Reprobate 40

103 5 0
                                    


"Sav." Agad niyang hinagilap ang braso ko sa akmang kong pagtalikod.

"Ang init mo." Naalarma niyang sabi pero winaksi ko ang kamay niya.

"Matutulog na po ako uli." Saad ko.

"We will talk." May diin na ang tinig niya kaya naman halos manakit na naman ang dibdib ko sa hindi mapaliwanag na nararamdam.

"Bakit? Nagsumbong na ba sa'yo si Leila?" Tanong ko sa kanya. Nangunot noo siya pero hindi nagsalita.

"Mag-uusap tayo tapos hindi mo naman ako hahayaan na mag explain." Hinanakit ko pa.

Pumipitik sa sakit ang ulo ko pero mas grabe ang pitik ng sakit sa puso ko.

"Then explain." Mariin niyang sabi. Huminga ako nang malalim bago kumapit patalikod sa sandalan ng sofa.

"Sinampal niya ako noong nakita mong binato ko siya ng libro. May mga kasama siya noon na handang sumali sakali. Sinabi niyang napahiya siya? Totoo naman 'yon, pero hindi ko siya pinahiya, nahuli si Leila ng teacher namin na pinapagawa sa akin ang toka niya kaya ganoon ang nangyari at napahiya siya sa klase. Kinakausap? Oo, kinakausap niya ako noon pero hindi sa mabuting paraan dahil nga sinampal na niya ako na hindi mo naman nakita." Explain ko, nakatitig lang siya sa akin matapos ‘yon.

"At sa sumbong niya sa'yo ngayon, wala akong kinalaman sa hindi niya pagtapos sa presentation ng defense niya, may saltik yata ‘yang girlfriend mo para pati ‘yon ay isisi sa akin." Rugtong ko.

Minsan siyang ngumisi na parang tinatago niya ang mangiti.

"Ano? Anong gagawin mo sa akin ngayon na nalaman mo na ang ginawa ko sa pinakamamahal mong girlfriend?"  Hamon ko.

Halos takpan ko na ang bibig ko sa tapang nito ngayon.

"Ayon lang ang ginawa mo?" Tanong niya. Napataas ang isa kong kilay.

"Bakit may iba pa bang sumbong ang story maker mong demonyitang girlfriend?" Tanong ko rin, hindi ako nakatakas sa kanya nang bigla niya akong ikulong sa dalawa niyang braso dahil nga nakasandal ako sa likod ng sofa.

"Ang harsh naman ng bibig mo kay Leila, Ma'am." Ani niya kaya napatulak ako.

"Layo." Tanging nasabi ko pero mas lumapit pa siya.

"Uminom ka ba ng gamot mo." Bahagya siyang yumuko para mag pantay ang mukha naming dalawa.

"Defended daw ang paper mo kanina, I'm so proud of you." Bulong niya pa sa may tenga ko.

"Sir." Tanging nasabi ko at tinulak na siya sa dibdib pero hindi man lang siya natinag.

"Hindi ko girlfriend si Leila, ikaw lang ang gusto kong maging girlfriend." Seryoso niyang sabi pero sa inis ko agad ko siyang tinulak uli, at this time nakalaya na ako sa kanya.

"Sinungaling ka!" Mariin pero bulong ko na lang na sabi.

"Bakit ano bang sinabi ni Leila sayo?" Tanong niya pero umiling ako.

H‘wag ka ngang marupok, Sav!

"Nakita ko! Nag se-send siya ng mga pictures sa GC namin at madalas kayong magkasama." Asik ko.

"With our friends. Come on, parte kaming dalawa ng isang group of friends pero hindi ibig sabihin nito na girlfriend ko siya." Tanggi niya.

"May hickey siya at ikaw ang may gawa aniya." Agad ko uli na asik kay Jaks, bigla siyang natahimik.

Fuck you, Velarde!

"At ilang beses na rin kitang nahuli na may red mark sa collar. Galing sa labi niya ‘yon, hindi ba?" Paratang ko na sa kanya.

The Reprobate Rose (Rose Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon