Reprobate 46

102 6 0
                                    


Sabado.

Halos wala akong gana na tumayo para kitain si Kiko ngayon.

Gusto kong malaman mula sa kanya ang tungkol kay Ate pero hindi ko naman alam kung paano ko kakalmahin ang sarili ko sa pagpunta roon at malaman kung ano nga ba talaga ang nangyayari.

Hindi na rin kami nag-usap uli ni sir Jaks. Pakiramdam ko wala rin akong gana na kausapin siya ngayong may nararamdam akong sakit sa dibdib dahil sa kanya.

Kaya ba niya ako madalas na ihatid nang mas maaga sa kwarto ay para lumabas?

Alam kong madalas kaming mag-away ngayon, mainit ang ulo niya parati dahil alam kong may pinagdadaanan siya pero inintindi ko kahit na ako mismo may pinagdadaanan na hindi man lang niya alam.

Hindi ko sinabi sa kanya dahil ayoko rin naman na makadagdag pa sa mga iniisip niya pero ngayon napapaisip ako, kung sinabi ko ba, does it matter to him?

"Saan tayo magkikita?" I asked Kiko from the other line.

"D‘yan na lang sa may labas ng village niyo para hindi ka na lalayo." Sagot niya na sinang-ayunan ko na lamang.

Tumulong ako kay Lola at Osang na maglinis ng bahay at sa iba pang gawain at nang magtanghali na ay nag paalam ako na aalis.

Nakita ko si sir Jaks na kalalabas lang ng kwarto at mukhang kagigising lang marahil sa puyat.

"Sav." Tawag niya sa akin bago pa ako tuluyang makalayo sa kanya.

"May kailangan ka?" Tanong ko nang hindi siya magsalita kahit na huminto na ako sa harap niya.

"You've never texted me yesterday." Kunot noo niyang saad, halos sumabog ang nararamdaman sa dibdib ko pero nanatili akong kalmado sa harap niya.

"Uh, may ginawa kasi ako. Sige na, may pagkain na sa kusina." Sagot ko at nilagpasan na siya.

"Sabay tayo?" Tanong niya pero hindi ko na siya sinagot dahil nagbihis na ako para makaalis.

"Sandali ka lang ba, Sav?" Si lola Ysa na ngayon ay pinagmamasdan ako mula sa salamin.

"Opo. Si Kiko lang naman ang kikitain ko." Sagot ko at tahip na naman ng kaba ang naramdaman ko lalo na nang makatanggap ako ng mensahe mula sa kanya na naroon na siya.

"Mauna na po ako." Paalam ko.

"Kumain ka na ba?" Bungad niya sa akin dahil sa cafe kami nagkita ngayon.

"Oo, Kiko. Ikaw ba?" Tanong ko.

"Hindi pa pero nag order na ako." Aniya, I silently nod my head.

"Mukha kang pagod." Pag pansin niya sa akin kaya nayuko ako. Totoo naman kasi, pakiramdam ko, lantang gulay na ako.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya, napahinga ako nang malalim.

"Kiko, kamusta ang Ate?" Tanong ko na agad na kinawala ng ngiti sa labi niya. Nakita ko pa ang pagbuga niya ng hininga.

"I actually don't know kung ano talaga ang nangyayari sa kanya, Sav... Kase kahit sa akin ngayon ay nagiging ilag siya. Pinipilit ko lang nga na madalaw siya kahit hindi niya ako pinagbubuksan kung minsan." Napahinga ako nang malalim.

"May problema ba? Wala namang nangyayari sa kanya before this?" Halos uhaw kong tanong ng impormasyon.

"Wala naman, mukha naman siyang okay. Ang kaso syempre halos kasabay ko na kayong lumaki kaya naman kilala ko na kayo ni Ate Sam at alam kong may nagbago talaga sa kanya nitong nakaraan." Napailing ako sa kawalan.

Noong una palang naramdaman ko na ‘to eh! Hindi ko lang talaga alam kung bakit ko isinantabi.

Malaki kasi ang tiwala ko sa kanya na sasabihin niya sa akin ang totoo pero parang nagkamali na naman yata ako ngayon.

The Reprobate Rose (Rose Series #1)Where stories live. Discover now