Reprobate 13

108 6 1
                                    


"Gusto mo ba isang room nalang tayo?" Agad kong inangat ang tingin ko kay Ate Carina.

Siya ang girlfriend ni Sir Joaquin na kasama namin ngayon sa vacation na 'to.

Ang una kong tawag sa kanya is Ma'am Carina pero ang sabi niya Ate na lang daw.

"Ayos lang po." Nakangiti kong sagot kaya ganoon nga ang nangyari.

"Sana all kasama si Ate Carina sa room!" Sigaw ni Sir Jaks na ngayon ay inaasar ang kanyang Kuya.

"Shut up." Mahinang sabi ni Sir Joaquin. Hindi yata kasi pinayagan si Ate Carina at Sir Joaquin na magsama sa iisang room.

"Ganito nalang, mamayang gabi palit kami ni Ate Carina para kayo ang magksama sa room natin, Kuya. Ako naman ang sa room nila ni Sav?" Suggestion pa niya na tinawanan lang ni Ate Carina.

"Baliw ka talaga, Jaks!" Ani niya pa.

"Mas gugustuhin ko ng ako nalang ang makasama mo sa kwarto, Jakarius. At least safe ang lahat." Agad na namula ang pisngi ko dahil gets ko ang sinabi niya.

"Bakit may gusto si Jaks kay Savannah?" Mas lalo lang akong namula sa sinabi ni Ate Carina.

"You made her uncomfortable, baby." Bulong ni Sir Joaquin kay Ate Carina na narinig ko naman.

"Uy! Issue kayong mag jowa." Tanging nasabi ni Sir Jaks pero nanatili rin akong tahimik.

"Joke lang." Inakbayan pa ako ni Ate Carina kaya ngumiti na lang ako.

"Saan mo gusto, sa may side ba ng bintana?" Dalawa ang kama rito sa loob ng kwarto namin ni Ate, pinapapili niya ako ngayon.

"Kahit saan, Ate." Tipid kong tugon.

"Ang tahimik mo ‘no?" Komento niya kaya napangiti ako, nahihiya pa kasi ako sa kanya.

"Let's be friends, isang buwan tayo rito kaya gusto kitang maging close." Nakangiti niyang sabi, napakamot naman ako sa batok ko.

"Medyo nahihiya pa kasi ako sa'yo, Ate." Pag-amin ko.

"Don't be. Ano ka ba?" Natatawa niyang saad na tinanguan ko na lang.

Nag kwentuhan kaming dalawa habang nakaupo sa magkabilang kama. Ang sabi kasi niya mas magiging komportable raw kami kapag nakilala namin ang isa't isa.

"So kayo nalang ng Ate mo ang mag kasama sa buhay?" Tanong niya, tumango ako.

"Kaya kinailangan ko rin pong sumama rito para makapag-aral kahit na ayoko kasi syempre kaming dalawa nalang ang mag kasama, iiwan ko pa." Rugtong ko.

"I see. Ang strong niyo naman." Komento nya na nginitian ko. Kailangan eh.

"Ako naman, I'm a law student tapos may business din, but si Daddy nalang ang kasama ko because my Mom left us when I was 8 years old yata." Kwento niya.

"Wala akong kapatid kaya naman ayon, medyo malungkot however, I can manage kasi Daddy is always there." Nakangiti niyang rugtong.

"Parehas po pala kayo ni Sir Joaquin ng kurso." Ani ko.

"Yes, doon na rin kami nagkakilala, law school. Mabait siya ‘no?" Tanong niya sa akin, tumango ako.

"Uh, opo. Kung ikukumpara kay Sir Jakarius mas focus din siya sa pag-aaral." Sagot ko.

"Mas focus to the point na nakakalimutan na niya minsan na may buhay parin siya sa labas ng school." Malalim ang buntong hiningang pinakawalan niya matapos ‘yon.

"Masyado kasing mataas ang expectations niya mismo sa sarili niya kaya minsan nakakatakot na rin siyang sabihan baka masamain pa. Parehas din kasi kaming madalas na pagod at pressured." Napakunot noo ako sa tinuran niya.

"Mabuti nga itong si Jaks kahit na ganyan nagiging masaya parin sa buhay, hindi gaya ng Kuya niya na nakakalimot na madalas." Rugtong pa niya.

"Mahirap bang magkaroon ng boyfriend?" Naitanong ko. Napangiti siya bago sumagot.

"Oo pero kung gaya ni Joaquin mas kailangan mo ng patience para magtagal kayong dalawa. At the same time, masaya rin nang sobra. Swerte ko rin kasi sa kanya." Nakangiti niyang sagot.

May kumatok at dahil siya ang nasa malapit sa pinto, siya ang nagbukas.

"Okay lang kayo rito?" Bungad ni Sir Joaquin sabay halik sa sintido ni Ate Carina. Lihim akong napangiti, ang ganda kasi nilang tignan.

"Yeah, kayo ba ni Jaks?" Balik ni Ate kaya napabusangot si Sir Joaquin.

"Annoying." Bahagya rin akong natawa matapos marinig ‘yon at right on cue, pumasok din si Sir Jaks sa kwarto namin.

"Hoy, Kuya! Nakakainis ka, iniwan mo ‘ko e nag kukwento pa ako!" Ani niya bago pabagsak na naupo sa tabi ko. Naupuan pa niya ang dress ko kaya naman halos hilain ko na ‘to dahil sa biglang paglihis.

"Ay sorry, Ma'am." Aniya sabay tayo para maayos.

"Ano ba, Jakarius? Iniwan na nga e." Inis na sambit ni Sir Joaquin sabay upo nilang dalawa ni Ate Carina sa kabilang kama.

"Ang sungit mo nanaman." Ani Ate Carina dahilan para lingunin siya ni Sir Joaquin.

"Huh? Hindi naman ah. I kissed you kanina." Sagot ni Sir Joaquin.

"Kay Jaks." Paglinaw ni Ate Carina.

Kung makikita sila mukha naman silang sweet, siguro may mga pagkakataon lang na hindi talaga sila nagkakaintindihan pero parehas ko silang naiintindihan.

Sir Joaquin just wanted to give it all because ayon ang nakikita niyang tama while Ate Carina just wanted na hindi kalimutan ni Sir Joaquin na may buhay rin siya sa labas ng school or hindi lang siya basta estudyante sa mundo.

"Kumain ka pa. Para naman tumaba ka at hindi titigan ng mga lalaki." Ani Sir Joaquin kay Ate Carina habang nilalagyan ang plato niya ng pagkain.

It's our third day here. Kahapon nag swimming na sa dagat pero hindi ako sumama dahil hindi rin ako marunong lumangoy.

"Sama ka na mamaya, Sav." Aya sa akin ni Ate.

"Uh, baka kasi-"

"Sayang ‘yung mga biniling swim wear sa'yo, Sav. Sama ka na sa amin." Gatong pa ni Sir Joaquin.

Ayun pa nga eh, hindi naman two piece ang mga isusuot ko pero medyo revealing kaya naman nahihiya pa rin ako.

"Sasama siya pero bawal at hindi pa siya puwedeng mag swimsuit." Singit ni Sir Jaks na nasa tabi ko ngayon.

"Why not? She will swim anong gusto mong isuot niya, long gown?" Pamababara ni Sir Joaquin kaya medyo natawa ako.

"Kaya nga, ‘tong si Jaks!" Sang-ayon naman ni Ate.

"Bawal pa nga." Tipid na saad ni Sir Jaks kaya naman napakunot noo na ako. Mukha kasi siyang seryoso.

"Bawal kasi baby pa siya." Humalakhak siya matapos ‘yon pero walang gumaya sa kanya, napairap si Sir Joaquin habang umiiling ang katabi niyang si Ate. Ako naman, mas lalo lang nangunot ang noo.

"Baka naman gusto mo lang maging baby?" Ate Carina asked reason why natigil si Sir Jaks sa kanyang pagtawa.











Ano ka ngayon, Jakarius? Mwehe! I'm going to asked something sana if okay lang? I just want you to include me sa prayers niyo na sana kayanin ko and I will also include you all sa prayers ko rin na sana ayos lang kayo or maging okay na kayo (if ever na ‘di ka okay at the moment.) Let's pray for each other, Sengels! Keep safe and mahal ko kayo. God bless!

btw. i'm okay and worth it ka parin, remember that. -Croseng

The Reprobate Rose (Rose Series #1)Where stories live. Discover now