Reprobate 12

97 5 0
                                    


"Gising ka pa ba?" Tanong niya sa akin pag bukas ko sa pinto.

"Uh, oo. Nag re-review din kasi for tomorrow."

Siya na ang nagsara at nag lock nito matapos.

"Okay, good night. Thank you sa pag bukas for me, Ma'am!" Masigla ngunit pabulong na lang niya na sabi.

Hindi ko alam pero naging routine ko na 'to. Ilang buwan na rin matapos ang sembreak ko.

Umalis na kasi rito sa bahay si Sir Joaquin at binilin sa akin na hanggat maari kung kaya kong pagbuksan ng pinto ang kapatid niya, pagbuksan ko para hindi ito makitulog sa ibang bahay.

Kinailangan kasi niyang magpunta sa ibang lugar regarding sa kanyang pag-aaral kaya naman sinunod ko na rin ang bilin ni Sir Joaquin sa akin. Sa tingin ko nga noong wala pa ako rito baka siya talaga ang nag bubukas ng pinto para sa pasaway niyang kapatid.

"Sige, Sir." Sambit ko at tinalikuran na si Sir Jaks.

"Good luck sa kung ano bang nire-review mo." Sambit niya pero hindi na ako nakasagot dahil medyo antok na rin at gusto ko nang matulog.

It's already 12 AM at ngayon lang siya umuwi. Nakita ko pang may kiss mark ang uniform nya sa may bandang leeg. Sabagay, noong minsan nga may kakaibang marka mismo ang leeg niya.

Ang playboy niya, ayan ang nalaman ko. Ibang iba talaga sa Kuya.

"Jeb, may ballpen ka pa?" Tanong ko sa katabi kong busy ngayon sa pag me-make up kahit five minutes nalang bago mag start ang exam namin sa subject na 'to.

"Ay oo, kunin mo nalang sa bag." Sagot niya kaya ganoon nalang ang ginawa ko, matapos ay maikli akong nagdasal para sa exam ko na 'to.

Ganoon umikot ang second sem ko as a grade 11 student. Thankful parin naman ako because I maintained my grades.

"Ayaw mong sumama sa amin sa Palawan?"

Isang hapon na umuwi si Sir Joaquin sa bahay nila.

"Uh, hindi na po." Tipid kong tanggi sa kanya.

"Gusto mo bang umuwi nalang sa inyo ngayong summer?" He asked me again, binitawan ko muna ang gunting na gamit ko sa pag-aayos ng mga bulaklak sa garden nila.

"Pwede po ba?" Tanong ko.

March na kasi ngayon at patapos na ang school year. Hindi ako nakauwi ng pasko at new year kay Ate Sam dahil hindi ko kayang mag bakasyon sa dami ng take home activities and such na pabaon sa amin ng mga teachers kaya naman ngayong summer ko sana gustong makauwi lalo na at medyo mahaba haba ang summer vacation compare sa ibang vacation from school.

"I will talk kila Mommy, ang gusto kasi nila sana isama ka sa Palawan with us." Aniya kaya tumango ako.

Malaki ang utang na loob ko sa mga Velarde kaya naman kung gusto nila akong isama sa Palawan para siguro may makasama sila roon dahil hindi naman sasama si Lola Ysa at Osang ay pauunlakan ko na.

"Ayos lang kung ganoon, Sir . Isang buwan lang naman po, ‘di ba?" Tanong ko.

Ayun kasi ang alam ko, baka pag-uwi dito puwede na akong mag paalam na sa huling buwan ng vacation makauwi ako kahit dalawang linggo lang.

"Yes." Sagot niya, napatango ako.

"What about sa susunod na buwan ka nalang umuwi after Palawan?" Pagsatinig niya sa idea na nasa isip ko.

"Ayun nga po sana ang ipagpaalam ko." Tipid ang ngiti kong sagot. Tumango tango naman siya.

"Sige ganoon na lang. Ako ang bahala para makasama ka na sa amin." Aniya.

"Saan ka this summer?" Tanong ko kay Jebediah, nasa canteen kami ngayon at kumakain ng lunch.

"New York. Gaya dati." Tamad niyang sabi na parang hindi natutuwa.

New York kaya ‘yon! Ayaw niya?

"Hindi ka masaya?" Hindi ko na napigilang itanong. Tipid ang ngiti niya sa akin matapos ‘yon, she drink on her water.

"Boring. Business lang naman aatupagin nila Mommy do'n at iiwan ako sa mga maids. Wala akong friends or cousins sa New York kaya wala akong kasama. Nakakatawa nga na ang excuse nila kaya ako isasama ay para makasama nila ako pero... Hay naku! Kung puwede ka sana." Natawa ako sa huli niyang sinabi.

"Kapag mayaman na ako, tayong dalawa ang mag ta-travel together." Nakita ko naman ang excitement sa kanya matapos ‘yon.

Jebediah is my friend. Mabuti siya sa akin pero habang tumatagal mas nakikilala ko siya.

Oo nabibili niya ang lahat ng gusto niya pero hindi siya totoong masaya, typical story of all na may business ang pamilya, wala ring oras sa kanya ang mga magulang niya kaya naman kapag ganito ang sitwasyon naming dalawa sinisiguro ko na napapagaan ko ang pakiramdam niya.

Iba iba nga talaga ang bawat tao ng definition ng happiness.

Ako kasi pakiramdam ko kapag nakuha ko na ang gusto ko, magiging masaya na ako, but seeing Jebediah like this parang hindi siya masaya na nararanasan niya ang gusto kong maranasan. Minsan nga niyang sinabi na sana ay may pamilya siya na gaya ng akin kahit si Ate lang ang kasama ko at least nakikita raw niya na masaya kaming dalawa at mahal namin ang isa't isa.

Iba-iba nga, si Sir Joaquin naman ang parents nila ang happiness niya kaya nakikita kong pursigido talaga siya sa pag-aaral dahil ayon ang basehan ng happiness ng mag asawang Velarde at makita lang niyang masaya sila ay happiness na niyang maituturing.

"Palawan!" Sigaw ni Sir Jaks.

"Can you please lower down your voice. Ang ingay mo, Jaks!" Suway sa kanya ni Sir Joaquin.

Ang hyper naman kasi niya, hindi ba siya napagod sa biyahe? Halos kadarating lang namin ngayon at mag che-check in na sa hotel.

"Ang KJ mo!" Ganti na lang niya.

Minsan napapaisip ako. Jakarius Velarde is my own definition of happiness.

Parang sa lahat ng bagay nahahanap niya ang happiness, kahit na parati siyang napapagalitan hindi niya iniinda para hindi maapektuhan ang mood niya.

Paano niya nagagawa ang ganoon? Bakit parang ang saya naman maging siya?

I'm a chaser of happiness na lagi kong nakikita sa mga mata niya pero parang kahit kailan hinding hindi ko makukuha ang ganong klase ng saya.









Hope you're okay. God bless! -Croseng

The Reprobate Rose (Rose Series #1)Where stories live. Discover now