CHAPTER 32

8.3K 207 7
                                    

*************[CHAPTER 32]***************

 

Claire’s POV

Akala ko noon nung bata ako, mas maganda lumaki agad kasi may freedom, magagawa mo lahat ng gusto mo at makukuha mo lahat ng pangarap mo. Pero hindi ko naisip na mahirap pala kapag nasa sitwasyon ka na ng problema..

Dati akala ko simple lang ang buhay. Kapag may pera ka at nabibili mo lahat ng gusto mo magiging masaya ka na at walang problema basta may pera at kayamanan…

Pero sa nakikita kong sitwasyon ni Bianca ngayon, hindi ko mapigilang maawa sa kanya.

Isang lingo ng hindi pumapasok si Bianca dahil binabantayan niya si Paul. And worst, isang lingo na ring walang malay si Paul .

Siguro nagtataka kayo kung ano ba talaga ang nagyari kay Paul? ….

 

*FLASHBACK*

 

“Eto yung tubig oh, uminon ka muna,” sabi ko kay Biancahabang inaabot ang isang baso ng tubig . Pina-upo ko na rin siya sa sofa at mabuti naman at medyo kumalma na siya.

“Salamat,” sagot lang niya at pilit na ngumiti.

Tinabihan ko naman siya at napuna ko ang mga eyebags niya at ang pamamayat niya. Nakakatawang isipin, pumunta ako dito sa bahay nila para pagalitan siya dahil sa pag alis niya ng biglaan sa pageant kagabi pero eto ako ngayon at dinadamayan siya..

 

“Kelan mo pa nalaman?,” tanong ko sa kanya at nakita ko ang takot sa mga mata niya

“Nung nagpakita siya..nung nagtransfer siya sa school..”

“kaya mo ba siya tinanggap ulit dahil may sakit siya ha?,” seryoso kong tanong na sinagot naman niya agad..

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Where stories live. Discover now