Chapter 5: The Outsider

930 50 0
                                    

Chapter 5: The Outsider

Sandy's POV

LAHAT ng nandito sa loob ay naging alerto. As if their senses tells to.

Maging ang aking dalawang kasama ay parehong natigilan. Naging seryoso ang mga mukha nila.

What's wrong?

Malakas na bumukas ang malaking pinto dahilan kaya napaigtad ako.

As on cue, isang matangkad na lalaki na naka-itim na coat ang nakita ko. A man in his mid twenties. Matangkad. Lean at maputi. He was wearing his mischievous grin when he walked along the crowd with two men at his back.

Who is he?

Bumaha ang katahimikan sa buong paligid. Nagbigay-daan ang mga bisita sa mga bagong dating.

Luminga-linga ang lalaki na tila may hinahanap. Pagkaraan ay malapad siyang ngumisi.

"Sander Dalton, it's nice to see you again." Bati ng lalaki sa nakakalokong boses.

Nakita kong seryosong lumapit ang Head kasunod si Drew sa lalaki.

"William Clarkson." Bigkas ng Head sa buong pangalan ng lalaki sa pormal na boses.

The guy named William smirked. "I was about to surprise you, Sander, pero mukhang ako ang na-sorpresa sa lagay na 'to." Saka niya ginala ng tingin ang paligid. "Mukhang nagkakasiyahan kayo at hindi mo man lang ipinaalam sa akin."

Naramdaman kong hinawakan ni Via ang aking kamay.

Nanatiling walang ekspresyon sa mukha ng Head. "What do you want?" sa halip na tanong niya.

Nagsalin ng alak si William sa baso at tinungga ito. "I heared you still followed the cities tradition. Why, Sander? Napakadali lang ba para sa 'yo ang kalimutan ang lahat na nangyari? At nagawa mo pang magsaya?"

Wala akong naiintindihan sa sinasabi ng lalaki pero nanatili akong nakikinig.

"Tradition is a tradition, William. Hindi na magbabago yun kahit anong mangyari. Ngayon kung yan lang ang gusto mong sabihin, makakaalis ka na." Tumalikod ang Head pero naudlot ang kanyang paglalakad ng magsalita si William.

"You're right. At mukhang okay lang naman sa'yo na mangyari ulit ang nangyari noon, diba?"

Everyone hissed na tila hindi nila gusto ang sinabi ni William.

Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. Bakit parang tinuring nilang kalaban ang lalaking 'to? Ano ang koneksyon niya sa Head?

"You can't change what is destined to happened, Sander. Kahit anong gawin mo, hindi na magbabago yun." Makahulugang wika nito dahilan ng pagkuyom ng kamao ng Head.

"Are you threatening us?" boses ni Drew.

Tumaas ang sulok ng labi ni William. "Of course not, Drew. Why would I? Gusto ko lang makita at ma-realized niyo ang ginawa niyong pagkakamali sa ikalawang pagkakataon." Naglakad si William palapit at may kinuha sa loob ng kanyang coat. Isang kulay pulang sobre. "The main reason why I'm here is to give this to you, Sander. We don't have much time. Think about it." Tumalikod siya at naglakad palabas ng clubhouse. "I'll see you again, Dalton."

Tuluyang nawala sa aming paningin si William at ang dalawa niyang kasama. Pero kahit wala na si William ay nanatili ang kakaibang atmospera sa paligid.

Tahimik pa rin ang lahat at biglaan ang pagbabago ng mood nila na tila nawalan sila ng gana sa party. Nag-uusap ang mga bisita sa pabulong na paraan.

The City Of Dalton: The Vampire's Lair Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu