Chapter 2: Drew Alexander Dalton

1.2K 55 1
                                    


Chapter 2: Drew Alexander Dalton

Sandy's POV

NANATILI akong nakatayo sa harap nang malaking gate ng university.

Gate 1: Highschool Department

Ilang beses akong humugot ng malalim na hininga upang maibsan ang kakaibang pakiramdam na bumalot sa aking buong sistema pero pilit ko itong binabalewala. Naninibago lang ako sa lugar kaya ganito ang aking pakiramdam.

I silently scanned the place, kung gaano katahimik kahapon ng dumating kami ay mas doble naman ngayon na tila kinakalkula na nila kung ano ang magiging kilos nila sa araw na 'to.

I still felt strange about the place. Siguro nasanay lang ako sa ingay sa Eastwood kaya ganito ako ka-weird ngayon.

Napansin ko ang ilang mga estudyante na napapahinto at napapatingin sa akin. At pagkaraan ay bubulong. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun nalang ang inaasta nila. Ngayon lang ba sila nakakita ng transferee?

Hindi ko nalang sila pinansin at nilingon si Ken.

"Let's go." Yaya niya.

Magkasabay na pumasok kami ni Ken sa malaking gate at naglakad papuntang main building. Ramdam ko pa rin ang mga nakakailang na tingin nila na binabato sa amin. Dire-diretso lang kami sa paglalakad at hindi sila pinapansin.

"They are humans."

"Sshh. Lower your voice, baka may makarinig sa 'yo."

Huminto ako sa paglalakad at bahagyang nilingon ang dalawang estudyante na narinig kong nag-uusap.

Nagulat sila sa biglaang paglingon ko kaya mabilis pa sa alas kwatrong tumalikod sila at naglakad palayo.

Hindi ko maiwasang magtaka sa ikinikilos nila.

"Sandy? Let's go."

Bumalik ang tingin ko kay Ken na naghihintay sa akin.

"What's wrong? Okay ka lang?" tanong ni Ken.

Tumango ako. "Yeah."

Dumiretso kami sa elevator. Nasa fourth floor ang opisina ng Dean.

Nang marating namin ang fourth floor ay agad naming nakita ang malaking wooden door na may nakalagay na signage sa itaas. Dean's Office.

Kumatok si Ken sa pinto at narinig namin ang boses na nanggaling sa loob na pinapasok kami.

Halos mamangha ako sa ganda ng Dean's Office. Parang living room lang ng bahay. May dalawang couches na magkaharap at sa gitna ay isang coffee table. Sa dulo naman ay isang malawak na wooden table na may mga papeles pa sa ibabaw nito.

"Hi, you're here."

Napatingin kami sa boses na nagsalita. Sumulpot ang isang babae na nasa twenties ang edad. Bahagya pa akong nagulat, I was expecting an old dean pero hindi ko inaasahan na isang magandang tulad niya ay isa sa namamahala sa eskuylahang ito.

Napansin ko ang pinto sa kanyang likuran. Marahil ay doon siya galing.

Umupo siya sa kanyang upuan at tiningnan kami.

"Have a seat." Alok niya.

Umiling ako. "No need. Hindi naman kami magtatagal. Kukunin lang namin ang class schedule namin." Magalang kong tanggi.

Tumango siya. "Sure. By the way, I'm Dean Hanna. Nice to meet the two of you and welcome to the Dalton University." Nakangiting wika niya. Her smile was genuine, I can tell it.

The City Of Dalton: The Vampire's Lair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon