Reprobate 17

95 6 0
                                    


"Umalis po kasi siya kanina pero hindi ko alam kung saan siya nagpunta." Sagot ko kay sir Joaquin.

Saan naman kasi nag punta si sir Jaks?

"Wala bang sinabi kung saan siya pupunta?" Tanong niya at nag dial na sa cellphone.

Hindi kami nag-uusap.

"Wala po." Sagot ko na lang.

"Hindi pa sumasagot." Bulong niya matapos ang ilang segundo.

"Baka ma-late ako." Singit ni ate Carina na medyo tense na rin pero ilang minuto pa at dumating naman na ang inaantay namin.

"Saan ka galing? What happened?" Agad akong napalingon sa kanya, nakipag-away siya?

Putok kasi ang labi niya ngayon.

"Wala ‘to." Natatawa niyang sabi sabay punas sa kanyang bibig gamit ang kanyang hinlalaki.

Ang pula rin ng mukha hanggang sa kanyang leeg at kahit na tumatawa, kitang kita ko ang galit sa mga mata niya.

"Gamutin mo, darating sila Mommy in two days. Ano ba ‘yan, Jaks!" Ani sir Joaquin.

"H'wag na kayong sumama ni Savannah. Pakigamot nalang siya, Sav." Lingon sa akin ni sir Joaquin agad nalang akong napatango.

"Let's go, male-late ka na." Baling nya kay Ate na nag mamadali na rin. Mabilis lang kaming niyakap ni ate Carina bago na siya sumakay sa sasakyan nila.

Pinanood ko pa ang pag-alis nila, maiiwan kami ni sir Jaks nang kaming dalawa lang. Shit.

Tinalikuran niya ako pero mabilis akong sumunod.

"Kung napipilitan ka lang na gamutin ako dahil sinabi ni Kuya, kaya ko na." Ani niya habang nakasakay kami ng elevator pataas.

Nanatili akong tahimik hanggang sa makalabas kami.

"Saan tayo, sa kwarto niyo?" Tanong ko nang matapat kami sa kwarto nilang dalawa na katabi lang ng kwato namin ni ate Carina.

"Kung napipilitan-"

"Hindi po ako napipilitan. Gusto ko, Sir." Sagot ko na sa kanya agad. Sandali siyang napatitig sa akin bago niya buksan ang kwarto namin ni ate Carina.

Malalim na hininga ang hinugot ko bago na sumunod sa kanya, kinuha ko ang first aid kit sa banyo at umupo kaharap siya sa kamang bakante na ngayon dahil wala na si ate Carina.

"Lapit ako..." Mahina kong sabi, nag papaalam dahil kailangan ko talaga siyang lapitan para malinis ang sugat niya.

Hinawakan niya ang kamay ko na may hawak na bulak na idadampi sana sa gilid ng labi niya, babawiin ko sana pero nakita kong sa bracelet ang titig niya. Ito ‘yung bigay no‘ng Paul.

Pinigtas niya ‘yon kaya bahagyang pumitik sa balat ko, napapikit pa ako at tuluyan nang nahila ang kamay kong hawak niya, kumalat ang perlas sa sahig.

"May girlfriend na siya, h'wag ka nang tatanggap ng gifts from that fucking Paul." Kalmado pero madiin niyang sabi sa akin.

Teka? Ano? At paano niya nalaman?

Baka nilandi niya ‘yung girlfriend tapos nakipag suntukan siya at nalaman niyang Paul ang pangalan ng boyfriend nang nilalandi niya?

Baka.

Malandi kasi.

Hindi ako nagsalita matapos ‘yon at inayos ko na lang ang bulak na idadampi ko na uli sa kanyang putok na labi.

"Ano, galit ka kasi pinigtas ko?" Tanong niya, sandali ko siyang tinignan bago umiling.

Wala akong maramdaman ngayon kung hindi ang bilis ng tibok ng puso sa loob ko kaya wala akong pakealam kung napigtas ‘yung bracelet, tutal may girlfriend pala ang nagbigay gaya nang sinasabi niya.

"Bakit? Kasi hindi si Kuya ang nagbigay?" Pasada niya agad kaya umiling ako uli, hindi naman kasi talaga totoo ang paratang na naman niya.

"Hindi mo gusto si Kuya?" He asked nang bumaba ako dahil tapos na ako sa labi niya.

"Hindi, wala ka na bang ibang sugat?" Tanong ko at tinagilid pa ang ulo niya para makita kung meron pa.

Muli niyang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa baba niya para ibaba, napatingin rin ako roon dahil may pantal pala dahil sa pagkakapitik kanina ng bracelet na napigtas.

"Namula na naman tapos nagkaroon pa ng pantal." Komento niya na sa kamay ko parin ang tingin.

"Hindi naman masakit, ganyan na talaga ako eh. Parating namumula." Sagot ko naman.

Kukunin ko na sana ang kamay ko pero hindi niya ako binitawan.

"Hindi mo gusto ang Kuya ko?" Sa mga mata ko na ngayon ang titig niya, ganoon rin ang ginawa ko.

"Hindi ko siya gusto in a romantic way, Sir." Sagot ko.

"Sigurado ka, Ma'am?" Paniniguro niya.

Bakit parang bigla kong na-miss ang tawag niyang ‘yon sa akin? Hindi ko kasi narinig simula nga noong nagbago siya.

"Sigurado, Sir." Tumango pa ako at hinila uli ang kamay ko, this time nabitawan naman niya.

"Kung ganoon, from now on, Kuya ang itawag mo sa kanya. Ako lang ang tatawagin mong Sir." Napakunot noo ako matapos niyang sabihin ‘yon.

"Eh sir ko rin siya kaya-"

"Ako lang ang Sir mo at ikaw lang ang Ma'am ko." Sambit niya na agad nag patriple sa bilis ng kabog ng puso ko.

Sa mga sumunod na araw ay naging maayos na ang tungo sa akin ni sir Jaks. Pakiramdam ko nga parang nasapian lang siya lately kaya naging ganon.

"Sav, bukas sa may bayan bibili ng pasalubong, sama ka kila Joaquin para makabili ka rin ha?" Bilin ni Mrs. Velarde, napatango ako.

"Sige po." Nakangiti kong tugon.

"Enjoy your last 2 days here. Kami ng Mommy niyo masyadong busy kaya sana kahit ganoon nag enjoy kayo." Si Mr. Velarde naman ngayon.

"Nag enjoy po kami, Dad." Si sir Joaquin ang sumagot habang nakangiti.

"Syempre dahil kay ate Carina." Malokong bara ni sir Jaks kaya nagtawanan sila.

"Eh bakit kasi ikaw wala pang girlfriend?" Tanong ni Mrs. Velarde na agad na tinawanan ni sir Joaquin na parang nakaganti.

"Anong walang girlfriend? Baka hindi niya alam kung sino ang isasama niya sa dami?" Walang humor pero natawa si Mrs. Velarde sa sinabi ng kanyang asawa.

Alam naman pala nilang playboy ang anak nila.

Playboy. Ayan din ang pilit kong sinasaksak sa isip ko simula nang makapag-usap kami nang ganoon.

Playboy siya kaya sanay sa mga babae, kayang kaya niyang paikutin ang lahat sa kanyang palad kaya naman wala lang ‘yon! Hindi ko dapat bigyan ng kahit na anong meaning ang ginawa niya at sinabi niya noon.

Nag-angat ako ng tingin matapos kong matulala sa plato kong wala ng laman ngayon.

Ngunit dapat pala ay hindi ko na ginawa at nanatili nalang ang titig ko sa plato dahil nakita ko lang na nakatitig pala siya sa akin.

Fuck this Velarde!









Hope you're doing fine. Thank you for reading my story. Keep safe and God bless you. -Croseng

The Reprobate Rose (Rose Series #1)Where stories live. Discover now