Reprobate 45

93 5 0
                                    


"Amoy alak ka." Pag pansin ko nang matahimik na kaming dalawa at nakaupo na lang sa sofa.

"Lumabas ka ba?" Rugtong ko nang hindi siya makasagot.

"Hindi. Diyan lang ako uminom kanina sa kusina ‘tsaka isang stick lang ng sigarilyo." Pag-amin niya kaya napanguso ako.

"Nag sisigarilyo ka pala?" Tanong ko na tinanguan niya.

"Para kumalma." Ani niya habang pikit mata nang nakatingala sa pag kakasandal.

"Marami ka bang ginagawa para sa school?" Tanong ko uli.

"Sobra." Mabilis niyang sagot.

"Pahinga ka na kaya?" I suggested kalaunan, nag mulat siya at bumaling sa akin.

"Gusto ko pa rito." Napakibot ang labi ko.

"Pero kailangan mo nang mag pahinga. May pasok ka pa bukas." Pilit ko.

"Namimiss lang kita kapag nasa kwarto na ako eh." Sagot niya na inilingan ko.

"Magkikita pa naman tayo bukas ah." Ani ko naman.

"Pero baka madalang na kahit na nandito lang tayo, ang dami ko ng kailangang gawin. Daddy said to me na isasama sama niya na rin ako sa company." Napatango ako sa.

"E ‘di let's wait na maging free tayo uli." Tugon ko.

"You can wait?" Mabilis niyang tanong, tumango ako.

"I can para sa'yo. Ikaw?" Tanong ko.

"Kakayanin." Tipid niyang sagot bago tumayo para ihatid ako sa kuwarto namin.

"I'm sorry." Aniya bago ako sandaling niyakap. Tinapik ko ang kanyang balikat.

"Ayos lang." Nakangiti kong sagot at tuluyan na nga kaming naghiwalay dahil takot din na may makakita sa amin.

"Girl, grabe mukhang pagod na pagod ka!" Rinig kong sabi ni Gracia na nasa likod namin ngayon.

Inantay ko ang sagot ni Leila sa kanya. Inantay kong sabihin niya na kasama niya si sir Jaks kagabi or what pero hindi naman siya nagsalita.

Marahil nag-usap na talaga sila ni Jakarius na tigilan na ako rito sa school.

"Mukhang hindi ka na ginugulo ni Leila ah." Minsang sinabi sa akin ni Jeb na mukhang nakapansin din.

"Baka nagbago na." Sagot ko naman at nag patuloy na sa pagbabasa, may bagong labas kasi na kwento ang paborito kong writer at ngayon ay pwedeng basahin online kahit walang libro.

"Sus! H‘wag ka munang gumanyan ‘no. Ang tao hindi iyan basta-basta nag babago. Proseso." Salungat niya pero hindi ko nalang siya pinansin.

Bahala na muna siya diyan, mukhang may pinagdadaanan kaya ang papait ng mga sinasabi niya.

"Uy, grabe ka naman. Halos saktong pasado lang ang score mo kanina sa semi final test natin." Agad akong napabuntong hininga sa pag pansin ni Jebediah sa akin.

"Babawi ako sa finals, Jeb." Nakita ko sa mga mata niya na parang may gusto pa siyang sabihin, magtanong perhaps dahil napaka unusual talaga ng nangyari kanina nang matanggap ko ang test paper ko.

Hindi ako nag reklamo dahil alam kong may pagkukulang rin talaga ako. Hindi ako naging ganoon ka-focus sa pag re-review nitong nakaraan dahil sa dami ng mga iniisip ko.

"Hello, Ate?"

"Sav, nahihiya na talaga ako sa'yo." Narinig ko ang hikbi niya matapos ‘yon kaya mariin kong pinikit ang mga mata ko.

"Last na ‘to, Sav. H-hanap ako ng pangalawang trabaho pandagdag sa gastusin ko." Aniya pa kaya umiling ako.

The Reprobate Rose (Rose Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon