CHAPTER 59

9.1K 185 2
                                    

***CHAPTER 59***

“TRUST no one.”

 

--

Bianca’s POV

 

Several days.

Several days.

Ilang araw ba eksakto ang several days?

 

“Bessy..ayos ka lang ba?,” narinig ko si Claire sa tabi ko pero di ko siya masagot. I nodded.

“Ganyan na siya lagi kahit sa office, parang wala siyang gana..,” boses ni Angel at alam kong tumabi na rin siya kay Claire. Nasa garden kami ng Ylleshnne University.

 

“Bessy, sabihin mo naman kung anong nararamdaman mo…,” hinimas ni Claire ang likod ko.

 

“Bianca, makikinig kami sayo..,” sabi naman ni Angel.

 

 

“Sagutin nyo nga ako..ilang araw ba ang several days?,” yumuko ako para mapigilan ang  pagpatak ng luha sa mga mata ko.

Hindi sumagot sila Claire.

I sighed heavily.

“Bakit ganun? Bakit ang tagal tagal matapos ng several days?..14 days na Claire…exactly two weeks na pero ni text o tawag wala..,” di ko na napigilan ng pagpatak ng luha sa mga mata ko..

Niyakap lang ako nila Claire at Angel.

“Alam mo kung anong masakit? G--girlfriend ako!...Gabi gabi ko s-siyang inaabanagan sa skype, lagi k-kong tinitignan ang phone ko mula paggising ko sa umaga.. hanggang sa pagtulog pero walang text o …tawag mula sa kanya…bakit ganoon? ” humagugol na ako sa pag-iyak.

“Bessy, we understand..”, sabi ni Claire at pinunasan niya ang luha ko gamit ang panyo niya.

 

“….gusto kong magalit sa k-kanya..pero--.pero namimiss ko na talaga siya…,” mas lalo na namang nagsikip ang paghinga ko..para akong bata ..

Simula ng umalis si Charles James hindi na siya tumawag o nagtext man lang. Noong una, lagi kong sinasabi sa isip ko na baka sobrang busy lang niya at importante yung deal niya. Simula una hanggang pang-apat na araw ay nakukumbinsi ko pa ang sarili ko…pero simula ng magising ako isang umaga eksaktong isang lingo na wala siya, naisip ko na hindi na makatarungan na hindi siya nagpaparamdam..I even tought na baka darating na siya at sosorpresahin lang ako..

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Where stories live. Discover now