Chapter 18: In His Side, Your Safe

686 31 0
                                    



Chapter 18: In His Side, Your Safe

Sandy's POV


HANGGANG sa makabalik na kami sa syudad ay nasa isip ko pa rin ang nangyari sa akin sa Valeria at sa mga sinasabi nina Via. Hindi nagkatugma ang mga sintemyento namin. Muntikan ko pang mabulyawan kanina si Via dahil ipinipilit talaga niya na nawalan ako ng malay sa sala at hindi sa garden. Na which is yun ang totoo. Dahil yun ang huling naalala ko bago ako nahimatay. Pero iginigiit talaga nila na sa sala ako bumagsak na hindi ko kayang paniwalaan. Paano nangyari yun? The last thing I remembered, lumabas ako ng bahay at nagtungo sa garden. There, I met Herminia- the lady in purple dress.


I told them about Herminia. Na nakita ko si Herminia sa garden. Na siya ang kausap ko bago ako mawalan ng malay. But Den insisted that there's no lady named Herminia at their house. Siya, ang kanyang ama at iilang kawaksi lang ang nakatira sa bahay nila. Which makes me confuse. I swear I saw Herminia at the garden. Pero hindi sila naniniwala sa akin. They just told me that I'm tired and stress. Kaya daw kailangan kong magpahinga.



Nagkamali ba ako? Was it all just a dream? Herminia. The lady. Mom. Okville Town. Was it all a dream? Bakit pakiramdam ko hindi? Bakit malakas ang kutob ko na hindi iyon basta-bastang panaginip lang? That there's something on it. It feels so real. Na tila parte na iyon ng pagkatao ko. I closed my eyes when I felt the sudden pain on my head. Damn. Sumasakit ang ulo ko sa mga tanong na yun na hindi ko alam kung ano ang sagot. My head is spinning like a roller coaster. Habang tumatagal ako sa lugar na 'to, lalong gumugulo ang isip ko. I thought, the moment na malaman ko ang tungkol sa sikreto ng syudad ay mapapanatag na ang loob ko pati isip ko. But I was wrong. Mas lalo tuloy gumulo ang lahat. And I don't like it.


I heaved a deep sigh. Hindi sinasadyang nahawakan ko ang aking braso na may benda na. According to their stories, this is the reason why I passed out at the living room. Sobra nang namamaga ang braso ko at it was aching in pain. Hindi ko lang daw pinansin at tiniis ito. Again, I sigh.



"Are you really okay, Sandy?" tanong ni Via sa akin. We're on our house. Nang umuwi kasi kami kanina ay imbes na dumiretso sila sa mansion ni Drew ay nagpaiwan sila dito para daw may makasama ako. Wala kasi si Ken dahil kasama na naman sina Drew.


"I guess so." Sagot ko. Tinitigan nila ako ng maiigi kaya iniiwas ko ang tingin sa kanila.



"Sana pala hindi ka nalang namin pilit na sumama, yan tuloy ang nangyari sa'yo." Nagsisising saad ni Trina.



Kahit gusto ko silang sisisihin, ano naman ang mapapala ko? Kasalanan ko rin naman dahil nagpakaladkad ako. Ni hindi ako nanlaban.




"Okay lang. Hindi lang naman ikaw ang may kasalanan, eh." Wika ko at bahagyang ngumiti.



"Totoo bang nakita mo si Herminia sa garden ng bahay nina Den?" biglang tanong ni Via.



Tumango ako. "Yeah. I already told you about that but you never believe me."



Nakipagtitigan sa akin si Via. "That's impossible. Iisang tao lang ang kilala namin na nagngngalang Herminia and she owns a shop sa Valeria." Nagtatakang wika niya.


Shop. Valeria. And a realization hit me. Valeria's Shops and Stuffs. Yeah. Nabasa ko yun sa catalog.

"Yung nagtitinda ng mga cloak?" tanong ko.



Tumango sila. "Yeah. You're the one who recommended it, remember? Herminia own that shop. At kung nakita mo man siya sa bahay nina Kapitan, paano nangyari yun? Sa pagkakaalam ko, hindi doon nakatira si Herminia. Napakatago kaya ng bahay nina Kapitan." Litanya ni Via.


The City Of Dalton: The Vampire's Lair Where stories live. Discover now