Reprobate 16

101 6 0
                                    


"Kaya ko naman po, Sir." Inalis ko na ang kapit ko sa kanya pagdating namin sa harap ng kwarto.

"Bakit? Kasi gusto mong si Kuya ang maghatid sa'yo rito?" Agad niyang tanong kaya napabitaw ako sa doorknob na hawak ko.

"Anong pinagsasabi mo?" Hinarap ko siya kahit na umiika parin ang isa kong paa.

"Totoo naman, ‘di ba? Akala mo ba hindi ko napapansin?" Paratang niya na hindi ko naman maintindihan.

"Ang alin?" Tanong ko. Tumawa siya nang pagak bago niya ako pinaningkitan ng mga mata.

"Ang alin? Talaga, Sav? Ang bait-bait sa'yo ni Ate Carina tapos ganito ang gagawin mo, simula nang dumating tayo rito napapansin ko na madalas mo silang titigang dalawa kapag magkasama sila o kaya naman ay pasimple kang sadyang sumasama talaga sa kanila."

Wait... Ang sinasabi ba niya gusto ko si Sir Joaquin?

What the fuck?

Huminga ako nang malalim bago ko siya nilingon uli, kitang kita ang talagang pamamaratang niya sa akin. Basang basa pa ako at tanging tuwalya lang ang nakabalot sa akin, ganoon rin sa kanya.

Pumasok ako sa loob pero agad siyang sumunod kaya wala akong nagawa kung hindi hayaan siyang makapasok.

Kumuha ako ng pamalit na damit bago sana siya iwan pero muli siyang nagsalita.

"Tama ako, hindi ba? Akala ko pa naman Kuya lang talaga ang tingin mo sa kanya tapos-"

"Ang dumi naman pala ng utak mo... Sir." Kalmado kong sabi kahit na tensyunado na rin ako sa loob ko.

Ramdam ko parin ang kabog sa puso ko dahil sa nangyari kanina sa akin, muntik akong malunod for fuck sake! Tapos heto si Sir Jaks na parang tanga sa harap ko.

"Madumi? Really?" Tanong niya nang may panunuya.

"I actually don't understand you, Sir. Lately kasi ganyan ka parati sa akin, may nagawa po ba ako sa inyo?" Napahinga ako uli nang malalim bago ko bahagyang inalis ang takas kong buhok it's actually a move para palisin ang luha sa aking mata.

"Regarding naman po sa paratang niyo sa akin, hindi. Hindi ko po gusto ang Kuya niyo. Malaki ang utang na loob at may respeto ako sa kanya, sa inyong lahat pero nagsasabi ako ng totoo ngayon, Sir Jakarius. Hindi ko po siya gusto romantically." Mabuti na lang at hindi ako pumiyok at natapos kong sabihin sa kanya ‘yan.

"Nasagot ko na po ba ang tanong niyo? Pwede po ang sa akin naman. May nagawa po ba ako sa inyo?" I asked him again kasi gulong gulo na rin ako sa kanya.

Umiling siya at marahan akong iniwan rito sa loob. Agad kong sinapo ang aking mukha matapos ‘yon para umiyak.

Wala akong masabihan dahil hindi ko rin gustong sabihin ang tungkol dito kay Ate Samantha. Mag-aalala lang siya sa akin at ayokong mangyari 'yon.

Dumating ang mga medic galing sa clinic matapos kong magbihis pero mabilis lang din kasi totoong ayos lang talaga ako.

"Pasensya na ha? Sinama pa kasi kita sana hinayaan nalang kitang magbasa ng libro rito." Sisi ni Ate Carina sa kanyang sarili, naman umiling ako.

"Ayos lang ‘yon, Ate. H'wag mo nang isipin tapos na, atsaka gusto ko rin talagang mag swimming kanina ang kaso unexpected lang talaga ‘yung nangyari." Sagot ko.

For dinner, naisipan naming kumain sa seaside dahil may mga available chairs doon na pwedeng gamitin.

"Nasaan si Jaks?" Tanong ni Ate Carina kaya natahimik ako. Kaming tatlo nga lang ang nandito.

"Natulog na, pagod raw at ayaw na niyang lumabas." Sagot ni Sir Joaquin kaya napakunot noo si Ate Carina, nagtataka. Samantalang ako nanatiling tahimik, hindi yata nila alam ang nangyari.

Bigla tuloy akong nailang na kasama silang dalawa ngayon dahil sa mga pinagsasabi ni Sir Jaks sa akin. Eh, sa totoo naman kasi na hindi ko talaga gusto si Sir Joaquin in a romantic way kaya hindi ko talaga maintindihan si Sir Jaks kanina kung anong basehan at nasabi niya ‘yon.

Nakaka-istorbo na ba ako kila Ate Carina na hindi ko man lang napapansin? Ano bang naisip ni Sir Jaks para iparatang sa akin ang ganoon?

"Aakyat ka na?" Tanong nila matapos naming kumain.

"Uh, oo sana eh. Kung ayos lang sa inyo?" Paalam ko na.

"Pagod ka rin ba? Sige ayos lang kami rito." Sagot ni Sir Joaquin.

"May masakit sa'yo?" Ate Carina asked me kaya umiling ako.

"Ayos lang, Ate. Mag papahinga lang talaga ako." Pigil ko na sa iniisip niyang may masakit sa akin.

"Okay, goodnight. Ihahatid niyo ko bukas ha?" Bilin niya pa na tinanguan ko bago ngumiti sa kanya.

Sa paghiga ko sa kama ang encounter parin namin ni Sir Jakarius ang naiisip ko.

Ayos naman kasi kaming dalawa kaya nakapagtataka talaga kung bakit siya naging ganyan nang biglaan.

Kinaumagahan maaga akong nagising dahil tinulungan ko si Ate Carina na mag impake ng mga gamit niyang nakalabas pa mula sa maleta.

"Ingat ka na rito ha? I will add you sa mga accounts mo para may communication tayo. Mamimiss kita!" Yumakap pa siya sa akin kaya natawa ako nang bahagya bago ko siya yakapin rin.

"Ako rin po." Sagot ko.

Tama naman kasi si sir Jakarius mabait nga nang sobra itong si Ate Carina sa akin kaya naman ang walang hiya ko naman kung totoo ang paratang sa akin ni Sir Jaks kahapon, 'tsaka ang layo nang agwat namin ni sir Joaquin 'no, in all aspects.

Sabay-sabay kaming kumain ng almusal. Wala namang nagbago kay sir Jakarius dahil napaka hyper parin niya pero halata na iwas siya sa akin o kahit mapansin at mabanggit ang pangalan ko ay iniwasan niya.

"Kunin na namin ‘yung mga gamit ni Carina sa kwarto, antayin niyo na lang kami rito para diretsyo na tayo sa paghatid sa kanya sa airport." Tumango ako sa sinabi ni sir Joaquin.

"Naku! Talaga ba, kukunin lang?" May kahulugan na tanong ni sir Jaks.

"Ang bastos talaga ng utak mo!" Natatawang sabi ni ate Carina sa kanya.

"Luh! Hindi ah. Pero ayos lang, pamangkin is coming." Tumawa siya nang malakas matapos ‘yon kaya nakatanggap siya nang matalim na titig mula sa Kuya niya.

"Halika na." Aya na ni ate Carina bago pa mag-away uli ang dalawang magkapatid.

Naiwan kami si sir Jaks, natahimik siya kaya ganoon rin ako. I get my cellphone para mag chat kay Jebediah nang kung anu-ano para lang may atupagin ako.

Savannah Estrella
Bakit ang tagalog ng why ay bakit?

Hindi siya online kaya napanguso ako, sayang naman!

Pero kalunan nakahinga ako nang maluwag dahil umalis na si sir Jaks kaya naiwan na muna ako rito sa seaside habang nag-aantay kila ate Carina hindi ko na rin talaga matagalan na kasama siya.









Hope you're doing fine. Laban lang ha?
Comment your thoughts about it, my Sengels! Thank you and God bless. -Croseng

The Reprobate Rose (Rose Series #1)Where stories live. Discover now