Chapter 41: Give Up

489 25 1
                                    




Chapter 41: Give Up




SANDY'S POV



I TOOK a deep breath bago tuluyang tinanggal ang seatbelt na nakakabit sa akin. Nasa tapat na kami ng bahay namin. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at hindi pa ako nakakalabas nang magsalita si Tito Isaac.




"Sandy, whatever your decision is I will support you. Kahit ano pa yun. Even if I'll go against the Council, susuportahan ko ang desisyon mo." Saad niya sa mahinahong boses.




Sa kabila ng sakit na nararamdaman ay nagawa ko pang ngumiti ng totoo sa kanya. What's the use of hiding anymore? Tito Isaac already saw my weak side.




"Thank you, Tito." I turned my back at him. Narinig ko ang pag-andar ng sasakyan sa aking likod kaya huminto ako sa paglalakad. Huminga ako ng malalim at pilit na pinapagaan ang aking dibdib. Ayokong mapansin nina Mom lalo na ni Ken na miserable ako sa mga sandaling 'to. Ayokong mag-alala sila sa akin.




Inihakbang ko ang aking mga paa patungo sa pinto.




"Then where the hell is she, Ken?!"




Naudlot ang pagbukas ko sa pinto nang marinig ang dumadagundong na boses ni Dad.




"I-I don't know, Dad." Nahihirapang sagot ni Ken.




"You don't know?!" Dad shouted.




"Eddie, calm down-"




Tuluyan ko nang binuksan ang pinto. Agad natutok ang mga mata nila sa akin.




"Sandy!" agad na lumapit sa akin si Mom at yumakap. "Oh my God! Where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap. Tumawag si Isaac, ang sabi niya kinausap ka daw ng Council? What happened?"




Kumalas ako mula sa pagkakayakap kay Mom. "It's fine. Everything went smoothly. Wala kayong dapat ipag-aalala." I smiled at them. Pilit itinatago ang sakit na nagsimulang lumukob sa dibdib ko. Nilapitan ko si Dad at humalik sa pisngi niya. Ganun din kay Kuya Seth na kalalabas lang ng kusina. Pagod na umupo ako sa sofa at hinubad ang coat ko.




"You didn't answer your phone, Sandy." Usal ni Dad.




I gave him an apologetic smile. "They took my personal belongings, Dad. Huli na nang malaman ko. I'm sorry."





He sighed deeply. "This is too much. Hindi nila dapat kinukuha at dinadala ang anak natin na walang pahintulot mula sa atin. This is beyond the rules. Lumabag sila sa batas na sila mismo ang gumawa." Nagtitimping wika niya.




"The Head should know what they did, Dad." Singit ni Kuya. "Mauulit at mauulit ang pangyayaring 'to. Baka sa susunod hindi na nila ibabalik si Sandy sa atin." Nanatiling kalmado ang boses ni Kuya ngunit hindi nito maitatago ang tensyon.




Tumango si Dad. "Alam kong sa mga oras na 'to alam na ni Sander ang nangyayari."




Nanatiling nakayuko ang aking ulo. Nagtatalo ang kalooban ko kung sasabihin ko ba sa kanila ang naging desisyon ko. Alam kong magwawala sila lalo na si Ken. Ngunit gusto kong iligtas mula sa kapahamakan si Drew. Maari siyang mamatay sa ipapataw na parusa ng Council at hindi niya kakayanin iyon lalo na't wala sa kanya ang bead. Manghihina siya dahil para na rin siyang normal na tao kapag wala ang bead. Without the bead, death is inevetable for him. At ayokong mangyari sa kanya ang pinakakinatatakutan ko. Ayokong magkatotoo ang panaginip ko.




The City Of Dalton: The Vampire's Lair Where stories live. Discover now