Reprobate 35

81 6 0
                                    


Hindi ko alam kung gulat o kaba ba ang nakita ko kay ate Samantha pagbukas niya ng pinto.

"Merry Christmas!" Masigla ko paring sabi.

"Sav? Totoo ba ‘to?" Mukhang kagigising lang din kasi niya.

"Siyempre!" Yumakap siya sa akin matapos ‘yon.

"Nakakainis! Akala ko bang hindi ka makakauwi?" Tanong niya na parang maiiyak pa.

"Biglaan lang, kasama ko si sir Jaks." Lumingon pa ako sa likod ko.

"Merry Christmas, ate Sam." Walang atubili niyang bati.

"Merry Christmas din, sir Jaks." Bati ni Ate Samantha bago luwagan ang pagkakabukas ng pinto.

"Salamat, idea mo pala ang pagpunta rito." Pasasalamat niya kay sir Jakarius habang kumakain kami.

"Wala po ‘yon." Ani naman ni Sir Jaks.

"Si kuya Biron?" Tanong ko.

"Umuwi na siyempre, kagabi. So, ano? Ngayon din ba ang alis mo?" Tanong niya.

"Uh, oo. Balikan lang kami." Sagot ko.

"Pero at least, hindi ba? Nakarating ka." Aniya kaya naman napangiti ako, salamat kay sir Jaks.

"Merry Christmas, Savannah oh nana!" Pakantang sabi ni Kiko pero agad na napatakip sa kanyang bibig nang makitang may kasama ako.

"Luh! Hindi mo nabanggit na may kasama ka. Boyfriend mo?" Tinakpan ni Job ang bibig ni Layka na wala na namang preno ngayon.

"Char!" Bawi niya na parang napansin na hindi ganon ‘yon.

"Si sir Jaks nga pala, anak siya ng nag papaaral sa akin." Pakilala ko.

"Merry Christmas." Bati naman niya kaya isa-isa rin siyang binati nila Billy at nag pakilala na.

"Ang sabi mo hindi ka uuwi, kausap kita kagabi ah." Takang tanong ni Kiko sa akin, naupo kami ngayon sa tambayan.

Nakita kong nag e-enjoy naman si sir Jaks ngayon na kasama ang tatlo na waring tino-tour pa siya sa may ilog.

"Nakita niya akong umiiyak kagabi habang kausap si Ate tapos nag offer siya na umuwi rito tapos balik din mamayang hapon." Paliwanag ko.

"Ah. So kamusta ka naman? Kayo?" Aniya pa.

Napakagat ako sa pang ilalim kong labi.

"Ayos naman, Kiks. Okay pa naman." Sagot ko, naramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin kaya I rested my head on his shoulder.

Hindi ko masabi kay Jeb ang tungkol sa nararamdam ko, hindi ko rin masabi kay Ate. Walang may alam kung hindi si Kiko lang kaya naman sa ganitong sitwasyon ay mas na dedepina ang nararamdaman ko, mahirap pala talaga ang ganito.

"May tiwala ako sa'yo, Sav. Marami ka ng kinaya, kakayanin mo rin ‘to pero tandaan mo na anuman ang desisyon mo nandito lang ako." Bulong niya sa akin.

"Uy, grabe mabait naman! Mukhang hindi nga matapobre." Rinig ko ang papalapit na boses nila Job.

Umayos na ako nang upo dahil sa narinig.

"Nasaan si sir Jakarius?" Taka kong tanong matapos kong makitang tatlo lang silang pabalik ngayon.

"Uwi na muna raw sa inyo, Sav. Hindi na nga lumapit sa'yo." Ani Billy kaya napabalikwas ako ng tayo.

"Huh? Bakit daw?" Tanong ko.

"Walang sinabi." Kibit balikat na tugon ni Layka.

"Sandali susundan ko na." Balikwas kong saad at patakbo na muna silang iniwan. Hindi niya kabisado ang daan kahit na malapit lang!

"Bakit mo naman ako iniwan doon?" Tanong ko, dinatnan ko siyang nasa kusina at umiinom ng tubig ngayon.

"Wala lang, gusto mo bang maiwan na muna rito?" Tanong niya. Napakunot noo ako.

"Huh? Hindi ba, balikan lang ang usapan." Ani ko naman.

"Oo kaso mukhang busy ka pa naman." Tipid ang ngiti niyang sagot.

"I mean... suggestion lang. Gusto ko na kasing umuwi, Ma'am. Balikan na lang kita kung kailan mo gustong umuwi?" Nakangiti niyang saad.

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago tumango.

"Halika na, pasensya na kung natagalan tayo rito. Mag papaalam lang ako kay Ate." Ani ko ‘tsaka na pumasok sa kwarto ni Ate para mag paalam.

"Salamat, Jaks." Nakangiting sabi sa kanya ni Ate.

"Wala ‘yon. Mauna na po kami, Ate." Yumakap na nga ako kay Ate nang mag paalam na siya.

Sa biyahe masyadong tahimik kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang paglaruan ang mga diliri ko sa kamay.

"Sir..." Tawag ko, kunot noo siyang bumaling pero agad na binalik ang kanyang tingin sa kalsada.

"Hmm? Gusto mong kumain muna?" Tanong niya pero umiling ako.

"Hindi naman ako gutom, ikaw ba?" Tanong ko.

"Hindi rin." Tipid niyang sagot kaya tumango ako.

Bilang ko na naman kung ilang minuto ang lumilipas sa pagitan naming dalawa dahil sa sobrang katahimikan.

"Galit... Ka ba?" Naitanong ko na sa wakas matapos niyang lumiko papasok sa village nila.

"May ginawa ka ba para magalit ako?" Balik niyang tanong.

Nakita ba niya kami ni Kiko kanina? Baka hindi naman. Hindi naman siguro at kung makikita niya man kami, ano naman?

Sav, umamin ‘yan na gusto ka! H‘wag ka ngang tanga!

Mukhang tinatanga ko na nga lang talaga ang sarili ko.

Pagdating namin sa garahe, tahimik ko siyang pinakiramdaman pero hindi rin ako nakatiis.

"Salamat talaga, Sir." Ani ko at akmang bababa na pero natigil din, alam ko kasing hindi rin ako matatahimik kung hindi ko 'to sasabihin sakanya.

"Kaibigan ko lang si Kiko. Kung-"

"Ayos lang naman, Sav." Aniya atsaka na niya ako iniwan dahil nauna na siyang lumabas sa akin.

Napasandal ako ng ulo sa inuupuan ko, ang hirap-hirap nga talaga nito!

"Savannah, kanina pa ‘yung kaibigan mo sa sala." Agad akong napakunot noo sa bungad ni Lola Ysa sa akin dahil sa kusina ako pumasok.

"Sino po?" Tanong ko.

"Puntahan mo nalang sa sala at mag hahanda ako ng meryenda." Taboy niya sa akin.

Ayun nga ang ginawa ko kahit na medyo nagtataka, wala kasi akong alam na may dadalaw ngayon.

I thought it was Jeb pero si Raph ang dinatnan ko na kausap ngayon ni sir Jaks.

"Ayan na pala siya. Sav, bisita mo." Nakangiti niyang sabi kaya napalunok ako sa sarili kong laway.

"Merry Christmas, Sav." Agad na lumapit sa akin si Raphael at umakyat naman si Sir Jaks sa hagdan, nanatili ang tingin ko sa kanya kahit nasa harap ko na si Raph.

Umakyat man siya pero hindi nakatakas sa kanya ang paghalik ni Raph sa magkabila kong pisngi.

Nakita ko ang kunot noo niyang tingin bago namula ang leeg at tuluyan na nga akong tinalikuran.












hi. just wanna share something, may na realize kasi ang ate ghorl n'yo na beriberilayt lang naman pero usto n'ya i-share hihi. so ayon, i just realized na sometimes hindi tayo palagi ang victim, even it feels like that way pero no. kailangan nating tandaan at hindi natin dapat kalimutan na kung minsan na sa atin 'yung mali at wala sa iba. hindi lahat ganito, hindi lahat ganyan. and yes, nagkamali na naman yata ako hahaha! pero still, hindi ako mapapagod na mag keep going kasi 'di ba? we'll never know na right time and person na pala 'yon so dapat, hindi tayo mag give up. that's it!
comment your thoughts about this chapter, my sengels! i always love y'all! thank you and please, keep safe!!! let's pray for each other as always. -croseng

ps. it's not love life, oki? muah!

The Reprobate Rose (Rose Series #1)Where stories live. Discover now