Chapter 16: Rejected

679 35 0
                                    



Chapter 16: Rejected





Sandy's POV




KANINA pa naglilitanya si Kuya pero ni isa sa mga sinabi niya ay walang pumasok sa utak ko. Sermon agad ang naabutan ko mula sa kanya pagpasok ko dito sa bahay. Okupado pa rin ang isip ko sa nakita ko kanina sa harap ng bahay nina Irene. Bakit siya nandoon? Alam ba niya? Alam ba niya na alam ko na ang tungkol sa nakaraan niya? Sa ginawa niya four years ago? Bakit-





"Sandy? Are you listening to me?"






Napaangat ako ng tingin kay Kuya. Seryoso siyang nakatitig sa akin at salubong ang dalawang kilay. Tumikhim ako.





"Y-Yes, Kuya."






Bumuntong hininga siya. "Naiintindihan mo naman siguro ang mga sinasabi ko, diba?" tanong niya pa ulit.







Wala sa sariling tumango ako. Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Hindi kasi pumasok sa utak ko lahat ng mga sermon niya kanina pa. Parang nagsara nalang bigla ang dalawang tenga ko.






Then he dismissed me. "You can go to your room now. Change your clothes. At bumaba ka mamaya para sa hapunan." Wika niya.






Walang imik na tumayo ako at tinungo ang hagdan para umakyat sa aking kwarto. Nang makapasok ay pabagsak na humiga ako sa kama. This day has been rough for me. Andaming nangyari at nalaman ko na hindi ko inaasahan. First, the Pyramid. I didn't know na may ganun pala dito sa Dalton. Second, the history four years ago. Ang totoong nangyari kay Julie at sa pamilya nito. And third, Alice and her ability. Unang tingin mo pa lang kay Alice, you won't suspect her. Hindi mo kayang isipin na may gagawin siyang masama sa'yo dahil malilinlang ka talaga sa mukha niya. You thought she's harmless when the truth is she's sick dangerous. Hindi mo talaga aakalain na kaya niyang gumawa ng ganung bagay when in fact, she's a Pureblood. Pumapatay ng kapwa dahil sariling kagustuhan. I had to admit, maging ako ay nalinlang niya. Kung hindi pa siguro sa boses niya na pamilyar, patuloy ko siyang hahangaan dahil sa mukha niya at sa ugaling pinapakita niya. Pero buti nalang nalaman ko agad kung anong klaseng tao siya.







Wala sa sariling hinawakan ko ang kwintas na bigay ni Irene. Napatingin ako dito. Ang sabi niya, ibibigay sana niya ito kay Julie pero nahuli siya ng dating. Pinasok na ang bahay nina Julie. And it was too late for her to save Julie. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang mga sinasabi niya na makakatulong ito sa akin laban kay Alice. Ang hirap naman kasing paniwalaan, ngayon lang ako nakakita ng ganitong kwintas. Maliit lang ito, kasing-liit ng 25¢. Kulay brown ito na may nakaukit sa gitna na hindi ko maintindihan. It was head with no face. Sa halip ay pakpak ang nakaukit sa gitna nito at pinapalibutan ng mga salitang latin. Hindi ko alam kung paano ako po-protektahan nito laban sa ability ni Alice. Pero kailangan ko pa ring subukan.







Bumalik sa isip ko ang sinabi ni Irene tungkol sa magiging dahilan diumano para mapahamak ako. Si Drew. Bakit si Drew? I mean, paano siya magiging dahilan? Well, sabihin na natin na malaki ang pagkakagusto ni Alice kay Drew. Pero sigurado naman akong walang dahilan si Drew na lapitan ako o kaya may intenayong makipaglapit sa akin. At isa pa, hindi naman kami magkakasundo nun. Kung gusto niyang sa kanya lang si Drew, eh di isaksak niya sa kasulok-sulokan ng baga niya. Tss.








Bumangon ako at hinubad ang coat. Mas mabuti pang iligo ko nalang 'to. Hinubad ko ang long-sleeved ko sunod ang boots at ang pants. Kinuha ko ang roba ko at tinungo ang banyo. I took a quick shower at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas na ako ng banyo. Nakita ko si Ken sa ibabaw ng aking kama nakahiga ng patihaya.







The City Of Dalton: The Vampire's Lair Where stories live. Discover now