Chapter 47: The Bead's Secrets (A Special Chapter)

553 23 1
                                    





Chapter 47: The Bead's Secret (A Special Chapter)






SANDY






I SEE blood everywhere. Lots of blood.






I looked around. There are bodies everywhere. Nakakalat sa daan ang mga walang buhay na katawan. Naliligo sa kanilang sariling dugo. Biglang nanindig ang balahibo ko sa katawan. Nanginginig ang mga tuhod ko habang nakatingin sa mga patay na katawan.





Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang hikbi na gustong kumawala. What is happening? Bakit nangyayari 'to?





Nagsimula akong maglakad at pikit-matang dinaanan lang ang mga walang buhay na katawan. Nilibot ko ang aking tingin sa buong paligid. Nakita ko ang mga tao na tumatakbo habang umiiyak. Napakagulo ng buong paligid. May ilang bahagi ng lugar ang nasusunog ay kinakain ng apoy.





"Sandy!"





Napalingon ako sa boses na tumawag sa akin. Si Via, tumatakbo papalapit sa akin.






"Oh my God!" she exclaimed. "Where have you been? Everyone is looking for you." Hininhingal niyang saad.







Napako ang mga mata ko sa hitsura ni Via. Mula mukha hanggang sa kanyang damit. There's blood everywhere on her body.








"What happened to you?" sa halip na tanong ko.







She grabbed my hand. "Long story. I'll tell you later. We need to go back." Hinila niya ako at ngayon ay tumatakbo na kami. Napapatakip ako sa aking tenga kapag may nadadaanan kaming sumasabog.








"Where's Drew?" I asked. Worried itched all over my face.







"Hideout." She took a glanced at me. "Waiting for you."







Hindi ko man masyadong maintindihan ang ibig niyang sabihin ay nagpatuloy lang ako sa pagtakbo at sinusundan siya.








"We're almost there, Sandy. Just hang on."







Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Ngunit kapwa kami natigil sa pagtakbo ng biglang humiyaw si Via at bumagsak sa daan. Napanganga ako sa gulat. Agad ko siyang nilapitan at nakita kong hawak-hawak niya ang kanyang balikat na duguan.







"Shit" sigaw ni Via. I tried to lift her up ngunit humihiyaw lang siya dahil sa sobrang sakit.






Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Nagbabasakaling makita ang may gawa nito sa kanya. Sa dulo ng kalsada may nakita akong isang anino ng tao na papalapit sa direksyon namin. He was wearing all black. And he was holding a silver thing on his left hand. Pasipol-sipol pa ito habang naglalakad ng dahan-dahan patungo sa direskyon namin.








Bigla akong kinabahan ng wala sa oras. Sa tingin ko may mangyayaring masama kapag nanatili kami dito ng matagal.








"Come on, Via. We have to go." Buong lakas ko siyang inangat mula sa pagkakasadlak sa lupa. Pigil-pigil ang sigaw niya dahil sa sakit mula sa sugat niya.







The City Of Dalton: The Vampire's Lair Where stories live. Discover now