Chapter 30: The Other Half

622 25 1
                                    



Chapter 30: The Other Half



DREW'S POV




"ANO bang sinasabi mo?" nagsimula nang tumambol nang malakas ang puso ko na tila anumang oras ay hihiwalay na ito sa dibdib ko.



Nagkamali lang ako ng dinig diba? Mali ang narinig ko. Pinagkakatuwaan lang ako ng babaeng nasa harap ko.



Ngumiti siya ng matamis. "How I wish na biro lang ang lahat, Drew. But it's not." Tumalikod ulit siya at nagsimulang maglakad na tila walang siyang sinabi na nagpawindang sa akin. Sinundan ko siya. Pumasok kami sa isang silid na napapalibutan ng mga scented candles. Lahat nakasindi. Sa gitna ay isang mahabang mesa na gawa sa matibay na kahoy at sa ibabaw nito ay isang malaking kabibe na may lamang tubig na kumukulo.




Sa tabi ng malaking kabibe ay isang bolang krystal na umiilaw. Umupo si Eretria sa upuan na katulad ng sa isang hari. "Maligayang pagdating sa aking tahanan, Drew."




Hindi ko pinansin ang pagbati niya. Natuon ang isip ko sa mga sinabi niya kanina lang. Gusto kong kumpirmahin kung tama ang narinig ko. Pumuwesto ako sa dulo ng mahabang mesa malayo sa kanya.



She crossed her legs. "You travel too far, young Dalton. Ano ang maipaglilingkod ko sa'yo?"




Namulsa ako. "Care to explain first about what you've said a while ago?" sa halip na tanong ko.




Her lips curved a little like she was teasing me. "Why? Do you think kaya mo ang lahat na maririnig mo?"



I looked at her intently. "Why don't you try me, Eretria?"




She clicked her tongue. "Later, Drew." She said. Tumayo siya at lumapit sa mesa. "So, pag-usapan natin ang dahilan ng pagpunta mo sa ganitong kalayong lugar. Ano ang kailangan mo sa vyler, Drew?"




Bumuntong hininga ako bago ko inilabas ang isang lalagyan na may lamang dugo. "Check it." Inihagis ko sa kanya ang lalagyan at nasalo naman niya ito.



Tumaas ang kilay niya at inamoy ang dugo. She smirked. "A human blood. With a mix of a vampire."



My forehead ceased. "She's not a vampire." I corrected her.




Her eyes narrowed at me. "Hmm, let' see." Sa gulat ko ay ibinuhos niya ang dugo sa kumukulong tubig kasunod nito ay ang biglaang pagbago ng kulay ng mga mata niya. Pinanood ko lang siya kung paano magsalubong ang kilay niya na tila may nakikita siya. Pagkaraan ng ilang sandali ay bumalik sa dati ang mga mata niya.




Binalingan niya ako. "Yan ang sinasabi ko sa'yo kanina, Drew."




"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ko. Nagsimula na namang tumambol ng malakas ang puso ko.




Sumeryoso siya. "Tell me, why are you really here, young Dalton? Hindi ang pagsagip sa buhay niya ang ipinunta mo dito where in fact hindi naman siya nag-aagaw-buhay. I can sense another intentions. So, what is it?"





I was a bit impressed. Alam niya agad ang dahilan ng pagpunta ko dito. Of course, I know Sandy wouldn't die. Hindi siya mamamatay sa simpleng init lang.





I cleared my throat. "About the bead. My bead."





Saglit siyang natigilan sa aking isinagot. "Your bead," ulit niya. "Wala sa'yo ang bead mo. And you want to confirm it kung totoo ang hinala mo, am I right?"




The City Of Dalton: The Vampire's Lair Where stories live. Discover now