Chapter 44: Captured

619 24 2
                                    



Chapter 44: Captured




SANDY'S POV




NAGISING ako ng biglang kumirot ang ulo ko. Sinubukan kong ibuka ang aking mga mata ngunit agad napangiwi lang ako ng makaramdam ng sakit mula dito. Hinayaan kong mawala ang sakit ng ilang segundo bago ko ibinuka ulit ang aking mga mata. Unang bumungad sa akin ang nakasarang pinto na nasa aking harap. Sunod kong tiningnan ang ay ilaw na bumalot sa buong kwarto. Kumunot ang noo ko. Where the hell am I? Bigla kong naalala ang mga huling nangyari bago ako mawalan ng malay.




Nasa Simmons kami ni Irene. Hinahanap si Alice pero pagdating dun walang Alice na nagpapakita, sa halip mga hindi namin kilalang mga lalaki ang nandun at pinatulog kami. Na-set up kami. Great! Just great. Hinanap ko si Irene sa paligid at hindi naman ako nabigo. Isang metro lang ang layo niya mula sa akin at katulad ko ay nakatali din ang katawan at kamay niya sa silya na kinauupuan namin.




Inalis ko ang aking atensyon sa kanya at inilibot ng tingin ang buong kwarto. Nasaan ba kami? At sino ang dumukot sa amin? Si Alice na naman ba? Pakulo na naman ba niya ito? Walang'ya talagang babaeng yun, inulit na naman niya 'to.




Hindi ko na sinubukang gumalaw dahil alam kong hindi rin naman ako makakawala dito. Ano pang silbi diba? Sinisigurado talaga ng babaenh yun na hindi kami makakawala. Ganun na ba talaga siya ka-desperada? Para lang sa isang bead? Tss. Kaya nga kami magkikita diba, para makuha ang bead at maibalik kay Drew. Tapos gagawin niya talaga 'to? Hindi ako makapaniwala sa babaeng yun. Napalingon ako nang umungol si Irene. Di nagtagal ay nagising na ito at tiningnan ang paligid. Saka siya tumingin sa gawi ko. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin at sa kanyang sarili.




"Oh my God! Anong nangyari? Ba't nakatali tayo? Shit, Sandy! Katapusan na natin 'to." Mangiyak-ngiyak niyang wika habang pilit na kumakawala sa pagkakatali. Ako nalang ang naaawa sa kanya dahil habang gumagalaw siya mas lalong humihigpit ang tali sa katawan niya.




"Stay still, Irene. Wag kang mag-panic, it won't help." Kalmado kong saad.




"Wag mag-panic?" pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Sandy, nakatali tayo. Paano ako hindi magpa-panic? Ano 'to? Kidnap for ransom? Shit, wala kaming pera Sandy, alam mo yan." Litanya niya na halatang hindi mapakali.




I almost rolled my eyes. "This is not a kidnap for ransom case, Irene-"




"Really, huh? At paano mo nasasabi na hindi ito kidnap for ransom case?" salubong ang kilay na tanong niya. "At teka nga muna, bakit relax na relax ka diyan, ha? Hindi ka ba kinakabahan na baka may mangyari sa atin dito?" lumukot ang mukha niya.




Sinulyapan ko siya. "Pwede ba magdahan-dahan ka sa pagsasalita? Okay, malakas lang ang kutob ko na hindi ito kidnap for ransom case kaya wag kang mag-alala. At hindi makakatulong sa akin kung magpa-panic ako katulad mo. We will figure things out, okay? Just...please calm down." Paliwanag ko.




Ngayon mas naging normal na ang paghinga niya pero nandun pa rin ang takot at kaba sa mukha niya. "Nasaan na ba kasi tayo?" this time ay naging mahinahon na ang boses niya.




Umiling ako. "I don't know. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na 'to." Sagot ko. "I'm sorry. Nang dahil sa akin nangyari pa 'to sa'yo. I should've listened to you, Irene. Hindi sana mangyayari 'to." Sising-sisi ako dahil sa nangyari. Kasalanan ko kung bakit kami napunta sa lugar na 'to at sa sitwasyong 'to.




Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng nakakaunawang tingin. "It's fine, Sandy. I don't blame you. Sadyang minalas lang siguro tayo at wrong timing ang pagpunta natin sa Simmons kaya tayo nandito." Saad niya. "And besides, kaibigan kita. Nasa krisis ka ngayon kaya hindi kita pwedeng pabayaan, noh. At saka, kusang loob akong sumama sa'yo kaya wag mo nang sisihin ang sarili mo."




The City Of Dalton: The Vampire's Lair Where stories live. Discover now