Reprobate 47

100 6 0
                                    


"Look, hindi natin kailangang magsisihan dito." Si kuya Joaquin na ngayon ang nag salita at siya na lamang ang kalmado.

"Ano po ba ang nawawala?" Tanong ko na nang sandali kong mapakalma ang aking sarili.

"Sav, may napansin ka bang necklace?" Striktang tanong ni Mrs. Velarde kaya napailing ako.

"Wala po, ano po bang klaseng kuwintas?" Tugon ko uli.

"Mabuti pa at mag hanap tayo sa gamit ng isa't isa." Si lola Ysa ang bumasag ng katahimikan na namayani sa aming lahat matapos kong magsalita.

Pumayag ang lahat, hindi ko alam pero kahit na wala naman akong ginawang masama o kinalaman sa pagkawala ng hinahanap, kabado parin ako.

Ang una ay sa gamit ni lola Ysa pagkatapos sabay sa amin ni Osang.

"May kuwintas po rito." Ani lola Ysa at inangat ang naka box pa na kwintas galing sa gamit ko.

Agad silang lumapit doon, nilabas ang kahon sa may sala at halos patakbo akong sumunod sa kanila.

"Hindi ‘yan ang kuwintas na hinahanap ko." Si Mrs. Velarde kaya nakahinga ako nang maluwag.

"Pero kanino galing ‘to? Kaninong gamit?" Rugtong niya na may paglinaw na.

"Kay Savannah." Si lola Ysa uli ang sumagot sa kanya. Halos mamatay na ako sa halo halong nararamdaman habang kitang kita kong hawak niya ang necklace na galing kay Jakarius noong nakaraang pasko.

"Sav, sa'yo ‘to?" Tanong ni Mrs. Velarde na sa akin na ang atensyon ngayon.

Pilit na pilit ang pag-angat ng ulo ko para tumango.

"Sa akin po ‘yan at hindi ko po alam kung anong itsura ng kuwintas na hinahanap niyo." Ani ko at akmang kukunin na sa kanya ang kwintas na regalo ni Jakarius pero nilayo nya ‘yon sa akin.

"Oh God." Naisambit niya at kahit nagtataka nagawa ko paring habulin ‘yon sa kamay niya para makuha.

"Mom, that's enough." Si kuya Joaquin.

Nanahimik si Mr. Velarde sa isang sulok pero alam ko mula sa mga mata niyang nagmamasid siya sa lahat at maalam pa kaysa sa mga mas nang uusisa.

Matagal na natahimik ang lahat, panay punas ako sa mga luhang patuloy na nag lalandas sa aking mga mata.

Kailan matatapos ‘to? Ayoko na.

Nagpunta ako rito para sa pangarap ko. Gusto ko lang namang maging masaya.

Naisip ko, hindi ba noon ko pa sinasabi na kahit kailan yata ay hindi ako magiging masaya kasi masyado pa akong maraming gusto, makamit at mapagtagumpayan na rin.

Ang alam ko, wala naman yata akong ginawa na ganoon kasama kaya itinuring kong biyaya ang pamilyang ‘to para tumulong sa akin. Oo, hindi ako masaya sa buhay pero naging mabuti parin naman ako at hindi ko akalin na may kapalit pala ang lahat ng kaginhawaan na naramdaman ko nitong nakaraan.

I actually got the happiness that I always wanted, kay Jaks. Pero may kapalit din pala ‘yon na galing rin mismo sa kanya.

"Pack your things, Savannah Estrella." Mr. Velarde utter pero masyadong makapangyarihan ang boses niya kahit na mahina lang.

Minsan akong tumango.

Sa pagtango kong ‘yon unti-unti ko na ring tinatanggap. I slowly accepting my defeat, talo na ako sa pangarap na pinaglalaban ko at ang mas masakit talo na rin ako sa pag-ibig na hindi ko man lang nasimulang ipaglaban.

"Maraming salamat po sa lahat. Naging mabuti po kayo sa gaya ko, salamat po." Huling sinabi ko bago ko sila talikuran.

Hawak ko parin ang kuwintas na bigay ni Sir Jakarius sa akin nitong nakaraang pasko habang nag i-impake ng mga gamit ko.

The Reprobate Rose (Rose Series #1)Where stories live. Discover now