Reprobate 31

81 5 0
                                    


Gusto ko man na lumipat na sa sasakyan ni sir Jaks ngayong si Kiko na lang at ako ang mag bi-biyahe hanggang sa mansyon ay hindi ko lang talaga magawa.

Ayokong may isipin si Kiko dahil na rin siguro sa mga bilin niya noong nakaraan.

"Ingat ka! Dalaw ka madalas sa atin." Hindi na siya bumaba dahil nag mamadali na rin si Tito Franco na iniwan namin sa katransaksyon niya.

"Oo naman, basta may chance. Ingat ka, salamat." Ani ko at sinikop ko na rin ang mga dala ko.

"Sav, isipin mabuti ang lahat ng decisions. Pero kahit ano pa ‘yan, nandito ako para sa'yo." Ngumiti ako matapos kong marinig mula sa kanya ‘yon.

"Salamat, Kiko. Ako na bahala." Tugon ko bago kami maghiwalay na dalawa.

Tama naman ako, hindi ba? Ako naman talaga rin ang bahala.

Kabog ang kaba sa dibdib ko habang papasok ngayon sa bahay lalo na nang datnan ko pa si Sir Jaks sa sala, ganon pa man lumapit parin ako.

"Sir." Tawag ko.

"Nauna pa ako sa inyo, bilis ko ‘no?" Masigla niyang bungad pero nayuko ako.

"Sorry, akala ko kasi ano... Hindi ka tuloy." Ani ko.

"Ayos lang, Ma'am. Grabe pala ‘yung ilang oras na diretsyo na drive. Parang naglaro ako sa daan." Aniya habang paakyat na.

"Sir Jaks. Sorry." Pigil ko sa kanya.

"Basic! Ayos lang talaga." Natatawa niyang sabi kaya nag-angat na muna ako ng mukha sa kanya.

"Hindi ka rin kasi nag reply kaya sumama na ako kila Kiko. Akala ko kasi-"

"Ayos lang, Ma'am. Ayos lang talaga." Putol na niya habang tipid ang ngiti.

Napagod nga siguro talaga siya sa pag da-drive, nag balikan siya paniguradong nakakapagod nga ‘yon.

"Pahinga lang ako." Paalam niya, mabilis na akong tumango pero hindi parin naman siya umalis sa harap ko.

"Sa susunod, Ma'am. Kapag sinabi ko, gagawin ko, remember that." Tipid parin ang ngiti niya bago tuluyang nawala sa paningin ko dahil sa pag pasok niya sa kuwarto.

Bagsak ang balikat na lang akong tumuloy na muna sa kwarto namin para mag pahinga, hindi ako pagod sa biyahe pero sa nangyari? It's draining.

"Hoy! Savannah, wala sa bag mo ‘yung module na ipapasa sa Philo!" Ani Jeb. Agad akong naalarma.

Balik school na kami ngayon from sem break kaya maraming ipapasa na take home activities sa araw na ‘to, isa na ang module na sinasabi ni Jeb.

"Naiwan ko pa, shit!" Ani ko, kinakabahan na.

"Halika, kunin natin sa bahay niyo. May dala akong sasakyan." Offer ni Raphael. Gulo-gulo na kasi ang mga gamit ko ngayon sa mesa kung saan kami kumakain ng recess.

"Ayon pala, Sav. Dali na, kalahating oras nalang oh." Ani Jeb kaya tumayo na ako.

"Ayos lang ba?" Tanong ko pa kay Raph.

"Oo naman, halika na." Aniya at madali na nga kaming nagpunta sa parking lot.

Patuloy kong inisip kung saan ko naiwan ‘yon pero alam kong nasa bahay lang.

Natigil ako sa pag-iisip nang makita sa labas ng campus si Sir Jakarius.

"Raphael, wait." Pigil ko.

"Ha?" Lito niyang sabi pero tinabi naman niya ang sasakyan kaya nakababa na rin ako.

"Sir Jaks!" Tawag ko kaya natigil siya sa pagpasok, agad na nananatili ang tingin niya sa likod ko kung nasaan ang sasakyan na binabaan ko.

"Ma'am, nakita ko sa garden. Mukhang ngayon mo ipapasa, nabasa ko sa date kaya idadaan ko sana." Napansin kong pilit ang sigla sa boses niya.

"Salamat. Babalikan ko nga sana sa bahay kasama si R-Raph pero nasa sa'yo na pala. Salamat talaga." Ani ko.

"Wala ‘yon, mauna na ako." Napanguso ako bago ko hinawakan ang braso niya.

"May kailangan ka pa?" Tanong niya na natigil sa pagtalikod pero umiling ako.

"Sir, kasi ano... Sumakay lang naman ako sa sasakyan niya kasi... Para makuha nga ‘to, kailangan ko kasi talaga." Mahina kong sabi, binitawan ko na siya sa kahihiyan dahil tumakas na ang lakas ng loob ko ngayon.

Tahimik siya pero agad na nag buntong hininga.

"Ayos lang, Ma'am. Kaibigan mo naman yata siya, hindi ka naman sasama kung alanganin, kilala kita." Nakangiti niyang sagot.

Muli akong napanguso,

"Sir, ano kasi... Kasi-"

"Ayos lang, Savannah. Ayos lang talaga." Putol niya.

"Kailangan ko nang pumasok, hindi yata makukuha sa kindat ‘yung prof ko by now, matanda na eh." Natatawa niya pang sabi pero hindi ko siya masabayan.

"Salamat, Sir." Tanging nasabi ko bago na nga ako bumalik kay Raph at sabay na kaming pumasok uli.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ko ‘yon ginagawa? Hindi yata tama ‘to. Mali na.

"Uminom nga lang siguro ng gamot ‘yang si sir Jaks kanina matapos abutin ‘yung mga papel papel mo na naiwan. Nasa may mga roses kasi nag liparan ang pages, nag madali na at nakalimutan na allergic sa bulaklak." Kuwento ni Osang pag-uwi ko.

Ngumiti nalang ako at iniwan na muna siya sa kusina para magpunta sa kwarto. Kinuha ko ang ilan sa mga assignments na kailangan kong gawin pero hindi naman din ako makapag focus ngayon.

Sa huli, lumabas din ako uli at dinatnan si sir Jaks sa may kusina dahil umiinom siya ng tubig ngayon.

Ngumiti siya sa akin, alinlangang ngiti pa nga yata ang naiganti ko. Hindi ako sigurado.

"Ayos ka lang?" Naitanong niya, balisa akong napatango kaya muntik ko pang masabunutan ang sarili ko.

Umayos ka, Savannah!

"May assignment or gagawin ka ba?" Tanong niya.

"Uh, papabukas ka ng pinto mamaya?" Naitanong ko rin agad.

Kapag kasi ganito, paniguradong ganon na nga ang kasunod.

Natawa naman siya bago pa nailing sa tinuran ko.

"Nope. Bagong buhay na, Ma'am." Nakangiti niya pang sagot matapos.

Sabagay, nag baka sakali lang naman ako kasi matagal tagal ko na rin na hindi ginagawa ang routine na pagbuksan siya ng pinto.

"Congrats. Mukhang maganda ang grades mo by this sem." Halos mabali ang leeg ko sa biglaang paglingon.

Andito si kuya Joaquin ngayon, kanino niya sinabi ‘yon?

"Salamat, Dad." Sagot ni sir Jaks sa kanyang ama.

Tama ba? Kay sir Jakarius ‘yon sinabi ni Mr. Velarde

"Mukhang simula nang mawala ang kaibigan mo nagsikap ka. Because you need to survive alone, huh? Walang makapitan."

"Hon, stop. Si Jakarius ang may gawa ng grades niya. Maybe, ngayon lang talaga siya naging seryoso." Pigil ni Mrs. Velarde sa asawa.

"Well, sana hindi lang ngayon." Ani Mr. Velarde.

Natutuwa ako para sa kanya. Totoo nga na nag improve siya.

"Congrats, ‘nak." Baling ni Mrs. Velarde sa kanya.

"Thanks, Mom." Tipid niyang sagot habang malapad ang ngiti, marahil hindi na lang pinansin ang sinabi ni Mr. Velarde.

Ngumiti ako nang magawi sa akin ang tingin niya.

"Congrats!" I mouthed pero agad na nag iwas nang mapansin kami ni Kuya Joaquin.

Kahit walang mali, pakiramdam ko nahuli kami.












Thank you for choosing my story. Ingat ka always kasi super important ka. God bless and love you! -Croseng

The Reprobate Rose (Rose Series #1)Where stories live. Discover now