CHAPTER 55

9.4K 214 6
                                    

THIS IS DEDICATED TO @trueblack_faith :)) thank you for supporting! Enjoy

****CHAPTER 55***

Bianca’s POV

 

7 PM na at talagang wala akong magawa. Ayoko namang magbasa ng libro eh..bakasyon nga eh! At hanggang ngayon di pa rin bumabalik sila Claire! Hindi kasi ako hinahayaan ni Charles James na tumulong sa kanya, knowing na busy nga siya dahil biglaan nga ang pagbabakasyon niya..alam ko namang marami siyang trabaho sa office. ..

Siya lahat ang nagluto at naghugas ng pinggan. Kaya ngayon nakaupo lang ako sa sofa at walang magawa. Kanina ko pa pinalilipat-lipat ang channels pero wala talaga akong magustuhan kahit isa!

Konting galos lang naman ‘to! Hindi naman ako naputukan o nasabugan ng bomba at naging baldado..

“You’re bored..?, ”

 

 

Tinabihan ako ni Charles James asa sofa, ang bango bango niya talaga!  at kinuha niya ang remote control para patayin ang T.V. Binalot tuloy ng katahimikan ang buong paligid.

“Oh..ba’t mo pinatay?,” nilingon ko siya. Pero bago pa man siya sumagot sa tanong ko ay hinawakan niya ang kamay ko at bigla syang tumayo.

 

“Let’s go out..” at hinila niya ako palabas ng resthouse. Baka depress na ito kasi andami na nga niyang iniisip dumadagdag pa ako.

Sabay kaming naglakad sa tabing dagat habang masayang kong pinagmamasdan ang liwanag ng buwan. Puno ng ilaw ang kabilang isla at tanaw ito mula sa kinatatayuan namin. Hindi nagsasalita si Charles James at pinaglalaruan lang niya ang kamay ko na hawak niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o kung paano ko dapat umpisahan yung conversation.

“Bianca..”

“Uhmm..?”

Masaya ka ba?” napatigil ako sa paglalakad at hinarap si Charles James

“Oo, masaya ako..,” tapos nginitian ko siya.

Bigla naman siyang lumuhod..

 

Kinabahan ako at nagdasal…

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon