Reprobate 9

96 8 0
                                    


"You sure, ayos ka na rito sa terminal?" Paniniguro ni Sir Joaquin na siyang naghatid sa akin palabas dahil may pasok pa siya at madadaan naman ang terminal.

"Ay opo. Susunduin naman ako ni Ate pagbaba, isang sakayan lang naman." Tugon ko.

"If you say so. Ingat ka sa biyahe." Binigay na niya sa akin ang ilang paper bags na binitbit niya dahil may bag akong dala.

"Salamat po uli!" Masaya kong sabi, excited dahil nga pauwi na.

"Okay, take care. See you!" Paalam niya na tinanguan ko na lang bago sumakay sa bus.

Sa ganitong pagkakataon, hindi ko talaga mapigilan na mag pasalamat sa Kanya dahil dinala Niya ako sa mga Velarde na ganoon kabuti sa gaya ko. Kaya naman kapag ako na ang may kakayahan na tumulong gagawin ko rin ang gingawa nila sa akin.

"Savannah!" Ako ma‘y napatili rin nang makita si Ate na nag aabang sa akin sa may waiting shed.

"Ate!" Ganting bati ko pa at yumakap na sa kanya.

"Ang laki mo na!" Napairap ako sa biro niya.

"Ate, anim na buwan lang!" Natawa naman siya sa tinuran ko.

Sabay na kaming nag abang ng masasakyan para makauwi na.

"Sam, hatid ko na kayo?" Napalingon ako sa lalaking biglang nagpakita sa harap naming dalawa ni Ate Samantha.

"Kaya namin." Masungit nitong tugon. Lumingon sa akin ‘yung lalaki kaya naman napatingala ako sa kanya, ang tangkad eh.

"Hi, I'm Biron. Samatha's friend." Lahad niya ng kamay sa harap ko, tatanggapin ko na sana pero nakita ko ang pag-iling ni Ate.

"Friend?" Takang tanong niya sa Biron na nag pakilala.

"We are not even close." Masungit niyang rugtong, napakamot naman sa batok itong lalaki.

"Sorry." Nahihiya niyang sambit kaya siniko ko ang Ate ko, mukha namang mabait eh!

"Uh, ako po si Savannah, kapatid niya." Pakilala ko na.

"Nice to meet you, hatid ko na kayo. Medyo mahirap kumuha ng masasakyan dito." Aya niya sa akin kaya nilingon ko uli ang Ate ko na panay iling lang sa anyaya.

"Uh, ayos lang naman kami. Mukhang ayaw niya talaga eh." Mahina kong sabi, ayaw suwain ang Ate at ayaw din namang hiyain ang lalaki.

"I see. Uh, gotta go, take care." Hindi na niya pilit kaya tumango ako.

"Sino ‘yon?" Tanong ko habang pasakay kami ng tricycle na mabuti nalang ay dumaan.

"Biron daw, ‘di ba?" Sagot niya sa akin kaya naman napairap ako.

"Ano mo?" Tanong ko uli.

"Wala!" Iling pa niya at sinabi na sa driver kung saan kami ihahatid.

"Sus!" Komento ko nalang sa kawalan.

"Customer sa bar noong isang gabi. Gago eh, inaya ba naman ako sa table niya sinabi ko ng singer ako roon pero namilit." Napalaki ang mga mata ko.

"Binastos ka?" Tanong ko na inilingan niya.

"Hindi naman kaso mapilit kaya sinampal ko. Mabuti nalang at hindi ako pinagalitan ni Mommy Els." Banggit niya sa may-ari ng bar na pinag tatrabahuan niya.

"Kaya pala galit na galit ka." Komento ko.

"Talaga! At ang kulit, simula kahapon nagpunta pa sa bahay at panay sorry. Sinabi ko nang okay lang pero hindi naman siya tumitigil at gusto pa raw akong makilala. Gago ‘no?" Kuwento pa niya.

The Reprobate Rose (Rose Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon