CHAPTER 34

8.3K 199 3
                                    

*********[CHAPTER 34]********

Irish’ s POV

 

As a sister, ayokong nakikitang malungkot ang aking kapatid na si Charles James. Kahit hindi niya sabihin, alam kong may problema siya. Hindi siya tulad ng ibang teenagers na pumupunta sa mga bar o naghahamon ng suntukan, I know my brother, hindi niya kayang gawin yon although talagang matigas ang ulo niya at palasuway sa mga rules. What can I do? Masyado siyang independent at ayaw niyang pinakikielaman ang mga desisyon niya.

Pagkababa ko ay nakita ko siyang nanunuod sa sala. Alam kong wala naman siyang pinanunuod dahil pinalilipat lipat lang niya ang channel. Napansin ko rin na masyado siyang balisa at malungkot nitong mga nakaraang araw. I know the news about sa pageant, hindi ko naman masisi si Bianca dahil hindi ko pa naririnig ang side niya.

Lumapit ako sa monitor at pinindot ang button para mai-off ang t.v

 

“Why did you do that Ate?,” kalmado pero may halong iritasyon ang boses niya.

 

“Anong problema Charles James? ,” tinignan ko siya ng deretso sa mga mata niya pero agad naman siyang umiwas ng tingin.

“I don’t have a problem, tch, sa kwarto na nga lang ako,”sabi niya at naglakad na papunta sa hagdan

“Anong nangyari sa inyo ni Bianca?,” tanong ko ng nakataas ang kilay

Napatigil siya saglit at sarkastikong tumawa, “Sa amin ni Bianca? Haha, walang meron sa aming dalawa ate, ”  sagot niya naman at umakyat na ng tuluyan sa kwarto niya at padabog na sinara ang pinto.

See the attitude? Hindi siya ganyan dati pag tinatanong ko siya tungkol kay Bianca. I know something came up. Something happened between the two of them.

And it is surely out of the Pageant.

***************************

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Where stories live. Discover now