CHAPTER 42

9.3K 221 16
                                    

***********[ CHAPTER 42]***************

Bianca’s POV

 

 

“Kumusta? Antagal nating hindi nagkita ..Paul..,” sabi ko habang nilalapag ko sa tabi niya ang mga bulaklak na na dala ko.

Nandito ako ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing si Paul. Dalawang taon na siyang patay at alam ko na masaya na siya kung nasaan man siya ngayon.

“Alam mo bang napanaginipan na naman kita?...,” sabi ko sa kanya habang nagsisindi ako ng kandila.

 

“Alam mo ba sa panaginip ko..pumunta daw tayo ng Tokyo at nag-propose ka na sa akin… Kaya lang baka hindi mo na narinig yung sagot ko kasi nagising na ako … Alam mo bang namimiss ka na naming lahat…,”

Umupo na naman ako sa gilid at pinagmasdan ang langit. Nalulungkot ako dahil iniwan na niya ako. Isang taon din niyang nilabanan ang sakit niya at alam ko na hanggang sa huli hindi niya gustong sumuko..pero sadyang hanggang doon na lang ang buhay niya..

*Flashback*

 

“Bianca…nasaan ka?,” narinig kong tinawag ako ni Paul ng minulat niya ang kanyang mga mata.

“Paul..nandito ako,” tapos hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

Katatapos lang ng chemotherapy niya. 6 months na rin simula ng graduation at nasa college na ako.

 

 

 

 

“Bianca..napapagod ka na ba?,” mahina pero rinig na rinig ko ang lungkot sa boses niya.

                                                        

“Bakit naman ako mapapagod Paul?,” sagot ko naman sa kanya at tinignan ko siya sa mga mata niya. Sa loob ng 6 months niya sa pag-uundergo ng chemo, aaminin kong mas lalo siyang pumayat at yung mga buhok niya ay unti-unti na ring nalalagas. Maputla na rin ang kulay niya at malalim ang mga mata niya.. tapos hindi na rin malinaw ang paningin niya.. sabi ng mga doctor, ito daw talaga ang mga initial effects ng chemotherapy

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Where stories live. Discover now