Reprobate 15

109 5 0
                                    


"Hindi naman ako nagagawi sa malalim na part, Ate. Ayos lang ako."

"Mag ingat ka ha? Kamusta naman ba ang bakasyon?" Tanong ni Ate Sam sa kabilang linya.

"Ayos naman. Uuwi ako pagbalik namin galing Palawan." Sagot ko.

"Okay, Sav! Ingat nalang, mag online ka raw ani Kiko." Bilin niya.

"Sige, Ate. After nitong tawag natin mag bubukas ako ng social media accounts para makipag-usap sa kanya." Sang-ayon ko.

"Mauna na rin ako nito. Medyo pagod rin eh, basta keep safe." Paalam na niya bago namatay ang tawag.

"Ano nakakausap mo na si Paul?" Halos maibato ko ang cellphone sa taong bigla nalang sumulpot sa aking harap.

"Ha?" Nasambit ko.

"Hamburger." Sagot niya, I shook my head, ayan na naman po siya.

"May kailangan po kayo, Sir?" Tanong ko.

"Wala." He answered quickly, tumango ako at iiwan na sana siya pero hinawakan niya ako pabalik sa kanya.

"Nakita mo na ba si Paul?" Iniling ko ang aking ulo dahil hindi ko pa talaga siya nakikita kahit ilang regalo na ang naibigay niya sa akin.

"Okay." Seryoso niyang sabi at binitawan na ako para makatuloy sa kwarto namin ni Ate Carina.

Bahala siya! Ang weird talaga kahit kailan.

Minsan naiisip ko, ano ba ang ginawa ko kay Sir Jaks bago siya naging ganito sa akin? May mali ba akong nasabi or what?

Bigla nalang kasi niya akong susungitan tapos after that magiging mabait na naman siya o kaya ay hyper.

"Hindi ko nga alam, Jeb. Naiinis na ako." Hindi maitago ang dabog sa boses ko.

"H'wag kang mainis, ako dapat ang mag rant sa'yo, ‘di ba? Wala na naman akong kasama eh." Malungkot niyang saad sa kabilang linya.

Oo nga pala, tumawag siya sa akin because of that at hindi ko naman napigilan na masabi ang ginagawa ni Sir Jaks sa akin dito. Hindi niya alam na si Sir Jaks, sinabi kong isa sa mga kilala ko.

"Gagala nalang tayo uli sa pasukan, h'wag ka nang malungkot diyan." Sagot ko.

"Eh bakit ba ganoon ang lalaki na ‘yan na naiku-kwento mo?" Lipat niya sa topic matapos niyang mapabuntong hininga.

"Hindi ko rin talaga alam. Bigla na lang siyang naging ganoon sa akin, last time I know, ayos naman kaming dalawa tapos lately may mga ginagawa siya na napaka weird na." Kwento ko.

"Baka may gusto sayo?" Naibuga ko ang tubig na iniinom ko, mabuti na lang at mag-isa ako ngayon sa kwarto namin.

"Ano ba? Baliw ka!" Nasabi ko.

"What? Base sa kwento mo. Nag susungit yata kapag binibigyan ka ng regalo ng secret admirer mo." Ani niya kaya naman napakunot noo ako.

"Kahit noong wala pa ‘yon, ganoon na ang trato niya sa akin!" Tanggi ko sa ideyang namumuo sa utak niya.

"Uh, eh ayos ka lang ba?" Concern niyang tanong matapos, I took a deep breath.

"Ayos naman ako. Ayos silang lahat sa akin ang bait-bait nila talaga hindi gaya ng iba. Ewan ko ba bakit napaka opposite nilang dalawa pero mabuti na 'yon kesa magaya si-"

"Pinapatawag ka nila."

"Kalapating kulay gray!" Naisambit ko sabay baba ng tawag nang marinig ko si Sir Jaks na ngayon ay nakasilip pala sa may pinto.

Noong una ay seryoso ang mukha niya pero matapos ‘yon agad na ngumisi bago ako iwan.

His smirk gave me goosebumps. Wala naman siguro siyang narinig, ‘di ba?

Wala naman... Siguro.

Heto ang huling araw ni Ate Carina rito kaya naman napilit na naman niya akong mag swimming.

Ang mag-asawang Velarde ay umuwi muna dahil may emergency daw sa business nila kaya naman kaming apat lang ang naiwan.

Hindi naman yata sila nag babakasyon, mukhang ang mga anak lang talaga nila ang nag bakasyon dahil puro trabaho parin naman ang inaatupag nila. Ganoon siguro talaga ‘pag mayaman at may business.

Lumayo na muna ako nang bahagya kay Sir Joaquin at Ate Carina para makapag sarili silang dalawa. Alam kong gusto rin nilang sulitin rito nang sila lang lalo na at huling araw na nga ni Ate.

Ang ganda nilang pagmasdan talaga, madalas talaga sila ang nakikita kong parang bida sa mga love stories na nababasa ko sa mga libro. Parang ang perfect kasi nila despite of all na nakwento ni Ate Carina sa akin na minsan nilang nagiging problema. Normal lang naman yata ‘yon sa relasyon.

Napaiwas na ako bago pa nangiti sa kawalan.

Masyado akong nawili sa pagsalubong sa alon at hindi ko na napansin na halos nasa may dibdib ko na pala ang tubig dahil natangay na ako.

Babalik na sana ako nang maramdaman ko ang bahagyang pagkamanhid ng aking kanang paa.

Shit! No.

Umakyat ang manhid sa aking binti kasabay ng paghampas ng alon sa akin kaya napalayo nanaman ako sa dalampasigan.

"Tulong!" Nasambit ko na sa panic dahil medyo nakainom na rin ako ng tubig at ang sakit parin ng paa ko.

"Joaquin, si Savannah!" Boses ni Ate Carina ang huli kong narinig bago ako muling lumubog at pilit na umaangat kahit na hirap ako dahil sa aking paa.

Naramdaman ko ang kamay na pumalupot sa akin bago ako nakaangat. Habol ang hininga at paubo ubo pa nang narating ko ang pangpang sa tulong niya.

"Sav, what happened?" Tarantang tanong ni Ate Carina.

"Are you okay?" Kabado rin na tanong ni Sir Joaquin na ngayon ay binitawan na ako para ma-check.

"‘Yung paa ko." Halos maiyak na ako.

Agad na ginawa ni Ate Carina ang alam niyang first aid sa aking binti kaya naman naramdaman ko ang ginhawa roon kahit papaano.

"Ayos ka lang?" Alalang tanong ni Sir Joaquin kaya tumango tango ako kahit na medyo masakit parin ang paa at kumakabog parin ang aking dibdib dahil sa nangyari.

Kahit kasi bahagya palang akong nakalubog ay hindi ko parin maisip kung anong pwedeng mangyari kung hindi ako nakita ni Ate Carina at hindi agad nasagip ni Sir Joaquin.

Oh God!

"Let's go sa clinic." Aya ni Sir Joaquin.

"Mabuti pa nga. Halika." Natataranta pa rin si Ate Carina kaya naman agad akong napailing sa kanilang dalawa.

"Ayos lang ako, huwag na po." Pilit ko.

"No, Sav. Kailangan para sigurado." Pilit rin ni Ate kaya mas lalo kong iniling ang ulo ko sabay tayo kahit na medyo masakit pa rin ang paa.

"Ayos lang talaga ako, sa kwarto nalang muna. H'wag nalang po sanang makarating kila Mrs. Velarde." Kagat pang ibabang labi kong pakiusap.

Magsasalita sana ako uli pero naramdaman ko ang titig sa akin ni Sir Jaks na nasa dagat parin ngayon at naiiling na nag-iwas nang makita ang titig ko sa kanya.









Reading your comments made me happy so keep on doing that, my Sengels! I surely appreciate it, I love y'all and keep safe. -Croseng

The Reprobate Rose (Rose Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz