Chapter 48: Kiss and Promise

476 23 1
                                    




Chapter 48: Kiss and Promise





SANDY






EVERYONE was busy. Lahat ng mga opisyal ng syudad maging ang mga mamamayan ay abala sa kanilang mga ginagawa. Ilang oras nalang at magaganap na ang isang okasyon na mangyayari tuwing kalagitnaan ng taon, ang Hunting Season. Sa pagkakatanda ko, isa itong tatlong-araw na pagdiriwang na ginagawa ng mga taga-syudad. Isa itong tila opurtunidad na binibigay ng Head sa mga bampira na pumatay ng normal na tao, mga taong makasalanan na hindi na kayang kontrolin ng pamunuan ng Fallas.







They were given a chance to kill and suck human blood not because the government were asked them to do but to satisfied their thirst. This is also the only way for them to live longer. Hindi sapat ang dugo ng mga hayop para sa kanila. Kapag hindi sila nakakainum ng dugo ng normal na tao ay manghihina sila, unti-unting mawawala ang mga abilidad nila at maglalaho nalang sila na parang bula.







Sa pagsapit ng hating-gabi, lalabas ng syudad ang mga bampira para mang-hunting ng mga normal na tao. At ang tanging maiiwan sa syudad ay mga normal na tao na gaya namin. Babalik lang sila pagkatapos ng tatlong araw. Napapikit nalang ako ng maramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kagabi pa ito na sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay may iba't-ibang imahe ang lumilitaw, mga imaheng hindi ko masyadong maintindihan ang ibig sabihin. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang aking cellphone. Tatawagan ko si Ken. Ang sabi kasi niya kagabi ay dadaan siya dito ngayon upang bisitahin ako. Kasalukuyan akong nasa mansyon nina Drew. Nang dahil sa nangyari sa akin nitong nakaraang linggo, bantay-sarado na ako. Hindi na nila ako pinapalabas na walang opisyal na kasama.








Unti-unti na akong nabuburyo sa lugar na 'to. Para na akong mababaliw. Gustuhin ko mang tumakas sa lagay na 'to, pinipigilan ko lang ang sarili ko. Masyadong nang malaki ang kasalanan na nagawa ko sa pamilya ko at kay Drew dahil sa katigasan ng ulo ko. Muntikan na akong mapahamak dahil sa mga maling desisyon na ginagawa ko. Pinili kong sundin ang gusto ni Drew, na mananatili akong buhay at hindi ko ipipilit ang kagustuhan kong ibalik sa kanya ang bead. Dahil sa huli, ayaw rin naman niyang tanggapin. Masyado nang marami ang napapahamak nang dahil sa akin. Ayokong hintayin na pamilya ko naman ang malalagay sa alanganin.







Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nakasulubong ko ang isang katiwala nang mansyon.







"Si Drew? Nasaan?" tanong ko.






"Nasa study room po, Ma'am, kasama ang mga kaibigan niyo." Magalang na sagot nito.






Tumango ako at nagpasalamat sa katiwala. Umakyat ako ulit at tinungo ang study room. Alam kong sa mga oras na ito ay nagpupulong sila para mamayang gabi. Nang nasa harap na ako ng pinto ay nagdadalawang-isip ako kung kakatok ba ako o hindi. Ayokong makialam sa mga plano nila dahil labas na ako sa mga mangyayari mamayang gabi. Ilang beses akong huminga ng malalim at akmang kakatok na ako ng pinto ng may pumigil sa kamay ko.







"Don't." Pigil sa akin ng aking kapatid na si Ken. "They're busy for tonight's hunting, Twinnie. Just let them be." Hinila niya ang kamay ko at lumayo kami sa study room.







"I'm sorry." Mahinang wika ko at sumandal sa pader. Huminga ako ng malalim.






"Is there something wrong? May gusto ka bang sabihin kay Drew?" tanong niya sa akin.






The City Of Dalton: The Vampire's Lair Where stories live. Discover now