Chapter 42: Broken

497 19 0
                                    


Chapter 42: Broken



SANDY'S POV



PINAHID ko ang aking basang pisngi at malungkot na ngumiti kay Mom. Nasasaktan ako kapag nakikita ang ina na umiiyak. Ayoko siyang nakikitang umiiyak. She's too precious for me and it's  hurt knowing na ako ang dahilan ng pag-iyak niya ngayon. I know I'm being unfair to her. Alam kong ginawa niya lahat para mabuhay lang ako dahil nakita ko yun mismo nung nanaginip ako. Pero kailangan kong isuko ang buhay na ibinigay niya sa akin. Ang buhay na ipinaglaban niya. Nineteen years was really enough for me. Nabigyan ako ng isa pang pagkakataon na makasama pa ang mga magulang ko na matagal, ang mga kaibigan ko at ang makilala si Drew. For me, that was really enough. And it has to end. And I will end everything here, once and for all.



Sa ngayon, mahirap pa sa kanila ang tanggapin ang lahat. But eventually, I know they will. Dahil ito naman talaga dapat. I just borrowed this life and now I had to return it.



"Hindi ko na ba talaga mababago ang isip mo?" tanong ni Mom habang hilam ng luha.


I smiled weakly. "I'm sorry." I said. Ilang beses na ba akong humingi ng tawad sa kanya? Isang malungkot na ngiti ang iginawad niya. Alam na niya kung ano ang sagot sa tanong niya.


"I will miss you, anak."


"I will miss you too." I held her cold hands. Binalingan ko sina Dad at Kuya. Hindi sila umiimik. I stood up and ran to Dad. I kept saying sorry while hugging him. Sunod kong niyakap si Kuya Seth. I know he's strict at alam ko ring kapakanan lang namin ni Ken ang iniisip niya kaya napaka-istrikto niya sa aming dalawa. And I understand him. He's the best brother I ever had.



Bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa kanila at nagpaalam na papanhik muna ako ng kwarto. Nang makapasok sa kwarto ay katahimikan agad ang sumalubong sa akin. Dumiretso ako sa kama at umupo sa gilid nito. I heaved a deep sigh. Hindi pa rin nawawala ang bigat na nararamdaman ko. Nagsimulang uminit ang gilid ng mga mata ko. The next thing happened, tears keep falling from ny eyes. Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng hikbi ko. Aminado akong nasasaktan ako ngayon. Masakit ang desisyon ko. Pero hindi ako pwedeng umatras. It's now or never, ika nga.


Inilibot ko ng tingin ang buong kwarto. Nasa pader pa rin ang malaking poster namin ni Ken na magkaakbay. Wide grins are visible in our faces. Hindi maikakailang kambal nga talaga kami. Malungkot akong ngumiti. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at binuksan ito. I scan my contacts at nang makita ang pangalan ng taong sadya ay huminga ako ng malalim saka pinindot ang dial. Matapos ang dalawang ring ay sinagot na nito.


"Hello?"



"Let's meet. I'll give you the address." I bit my lower lip. Pinatay ko ang tawag at inilagay sa gilid ang cellphone.



I close my eyes as another tear slip from my right eye.



Nang bumaba ako ng sala ay hindi ko na nakita ang mga magulang at ang dalawang kapatid ko. Napakatahimik ng bahay. Bumuntong hininga ako lumabas ng bahay. I took my keys out in my pocket at pumasok sa sasakyan. As I turned on the engine, isang sasakyan ang biglang humarang sa daan. Nagsalubong ang kilay ko at bumaba ng sasakyan.



Nagulat ako ng makita si Drew na kalalabas lang din ng sasakyan. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Magkahalong galit, pagtataka, takot, sakit, at pangamba ang nakita ko sa mukha niya.




"What do you think you're doing?!" galit na tanong niya nang makalapit sa akin. Saglit akong nagtaka sa naging tanong niya pero nang makita ko si Ken na nakasunod pala sa kanya ay saka ko lang naintindihan ang lahat.



The City Of Dalton: The Vampire's Lair Where stories live. Discover now