Chapter 10: She Knows

716 31 0
                                    


Chapter 10: She Knows

Ken's POV

PAGOD na ipinark ko ang sasakyan sa harap ng bahay namin. Kagagaling ko lang sa mansion nina Drew para ihatid ang bagay na yun. I was on the Eastwood the whole day. Hindi ako pumasok at hindi alam ni Sandy na nagpunta ako sa dating tirahan namin. I know she'll react. Magngangawa na naman yun. Alam ko kung gaano niya kagusto na makabalik dun pero hindi pa pwede ngayon. Masyado pang magulo doon.

When I get there agad kong pinuntahan sina Mommy at Daddy gaya ng utos ni Kuya Seth. Binigay ko sa kanila ang pinabigay ni Kuya Seth. At first, nagulat sila sa pagdating ko doon. Pero nang ikuwento ko sa kanila ang nangyari kay Sandy ay nagsimula silang mag-alala. At nagulat ako nang sabihin nilang inaasahan na nilang mangyayari 'to. I am expecting na lilipat na sila dito dahil sa nangyari but instead they told me to keep an eye on Sandy. Sa ngayon daw, mananatili muna sila sa Eastwood para ayusin ang gulo doon at kapag naayos na saka sila pupunta dito.

Actually, I was a bit disappointed. Pakiramdam ko hindi importante sa kanila ang kaligtasan ni Sandy. At mas pinagtuunan nila ng pansin ang gulo doon na hindi naman maayos-ayos ng pamahalaan. Mabuti nalang napakiusapan ko si Drew. Sumang-ayon siya sa gusto ko. It was a relief on my part. May magpo-protekta na kay Sandy maliban sa akin.

Tinanggal ko ang susi sa carkey at lumabas ng sasakyan. Pumasok ako sa loob ng bahay at nagulat ako nang maabutan ko si Sandy sa sala na nakaupo habang seryoso ang mukha.

"Sandy..." mahinang tawag ko.

Hindi siya nag-angat ng tingin bagkus ay nagsalita siya sa malamig na boses. "Alam mo na ba?"

Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka. "Anong pinagsasabi mo?" takang tanong ko.

"Answer me, Ken!"

Nahinto ako sa paglalakad nang bigla siyang sumigaw. Nakatutok pa rin ang tingin niya sa harap. Tumaas-baba ang dibdib niya na tila galit na galit siya. Nakakuyom ang kamao niya.

"Sandy, hindi kita maintindihan-"

"Damn it!" bigla siyang tumayo at humarap sa akin. Nakita ko ang panlilisik ng mga mata niya. Napansin ko rin ang pagpula ng mukha niya at dulo ng ilong niya. Is she crying?

"Sandy, what's wrong with you?" nagtataka pa rin ako sa ikinikilos niya. Why is she like this? Bakit biglang nag-iba ang ugali niya?

Nagtiim ang bagang niya. "I knew everything, Ken. Alam ko na ang lahat. Lahat-lahat. You lied to me."

Napatda ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang sinasabi niya. Alam na niya. Alam na niya kung anong klaseng lugar ang Dalton. At kung anong klaseng mga nilalang ang nakatira dito. Alam niyang nagsinungaling kami.

Noon pa mang bago kami ilipat dito ng nga magulang namin ay alam ko na kung anong klaseng lugar ang Dalton. Maging si Kuya Seth at ang mga magulang namin ay alam ang tungkol dito. Si Sandy lang ang walang alam dahil kagustuhan yun ng mga magulang namin. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nila kung bakit kailangan pa nila itong itago ang bagay na'to sa kapatid namin. Hindi na rin ako nagtanong at hinayaan nalang sila. Hindi ko na rin sinabi kay Sandy at nagpapanggap na wala akong alam.

At ngayon ay mukhang alam na niya ang lahat. Inaasahan ko na rin itong mangyayari, na anumang oras o araw ay malalaman rin ang Sandy ang ginawa naming pagsisinungaling sa kanya. At hindi ko siya masisisi kung galit man siya ngayon.

"Why Ken? Why did you keep this from me? Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang totoo?" puno ng sakit ang boses niya at nasasaktan din ako sa reaksyon niya. Hindi nakaligtas sa akin ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.

The City Of Dalton: The Vampire's Lair Where stories live. Discover now