na anak, ang bilis talaga ng panahon,” banggit naman ni Papa habang yakap ako.

Ngayong araw na ito ang recognition day at ang announcement ng Honor Roll. Kailangan masaksihan ng parents ko ang aking natatanging speech dahil nga ako ang valedictorian pero hindi ko pa nasasabi sa kanila. Buti na lang talaga at naayos ang gusot namin ni Kei. Napatunayan kasi na siya ang may kasalanan ng gulo at hindi ako. Gumanti lang ako bilang self defense.  

 

 

 

Hindi ko na rin naman siya nakikita sa school.

 

 

“Mercy !,” sigaw naman ni Mama kay Tita na kasalukuyang papasok sa airport para sunduin din sila mama at papa. Mabilis namang tumakbo si mama sa kapatid niya at nagyakapan sila.

Nagngitian lang kami ni Papa at sumunod na rin sa kanila.

 

 

“Buti na lang at mabait si Claire kaya napahiram sa atin ang kotse nila,” sabi naman ni Tita kila mama at papa pagka-upo namin sa kotse ni Claire. Ng nalaman kasi niya na luluwas sila mama at papa dito sa maynila ay nag volunteer siyang ipahiram ang sasakyan niya at sumama sa amin ni Tita sa pagsundo pero tumawag siya kaninang umaga na hindi daw siya makakasama dahil may pupuntahan sila ng mama niya.

“Buti naman at may kaibigan ka dito sa maynila Bianca,” nilingon naman kami ni Papa. Siya kasi ang anka-upo sa front seat habang magkakatabi naman kami ni Tita at Mama sa backseat.

“opo, bestfriend ko po at classmate ko rin po siya Papa,” nakangiti ko namang sagot.

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Where stories live. Discover now