Chapter 16

10.9K 270 17
                                    

----------------------------------[ CHAPTER 16 ]----------------------------------------------------

Bianca's POV

Nandito na kami ni Claire sa school at papasok na kami ng classroom. Ewan ko kung bakit sobra ang kabog ng dibdib ko ngayon. Ano na kayang nangyari sa dalawang iyon? Buhay pa kaya sila ?

Stupid me. Ako ang puno't dulo ng lahat ng ito eh !!

"Bianca, umayos ka nga!," bigla naman akong napatingin kay Claire. Bigla kasi siyang huminto sa paglalakad at humarap sa akin.

"ano ?," naka-kunot noo kong sa sagot

"kanina ka pa tulala.. ano bang pinoproblema mo ? ", I rolled my eyes instead of answering her.

"okay. I know naman the answer eh, just relax okay . ," tapos hinila na niya ako papasok ng classroom.

Umupo na ako sa table ko at naramdaman kong may umupo sa kabilang table sa left side ko.



Shoot.

Alpahabetically arranged pala ang seat .

Sino ba ang nagpauso ng alpahabet at ng masapak ko! Bakit kasi magkatabi pa ang "S" at "T" ?????????????





Hindi ko siya pinasin at nagpatuloy nalang sa pag babasa ng librong hawak ko. Bad thing dahil hindi ko katabi si Claire Zulueta. Nasa last row kasi siya.



Agad agad namang dumating ang aming class adviser na si Sir Miguel. Tinago ko na librong binabasa ko at nag-focus sa teacher namin na nasa harapan.



"Well, simula sa araw na 'to, magiging kaklase nyo na si--," hindi na natuloy ni Sir Miguel yung sinasabi niya dahil biglang bumukas yung pinto at pumasok si----





"Charles James...," I whispered.



"Well, Mr. Laxamana, your seat will be--, " hindi na naman naituloy ni Sir Miguel ang sinasabi niya dahil nagsimula ng mag lakad si Charles James sa kinauupuan ko at nasabi ko na bang ang lamig ang aura niya?



"Get lost," sabi niya dun sa classmate ko na nerd na nakaupo sa right side ko, para namang binuhusan ng malamig na tubig ang classmate ko na yun at kumaripas ng takbo papunta ng ibang upuan.



I froze. Sobrang creepy ni Charles James at parang may apoy sa mga mata niya. Napansin ko rin ang cut niya sa may bandang labi. Surely, nagsuntukan pa sila ni Paul kanina.



"BASTARD," narinig kong sabi ni Paul kaya napatingin ako sa direksyon niya.



Medyo putok din yung labi niya. Halatang halata ang pamumula dahil ang puti ng balat niya. Parang gusto kong sigawan ang lalaking 'to dahil sa inabot niyang sugat pero ayoko. Ayokong isipin niya na nag-aalala ako sa kanya.



Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya tumingin siya sa akin. Nagtama ang mga paningin namin pero agad naman akong napaiwas at tumingin sa ibang direksyon.

Nahagip naman ng mga mata ko si Claire at ang babaita sinabi ba namang----

"Go Girl !! ", she mouthed teasingly

Kainis.

--

At nagpatuloy na ang lecture hours. Super awkward ng atmosphere at hindi talaga ako makapag focus sa pag-aaral ko. Kahit pinipilit ko namang makinig, wala talaga sa lectures ang isip ko—more like LUMILIPAD ang DIWA ko !!



Nilingon ko naman ang mga katabi ko and VOILA !!! pareho silang natutulog at meron pa silang earphones. Ang gara lang ! parang walang pakialam ah !

I sighed. Tumayo ako para lumabas na ng room dahil wala na daw kaming klase. At sa dalawang lalaking 'to na natutulog sa tabi ko, bahala kayo . I need a fresh air dahil masyado ng polluted ang paligid ko. Hindi ako makahinga ng maayos .

Dinala ako ng mga paa ko sa garden . Umupo ako sa bench at ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang nagdala kay Paul dito at nagpakita pa siya sa harap ko. Basta ang alam ko masakit pa rin ang puso ko .



Simula ng break up namin ni Paul, ang dami kong na realize na mga bagay. Naintindihan ko na may mga pangyayari lang talagang dapat na lang tanggapin. May mga bagay na hindi pwedeng ipilit kung hindi naman meant to be.

Si Charles James ang naging daan para kahit papaano ay maging matatag ulit ako. Siya ang laging sumasagip sa akin sa mga pagkakataong ang hina ko. Siya yung tipo ng taong paiba-iba ng mood pero wala ka ng magagawa kundi sumakay na lang sa trip niya.

Si Charles James na iniidolo ng lahat kahit ang sungit at isanabero niya.

Naramdaman ko na may pumatak na likido sa mga mata ko.

"Bianca.." nagulat ako dahil sa boses na yan na nasa likod ko. Kahit hindi ako lumingon, alam ko kung sino ang taong 'to.

Mabilis kong pinahid ang luha ko gamit ang mga kamay ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa bench at maglalakad na sana palayo kaya lang naramdman ko ang mahigpit niyang paghawak sa braso ko..



"Bitawan mo ko Paul, pagod na ako.."



Pero imbis na bitawan ako ay hinatak niya ako papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko na pinatong niya ang kanyang mukha sa balikat ko.



"paul," mahinahon at kalmado kong sambit

"Sorry Bianca, Sorry." Sabi niya at bumuntong hinga siya ng malalim.



"Pakawalan mo na ako Paul, papatawarin kita pero hindi ngayon ... alam mo naman na masakit diba ? masakit yung nagyari sa atin.. hindi ko pa kaya magpatawad ngayon... "

"Bianca, hindi ko sinasadya... naging duwag ako.. naging mahina.. Pero maniwala ka.. ikaw lang ang mahal ko.."



"Maniwala?. Sa tingin mo ganun kadali iyon ? ", at buong lakas ko siyang tinulak palayo para makakalas ako sa mga bisig niya.



"Let me explain Please..," his eyes are full of pain. He's serious and I can feel the deep sadness in his voice..

No. hindi pwede 'to. Hindi pwedeng lumambot ako.. Not now.



"I don't need those lies Paul, let me go and move on," I looked at his eyes and I started to walk away again... away from this situation.. away from this hurt... away from him.









"I have a cancer."



Bigla akong nabato sa kinatatayuan ko. At hindi ko na rin napigilan ang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko. Nahihirapan akong huminga at parang gusto kong lumuhod dahil unti –unting nawawalan ng lakas ang mga tuhod ko .

WHY DO I HAVE A CRUEL FATE ?





----------------------------------------

MSPATRICKSTAR'S NOTE

Readers, don't hate Paul ha. May sakit pala siya.. kaya ganun siya...



Anyways,

Thank you sa pagbabasa;)

I will be very happy to know na may mga taong nakakapansin nito ;)

I got new story entitled "The Courage to Love" ! Please support!

Don't hesitate to comment ;)



Lovelots,

mspatrickstar

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن