Chapter 19: We Meet Again

656 39 0
                                    



Chapter 19: We Meet Again


Sandy's POV




NANG dumating ang ini-order na cappucino ay agad akong ko itong dinala sa aking bibig. Hindi ako umimik sa huling sinabi ni Irene. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko dahil yung totoo, hindi ko talaga maintindihan kung ano ang ipinupunto niya. Sinasabi ba niyang dikitan ko si Drew para maging ligtas ako? Yun ba ang ibig niyang sabihin? Ang labo din ng babaeng 'to, eh.




Ibinaba ko ang capuccino at tumitig sa kaibigan. "Look, hindi talaga kita maintindihan. Bakit mo yan sinasabi ngayon, Irene?"





Nagpakawala siya ng isang buntong hininga. "Sinasabi ko 'to kasi gusto kong maging ligtas ka. Diba sabi mo hindi pa nahuhuli ang outsider na umatake sa 'yo sa school at may posibilidad pa na balikan ka niya? Hangga't hindi pa nahuhuli ang lalaking yun, Sandy, you're not safe. Do you get me? And for your own sake, just swallow your pride. Ang pangit mang sabihin pero si Drew lang talaga ang kayang magpo-protekta sa'yo."





I hissed of the last words she said. "I have my brothers on my side. They can protect me if I can't." I said.



Sa gulat ko ay humahalakhak siya. "Alam mo nakakatawa ka. Anong akala mo sa mga kapatid mo? Superheroes? Na kaya ka nilang protektahan laban sa mga bampira?" nawala ang ngisi sa mukha niya at napalitan ito ng seryosong aura. "Sandy, oo alam ko, napakalabo kong tao dahil sinabi ko sa'yo minsan na si Drew ang dahilan ng kapahamakan mo pero mali pala ako. Katulad nga ng sinabi ko, hangga't nasa sa'yo ang kwintas na bigay ko at masiguro mong hindi malalaman ni Alice ang tungkol sa bagay na yan, ligtas ka pa rin mula sa kanya. For now, use that as a privileged for your own safety hangga't hindi pa nahuhuli ang outsider." Mahabang paliwanag niya.




"I can't." Despite of the reasons she said, I still can't.



Nagsalubong ang kilay niya. "Why?"




Paano ko ba sasabihin sa kanya at ipapaliwanag ang nangyayari sa akin this past few days? Kung paano mag-react ang katawan ko kay Drew. My feelings towards him. Kung susundin ko siya, magiging kumplikado lang ang lahat. Mahihirapan ako sigurado yun. Ngayon pa nga lang na malayo ako sa kanya ay doble na ang paghihirap at pagtitiis ko dahil sa nararamdaman ko. How much more kung nasa malapit ko lang siya?



"I have my reasons." I answered simply.


Pinagkrus niya ang kanyang dalawang braso sa kanyang dibdib. "Ngayon ako naman ang hindi makaintindi sa'yo." Iiling-iling niyang sabi.



Hindi ako sumagot bagkus ay inilibot ko ng tingin ang loob ng coffee shop. Kung kanina ay hindi gaanong marami ang estudyante ngayon naman ay tila dumoble ito. Mula sa department namin.



"Kailangan ko nang bumalik sa Library." Nabaling ang tingin ko kay Irene. Tumayo siya at binitbit ang makapal na libro. "As much as I want to spend time with you but I can't. Kailangang nasa Library ako bago dumating si Mrs. Albos." Saad niya at bahagyang ngumiti.





Tumayo na rin ako. "Uuwi na rin ako kung ganun." Sabay kaming lumabas ng coffee shop.





Dumiretso si Irene sa school habang ako naman ay nag-aabang ng cab. Walang jeepney dito at cab lang ang available. At hindi rin naman pwedeng tawagin ko pa si Ken para magpahatid sa bahay. Baka busy yun. Pinatawag pa naman sila ng Head. Hindi ko na tinanong kung paano nangyari na kasama na siya sa grupo ni Drew. Mabuti na rin yun at hindi siya mabagot sa bahay at may pagkaabalahan siya. Ilang minuto na rin akong nakatayo sa tabi ng kalasada at naghintay ng cab. Wala pa kasing dumadaan na bakante. Puro occupied lahat. Napansin ko ang pagkulimlim ng langit na tila nagbabadya ng ulan anumang oras. Mas lumamig din ang paligid.



The City Of Dalton: The Vampire's Lair Where stories live. Discover now