Reprobate 38

82 5 0
                                    


"Pagod na akong mag-aral!" Usal ni Jebediah sa tabi ko.

"Apaka OA." Ani naman ni Ronah na nasa harap ko.

"Nakakapagod kasi talaga tapos attitude pa mga classmates namin." Halos takpan ko ang kanyang bibig dahil baka may classmate lang kami sa tabi na makarinig sa kanya.

"Itong si Savannah, masyadong mabait. Nakakainis na rin minsan." Aniya pa kaya nailing nalang ako.

"Itulad mo sa gaya mong demonyo." Sulpot naman ni Raph kaya nakatanggap siya nang solid na batok mula kay Jeb.

Totoo naman kasi ang mga sinasabi ni Jebediah. Mas lumala sila Leila sa akin at minsan pati siya ay dinadamay na nila gaya nalang noong minsan.

"Bakit ba kasi hindi mo ginawa ‘yung part mo?" Masungit na tanong sa akin ni Leila.

"Leila, ginawa ko naman. Hindi mo naman kasi sinabi sa akin na ako ang gagawa ng kay Karlos dahil na confine siya." Sagot ko.

"Kailangan ba talagang sabihin? Wala kang kusa? Ano ipapabahala mo sa akin lahat?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Kapag kasi ginawa ko sasabihin mo naman na masyado akong pabida." Ani ko na sa kanya.

"Pabida ka naman kasi talaga!" Inis niyang sagot.

"Leila, ano bang problema mo kay Savannah?" Agad kong hinawakan ang kamay ni Jeb para pigilan siya.

"H‘wag kang makialam dito! May ambag ka ba sa grupo mo?" Asik sa kanya ni Leila.

"Meron! Kasi sa amin nag tutulungan kaming lahat, masyadong mabait ‘yung leader namin. May leadership." Matapang na sagot ni Jeb.

"So, ang ibig mong sabihin wala akong leadership?" Tanong ni Leila na ngayon ay inaawat na rin ng mga kaibigan niya sa pagsugod.

"Tama na." Ani ko at pumagitna.

"Bait baitan!" Sigaw ni Leila sa akin sabay labas ng classroom.

Narinig ko ang bulungan ng mga classmates namin pero hindi ko nalang muna ‘yon pinansin.

"Jeb, sa susunod... Kumalma ka, hindi naman natin siya kailangang patulan." Kalmado kong sabi, nasa mall na kami ngayon dahil kailangan daw niya ng bagong supply ng make up pallettes.

She rolled her eyes on me,

"Nakakainis ka talaga, Sav!" Sagot niya, huminga ako nang malalim.

"Hindi nga talaga natin ‘yon kailangang gawin, hayaan nalang natin siya. Scholar lang ako sa school, hindi makakabuti sa akin kung magkakaroon ng record." Paliwanag ko sa kanya.

She took a deep breath.

"Sorry. Nakakainis lang kasi talaga, hindi ko mapigilan." Kalmado na niyang saad kaya tumango ako, naiintindihan ko naman din.

Hinatid  ako ni Jeb sa mansion na simula nang pumasok kami uli after Christmas break ay madalas na niyang gawin dahil hindi na rin naman ako sinusundo ni sir Jakarius.

Madalas parin kaming magkita sa bahay pero iwas naman sa isa't isa. Kapag may kailangan lang siya ro'n lang siya magtatanong or makikipag-usap sa akin.

Hindi naman siya nagsasabi na pagbuksan ko siya ng pinto pero mukhang hindi naman kasi rin siya lumalabas nang gabi ngayon.

"Mukhang hindi ka na sinusundo ni sir Jakarius mo ah!"  Pagpansin ni Jebediah bago pa ako bumaba.

"Hindi naman niya rin responsibility." Nakangiti kong sabi.

Totoo naman. Hindi naman niya ‘yon obligasyon, isa pa sanay naman akong walang sundo. Masasanay din ako uli.

"Savannah! Ikaw na gumawa ng power point presentation. Masyado na akong maraming ginawa." Bungad sa akin ni Leila.

The Reprobate Rose (Rose Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon