Chapter 6: Confused

899 38 0
                                    

Chapter 6: Confused

Sandy's POV

NAGISING akong masakit ang aking ulo. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at ganun nalang ang pagngiwi ko ng kumirot sa may bandang gilid ng ulo ko. Kinapa ko ito at nahawakan ko ang benda na nakapulupot sa ulo ko. Sa ginawa ko ay nag-flashback lahat nang nangyari. Mula sa elevator hanggang sa hallway. At sa pagdating nina Drew at ng iba pa.

At ang mga sumunod na nangyari ay lalong nagpagulo sa isip ko. Marahan kong ipinikit ulit ang aking mga mata. Ayoko munang isipin ang bagay na yun. Naguguluhan pa ako sa mga nangyayari.

Nagpakawala ako ng isang marahas na hininga at tiningnan ang oras sa bedside table. Alas diyes na pala ng gabi. Napahaba ba ang tulog ko? Masyadong malakas ba ang pagkakabagok ng ulo ko sa dingding?

Bigla kong naalala ang lalaking hinabol nina Drew. Ayon sa narinig ko, isa yung outsider na nakapasok sa teritory ng Dalton. Matagal na pala siyang pinaghahanap ng grupo ni Drew. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit parang big deal sa kanila na may lumagpas man lang sa border. Parang malaking problema na nila na may makapasok man sa teritory ng syudad. At tinawag pa nila itong outsider.

Kung tutuusin, outsider din naman kami sa lugar na 'to, ah. Bagong salta. Yun ang tamang salita. Bakit hindi man lang kami hinabol? Bagkus ay inimbita pa kami sa homeowners welcome party nila.

Mas dumarami ang tanong na nabubuo sa isip ko. Mas naguguluhan ako sa nangyayari sa paligid ko. At habang nagdaan ang mga araw ay mas lalong nagiging misteryoso sa akin ang syudad. At habang tumatagal ay mas lalong lumalaki ang hinala ko na may itinatagong sikreto ang Dalton.

Napagpasyahan kong bumangon muna. Tinanggal ko ang benda na nakapulupot sa ulo ko. Tumayo ako at nagtungo sa nakasarang veranda ng aking kwarto. Hinawi ko ang kurtina na nakaharang dito at binuksan ang sliding door nito. Malamig na hanging gabi ang sumalubong sa aking mukha at balat. Itinukod ko ang aking dalawang kamay sa railings ng veranda. Mula sa aking kinatatayuan ay kita ko mula dito ang payapa at tahimik na daan sa labas. Tanging mga ilaw sa mga poste na nasa gilid ng daan ang nakasindi at nagbibigay liwanag dito.

Tahimik ang buong paligid ng subdibisyon. Sa Eastwood kapag ganitong oras ay maingay pa rin sa labas. Doon araw-araw parang may party dahil sa sobrang ingay kaya nga hindi ko maiwasang makaramdan ng lungkot at pagkadismaya nang malamang lilipat kami dito lalo na't napansin kong kabaliktaran ang Dalton sa Eastwood. I am expecting a more noisy place and cheerful people. Pero ang mga bagay na inaasahan ko ay wala pala dito sa Dalton. The place was so peace and quiet. Na kahit ang sariling paghinga ay maririnig mo. Kung gaano katahimik ang lugar ay ganun din ang mga tao. They were like a gentle animals in the center of the desert. Na tila kinakalkula na nila ang gagawin at sasabihin nila. That keeps them more suspicious.

Kailangan kong mahanapan ng sagot ang lahat ng tanong na gumugulo sa isip ko. Kung anuman ang malalaman ko, siguro madali lang para sa akin ang matanggap ito.

*****

KINABUKASAN ay maaga akong bumangon kahit inaantok pa ako. Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kwarto.

Naabutan ko sa kusina si Manang at Kuya Seth.

"Morning." Bati ko at humalik sa pisngi ni Kuya. Kumuha ako ng juice at nag-timpla.

"Magandang umaga din, hija. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Manang.

Tumango ako at ngumiti. "Maayos na po." Umupo na ako at nagsimulang mag-sandok ng kanin.

The City Of Dalton: The Vampire's Lair Where stories live. Discover now