CHAPTER 35

8.9K 231 7
                                    

********[CHAPTER 35]**********

 

“Love is unfair because the more you sacrifice, the more you are hurt. And when you feel that you gave your best, it all seems not enough until such time that you had no choice but to give up.”

 

 

********************************

 

Bianca’s POV

 

 

Masakit na at sobra na ang lahat ng pinagdadaanan ko. Hindi ko naiintindihan ang sarili ko dahil kahit na nasasaktan ako ay patuloy pa rin ako sa mga ginagawa ko.

 

FAKE.

MANGGAGAMIT.

SALBAHE.

 

Yan ang mga naging kakabit ng pangalan ko. Hindi ko maintindihan ang mga taong nanghuhusga sa akin dahil wala naman silang alam! Isang lingo akong hindi pumasok dahil sabi ni Claire, masyado daw mainit ang mga mata sa akin ng schoolmates namin. But what? Lagi na lang ba akong magtatago?

Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa SouthEast Academy. Nandito ako para harapin ang Disciplinary Office at magpaliwanag. Sa loob kasi ng isang lingo ay hindi ako nagsalita at wala akong lakas para ipagtanggol ang sarili ko.

Nakita ko kung paano natigilan ang mga estudyante at tinignan ako ng masama. Wala na ang mga posters, banners, at tarpaulins dahil pinatanggal daw ni Claire. Pero mukhang hindi natanggal sa isipan ng mga estudyante ang pictures na iyon.

I’m still judged sa mga isip nila and I can’t stop it.

Marahan ang paglalakd ko sa hallway pero damang dama ko ang bigat ng paa ko. Maraming tumatakbo sa isip ko lalo na at running for Valedictorian ako. Surely, gustuhin ko man o hindi ay maapektuhan ang academics ko.

Ano bang ginawa kong masama kay Kei at galit siya sa akin? Ginawa ko naman ang gusto niya na umiwas ako sa kanila ni Charles James diba? I always prevent myself from him. Pinangako ko naman na tutulong ako diba? Bakit ganito na lang ang nangyayari? Ako na nga ang tumutulong ay napapasama pa ako.

Bianca Mae Terelle,”mahinahon, very masculine at may emphasis ang pagkakabanggit niya ng pangalan ko. Alam ko kahit hindi ko siya lingunin, kilala ko siya.

Imbis na huminto ay patuloy pa rin ako sa paglalakad. Para saan at lumalapit na naman siya sa akin?

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Where stories live. Discover now