Reprobate 49

135 4 0
                                    


Jakarius Velarde's

"Hindi ako magtataka kung isang araw may lalapit sa atin at sasabihin na tatay na si Jakarius!" Agad akong natawa sa sinambit ni Gioia habang umiinom kami ng alak dito sa condominium ni Acetine.

"Okay lang." Hindi apektado kong sagot. Kinunutan ako ng noo ni Ace.

"Okay lang?" Tanong niya pa kaya napatango ako.

"Okay lang, as long as si Amore ang nanay." Naramdaman ko ang sakit sa aking batok nang batukan ako ni Gioia na Kuya ni Amore.

"Gago! Huwag nga ‘yung kapatid ko." Aniya kaya napangisi ako, ang lakas mang-asar e pikon naman.

Sabagay, ganyan naman talaga ‘yan kahina at kapikon basta tungkol na sa pinaka mamahal niyang kapatid na tinuturing ko na ring kapatid dahil halos nakita ko ring lumaki, protective rin because of her condition.

"Umuwi na kayo." Masungit na taboy sa amin ni Ace makalipas ang ilang sandali.

"Gago! Ayaw pa. Bakit may darating ba? Pa-share!" Excited kong sabi pero binatukan niya rin ako.

Ang sakit ah! Kapag ako nagkaroon ng cancer sa batok sagot ba ng dalawang ‘to ang chemotherapy ko?

Napangisi ako kay Ace, palibhasa nakahanap ng katapat niya.

"Ikaw Gioia? Panay sa SHS building ah!" Kantyaw ko sa isa na nanahimik na. Agad niya akong tinaasan ng middle finger kaya mas lalo lang akong natawa.

Halos madaling araw na noong mag pasya kaming tumigil dahil na rin kailangan nang umuwi ni Gioia, masyado kasing strict ang parents. Weak hehe.

"Hoy, sa left room ka ha! Gago panay tulog ka sa kwarto ko." Masungit parin na bilin ni Acetine.

"Gago ka rin, uuwi ako ‘no! Anong tingin mo sa akin? Parating nakikitulog?" Tanong ko na tinawanan ni Gioia.

"Parang ganoon na nga, ‘di ba halos gabi-gabi ka rito dahil ayaw ka ng papasukin sa inyo?" Aniya kaya napairap ako.

"Love ako ng mga ‘yon kaya pag bubuksan nila ako." Mayabang kong sagot.

"Love? Nino?" Si Acetine na parang nang aasar.

"Ni Mommy at kuya Joaquin!" Sagot ko at lumabas na.

Mahal naman talaga ako ni Mommy at Kuya ‘no. Si Daddy lang naman ang hindi ko sure kung mahal ako.

Natawa ako sa isipin na iyon kahit na para sa iba ay masakit ang ganoon.

Simula bata ako ganoon na siya kaya naman alam kong hindi na ‘yon mababago pa kaya imbes na magmukmok ako sa isang sulok dahil lang sa hindi ako mahal ng ama ko, pinili ko na lang na maging masaya para sa mga taong nag mamahal sa akin at nagbibigay suporta.

Kailangan kong maging masaya kundi mamamatay akong malungkot at ayaw ko ng ganoon. Gusto ko mamamatay akong nakangiti at walang galit sa puso.

"Jakarius, ano? Heto lang ang kaya mo?" Tanong ni Daddy sa akin.

Ano ba ‘yan? Wala na ngang line of seven ayaw niya pa!

"Bakit dalawa lang ang line of nine at physical education pa ang isa?" Tanong niya pa.

"Basketball player po ako." Proud kong sagot pero hindi siya natuwa roon.

"Ayan! Diyan ka siguro nagiging focus." Pagalit niyang saad, nakita ko na pinakalma siya ni Mommy.

"Ayaw mo ba ‘yon? Magaling sa sports ang anak mo?" Ngumiti sa akin si Mommy kaya sinuklian ko.

"Kung sa academic sana siya magaling gaya ni Joaquin, mas ayos." Tugon ni Daddy kaya nakita ko ang pag-iling ni Kuya.

The Reprobate Rose (Rose Series #1)Where stories live. Discover now