Reprobate 2

168 9 0
                                    


"Magandang araw po." Bati ko sa mag-asawang Velarde.

"Magandang araw, ikaw si Savannah. Apo ni Nana Ysa?" Si Mrs. Velarde ang nagsalita kaya naman tumango ako.

"We heard na gusto mong mag apply ng scholarship?" Mr. Velarde asked.

"Uh, opo sana. Kung pagbibigyan." Nakangiti kong tugon.

Nakikinig lang si Nana Ysa sa amin na ngayon ay nag se-serve ng mga pagkain ng mag-asawa.

"College, hon?" Tanong niya sa asawa.

"Senior High." Sagot ng ginang. Mataman akong nakikinig.

"For college ang scholarship na ino-offer sa foundation." Kunot noong sabi ng lalaki.

"I know but, since Savannah is recommended by Nana, pagbigyan na." Nakahinga ako nang maluwag kahit paano dahil mukha naman silang mabait.

"Sabagay. Ano bang balak mong kunin, hija?" Mr. Velarde asked me again.

"Uh, balak ko pong kumuha ng HUMSS as my strand then Education po for college since pasok po siya sa pag-aaralan ko this Senior High." Magalang kong sagot.

Tumango tango siya.

"See? Sa pagsagot pa lang niya matalino na, mas matalino pa sa ibang scholars natin." Mrs. Velarde giggled kaya naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi.

"Okay, as you said. Nice meeting you." Pag payag na ni Mr. Velarde kaya napangiti na ako.

"Thank you so much po." Nasabi ko sa tuwa, ngumiti sa akin nang malapad si Mrs. Velarde na sa tingin ko mas mabait kaysa sa asawa niya.

"Laking hirap kasi ang babaeng Velarde kaya naman magaan ang loob sa'yo. Medyo strikto ang asawa niyang lalaki pero mabait rin, gaya ni Joaquin." Kwento ni Lola sa akin habang inaayos namin ang mga gamit ko sa space ng cabinet na bigay sa akin ni Osang.

"Kaya po pala. Ang bait nga po nila lalo na si Mrs. Velarde." Komento ko.

"Oo, kaugali naman niya ang bunsong anak na si Jakarius, medyo sutil nga lang 'yon. Mas seryoso ang Kuya Joaquin niya kumpara sa kanya kaya naman siya ang parating kinagagalitan ng mag-asawa." Napakunot noo ako.

Alam kong may bunso pa silang anak pero nagtaka parin ako kasi hindi ko pa siya nakikita.

Sa ibang bansa kaya? Baka, kasi si Sir Joaquin sa ibang bansa raw nag-aral noon eh.

"Hi, Savannah. Right?" Agad akong lumingon sa nagsalita mula sa likod ko.

"Uh, opo. May kailangan po kayo?" Tanong ko kay Sir Joaquin.

"Ah, wala naman. I'm just here to apologize because of my behavior kanina, baka na offend kita or what." Ngumiti ako sa tinuran nya.

"Ayos lang po, Sir. Naiintindihan ko po 'yon, acceptable naman po kasi ang reason niyo kung bakit po ganoon ang reaction mo kanina." Nakangiti kong sambit, minsan siyang tumango bago kumuha ng tubig sa ref na nasa gilid ko.

"I heard balak mong kumuha ng Education for college?" Tanong niya kalaunan.

Narinig niya siguro kanina.

"Opo." Tipid kong sagot.

"But you're high school palang, right?" Aniya uli.

Tumango ako, "Yes po."

"HUMSS?" He asked again pertaining to my strand.

"Opo." Sagot ko.

"Paikli na nang paikli ang bawat sagot mo." Bahagya pa siyang natawa kaya naman nakaramdam ako ang pagkapahiya.

The Reprobate Rose (Rose Series #1)Where stories live. Discover now