Reprobate 36

77 5 0
                                    


"Dalawa ‘yon, from Ronah ang isa." Nakangiti niyang sabi patungkol sa halik kaya ngumiti na rin ako kahit na medyo gulat pa, narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ni sir Jaks.

"Merry Christmas, Raph." Nakangiti ko rin na bati.

"Hindi ka nagsabi na dadalaw ka." Rugtong ko bago siya ayain na maupo sa sofa.

"Hindi naman kasi nakaplano, napadaan ako sa pinsan ko tapos naalala ko na rito ka nakatira kaya nagpunta na ako. Isa pa dala ko na rin kasi ang regalo mo from me and sa kambal ko, utos na rin ni Ronah na feeling boss." Ani niya, nakita ko ang pagbaba ni sir Jakarius uli mula sa kwarto niya pero hindi na muna ako nag abalang tignan siya.

"Hindi ko pa nabalot ‘yung iyo kasi balak kong ibigay pag nag kita-kita na tayo nito sa mall." Sagot ko.

"Ayos lang, ayaw ko na ring balutin ‘yung para sa'yo. Dagdag gastos lang kaya bibigay ko na." Tugon niya kaya inirapan ko siya na kinatawa niya pero agad din akong napatakip sa bibig ko nang makita ang inaabot niya.

"Oh my God! Totoo ‘to?" Tanong ko.

"OA." Komento niya pero yumakap na ako sa sobrang tuwa.

It's a complete book series ng paborito kong author. Limited edition kaya may kamahalan, reason why hindi ko mabili.

"Thank you so much!" Ani ko pa at humiwalay na sa kanya.

"Alam kong paborito mo ‘yan. Ilang beses kitang nakitang hinahaplos ‘yan sa screen ng cellphone mo sa tuwing napapasilip ako at makikita mong dadaan sa feed mo." Ani niya pa kaya natawa na ako.

"Salamat talaga." Ani ko na lang. Speechless din kasi talaga.

Masaya man sa natanggap na regalo mula kay Raph, nakaalis na rin siya pero si sir Jaks parin ang naalala ko dahil nakita kong mabilis ang takbo ng sasakyan niya kanina na paalis.

11 PM na pero wala parin siya, wala siyang sinabi na pag bubuksan ko siya ng pinto pero nag aantay parin ako ngayon sa sala dahil wala namang mag bubukas ng pinto para sa kanya kundi ako.

Mag hihintay ako kahit na hindi ako sigurado kung uuwi ba siya ngayon dito.

Pero hindi ako nabigo dahil nang mag alas dos na nang madaling araw, nakita ko na ang sasakyan niyang papasok.

Inaantok akong tumayo at binuksan ang pinto, kita ko pa ang gulat niyang mukha matapos ay ngumisi.

"Oh, bakit gising ka pa?" Tanong niya, nangapa ako ng isasagot dahil wala rin akong alam sabihin.

"Bakit?" Ulit niya pa, napayuko ako bago huminga nang malalim.

"Wala kasing mag bubukas ng pinto kaya-"

"I have keys." Natigil ako sa pagputol niya.

Pahiya ka ‘no? Pabida ka kasi! Bakit ko nga ba siya inantay?

"Uh, ano. Hindi ko na kasi ano... Hindi ko na naisip na meron ka n‘yan, susi I mean. Sige matutulog na ako." Tatalikod na sana ako pero mahigpit ang ginawa niyang paghawak sa braso ko na parang ayaw akong pakawalan.

"Tangina naman, Savannah." Mahina niyang mura na nagbigay kaba sa akin.

"Putangina." Ulit niya pa, ramdam kong mas lalo pang humihigpit ang hawak niya sa akin kaya na papiglas na ako.

"Nasasaktan ako." Ani ko, roon siya parang nagising at binitawan ako.

Lumayo ako nang bahagya sa kanya, gulat siya dahil doon pero hindi ko napigilan.

"Sav, tama na." Pakiusap niya kalaunan matapos naming matahimik.

"Alam ko naman eh, tinanggap ko nga, ‘di ba? Hindi ka magiging komportable sa akin gaya kung gaano ka ka-komportable kay Kiko. Hindi mo ko maa-appreciate kung paano mo i-appreciate si Raphael. Nakita ko, nakita ko lahat, Sav. At kahit kanino man sa kanilang dalawa, alam kong kailanman hindi mo ko makikita kung paano mo siya nakikita." Nakatitig lang ako sa malulungkot niyang mata na parang hirap din ako na umiwas, kahit na igalaw man lang ang mga kamay ko ngayon ay hindi ko kaya.

"Pero sa tuwing ganito, parati mo kong pinipigilan, tangina. Binubuhay mo ‘yung pag-asang pilit kong pinapatay." Napayuko na ako dahil hindi ko na kayang makita ang malungkot niyang mukha.

Ang sakit-sakit kasi.

"H‘wag ka ng mag explain sa lahat ng nakikita ko na sa tingin mo nakasasakit sa akin. Mas okay ‘yon dahil kung walang explanation from you mas madali sa akin na paniwalaan na hindi mo talaga ako gusto."

Hindi niya naman alam eh. Hindi niya alam!

"Hindi mo ko gusto, ‘di ba?" Tanong niya pa na nag pakabog lalo sa puso ko.

"Hindi mo ko gusto, Sav. Hindi ba? Please!" Ulit niya.

"Gusto." Mahina kong sagot.

Matagal ang lumipas na sandali pero wala akong narinig mula sa kanya, nag-angat ako ng tingin para lang makita ang mas lalong lumungkot niyang mukha ngayon.

"Pero hindi gaya nang pagkagusto ko sa'yo." Aniya na parang kompirmasyon.

Hindi na ako muling nakasagot dahil halos bumukol ang lahat sa lalamunan ko.

"Matulog ka na. Ayos lang talaga, Ma'am."

Tumulo na ang mga luhang pinipigilan ko matapos kong marinig ang pagsara ng pinto ng kanyang kwarto.

Hanggang kailan ko ba kayang pigilan ‘to? Hanggang kailan ko kailangang pigilan?

Sana malapit na kasi hindi ko na rin alam kung hanggang saan ako.

Isa, dalawa o tatlong araw ko yatang hindi nakita si sir Jaks matapos ang gabing ‘yon. Kahit na antayin ko siya gabi-gabi ay hindi ko siya napapasulpot.

Siguro nga ginagawa na niya ang kailangan niyang gawin gaya nang paalam niya kila Mrs. Velarde o baka naman balik na siya sa dati?

Alinman, sana ‘yung nauna na lang, ayokong masira uli siya sa parents niya ngayong nag i-improve na talaga siya.

"Mukhang hindi na naman uuwi si Jaks ngayon." Si Lola Ysa habang kumakain kami ng hapunan.

Tahimik ako dahil wala ring masagot sa kanya.

Nung nag new year, doon lang siya uli nagpakita pero ramdam ko naman ang pag-iwas niya sa akin na kahit batiin ay hindi na niya ginawa pa.

Halos mabiyak ang puso ko sa tuwing maalala kong halos isang linggo lang ang nakalipas noong mga panahon na okay kaming dalawa.

And just like that, nawala siya uli.

Kasalanan ko rin naman, ‘di ba? Muntik na eh. Nasabi ko na sa kanyang gusto ko siya, kokontrahin ko na lang ang idea na namuo sa utak niya pero hindi ko kinaya.

Paano ko kakayanin na aminin sa kanya ‘yon kung alam kong hindi kami pwede? Hindi kahit yata kailan sa buhay na meron kaming dalawa ngayon?

Masyadong malayo, masyadong malabo.












Hope that you're doing fine at the moment. Everything's gonna be alright, cheer up! Thank you for choosing my story, God bless and keep safe. -Croseng

The Reprobate Rose (Rose Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon