CHAPTER 20

10.1K 254 10
                                    

***********************[CHAPTER 20 ]*************************

 

“New beginnings are often disguised as painful endings.”

- Lao Tzu

 

Tinitigan ko lang si Charles James habang hawak niya ang mga tali ng mga lobo. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ang nasa mga mata niya.

Dumoble ang kaba sa dibdib ko.

Inilapit ni Charles James sa akin ang mga lobo. Pinapapili niya ako. Kung hahawakan ko ba ito o pakakawalan sa ere..

Napalunok ako at hindi ko inalis ang tingin ko sa mga mata niya. Wala akong mabasang ekspresyon.

 

“PILI NA , WAG MO NA AKONG PAG INTAYIN.” Sabi niya na may seryosong boses.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Gusto kong magtanong kay Charles James.. gusto kong malaman kung gusto niya bang piliin ko na bigyan si Paul ng second chance.

Yumuko ako at dahan dahan kong inabot ang kamay ko para kunin sa kanya ang mga tali ng lobo…

Naramdaman ko ang mainit niyang kamay .. nahawakan ko na ang mga tali ng lobo ..

“Tss,” nag angat ako ng tingin at nakita ko kung paano siya umismid.. pero iba ngayon… dahil sigurado ako….

May halo ng lungkot ang mga titig niya sa akin..

 

“Ayieeeeeeeeeeeeee!!!!!!!”

“CONGRATS!!!!”

Umingay ang paligid at nakita kong nagsitakbuhan palapit sa akin ang mga cute na bata at sabay sabay nila akong niyakap

Hindi ko na nagawang tawagin si Charles James .. wala na akong nagawa kundi panoorin na lang ang unti unti niyang paglayo sa akin.

Hinila naman ako ng mga bata papalapit kay Paul na abot tenga ang ngiti.

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Where stories live. Discover now