Chapter 24: The Visitor

658 35 0
                                    

Chapter 24: The Visitor



DEN'S POV

(DENMARK 'DEN' CASTILLO. 19 YEARS OLD. VALERIA. HALFBREED VAMPIRE)


"SO, ANO tayo ngayon? Tour guide? Ganun? Aish! Nakakainis! Ba't ba kasi ngayon pa?"

Narinig kong reklamo ni Trina nang makalabas na kami ng opisina ng Head na napag-alaman kong opisina rin ni Drew. Kaya kami pinapatawag ng Head ng ganito kaaga ay upang ipaalam sa amin ang maagang pagdating ng mga bisita. Akala ko nga sa susunod na linggo pa ang pagdating nila, nagulat nalang kaming lahat na ngayon na pala yun. Hindi man lang kami nakapaghanda. Tsk.


Napailing nalang ako. Nakapaka-reklamador talaga ng babaeng 'to. Kahit saang bagay, may reklamo. Tiningnan ko ang oras sa relo na nasa aking bisig. Malapit nang mag-a-a las nuebe. Late na kami.



"Pwede ba hinaan mo yang boses mo baka may makarinig sa'yo, patay ka talaga." Saway ni Via dito.


"Tch." Nalukot ang mukha ni Trina.


"Akala ko talaga sa susunod na linggo pa sila darating, nakakagulat naman 'to. Paano na ngayon? Wala pa naman si Drew." Wika ni Ivan na halatang namomroblema. Hindi lang naman siya ang problemado tungkol sa bagay na yan, kami din naman. Biglaan ang lahat.



"Wala na tayong magagawa tungkol sa bagay na yan. Saka na natin problemahin ang tungkol sa mga bisita na darating. Ang pagtuunan natin ng pansin ngayon ay si Drew." Wika ni Mason. Pabalik na kami sa kwarto ni Drew.



"Wala tayong dapat ipag-aalala kay Drew. He's strong. At naniniwala akong magigising siya anumang oras." Saad ni Ken.


Nang nasa harap na kami ng kwarto ni Drew ay may narinig kaming kaluskos mula sa loob. Nagkatinginan kami. Gising na ba si Drew? Hindi nag-atubiling binuksan ni Mason ang pinto ng kwarto at ganun nalang ang paglaki ng aming mga mata sa naabutang eksena.


Wala sa sariling napasipol ako.

"What the hell?!" -Mason


"Oh my God!" -Via


"Shit, pare! Live porn!" -Ivan.


Binatukan ko si Ivan. Ang aga-aga ang bastos ng bunganga.


"Pare, camera dali! Minsan lang 'to!" -Dino. Na tila natatarantang naghanap pa ng camera para kunan ng video ang nasaksihan namin. Isa pa 'to, eh. Ang sarap pag-uuntugin ng dalawa.


Well, hindi naman masyadong SPG ang eksena na naabutan namin. Nakahiga kasi si Sandy sa kama habang si Drew ay nasa ibabaw nito. Nakahawak ang kanang kamay ni Drew sa kamay ni Sandy na nasa ibabaw ng ulo habang ang kaliwang kamay naman niya ang nasa t-shirt ni Sandy. Wew, hindi ko akalain na may itinatago din pala itong kalokohan si Drew sa katawan. Ano kayang iniisip niya?



Tiningnan ko ang magiging reaksyon ni Ken sa nasaksihang eksena. Gulat ang nakarehistro sa mukha niya at nakanganga pa. Hindi niya siguro ito inaasahan. Well, kami din naman. Hindi namin inaasahan na masasaksihan namin ang once in a lifetime na eksena na involved si Drew.



Muntik na akong humagalpak ng tawa ng malakas na sinipa ni Sandy ang tiyan ni Drew. Napaatras si Drew kasabay ng isang malutong na mura.


"What the fuck?!"



"Manyak!" sigaw ni Sandy kay Drew habang hawak ang suot na t-shirt. Umalis siya sa pagkakahiga sa kama at galit na hinarap si Drew. Wait, kaninong t-shirt ang suot niya? Sa pagkakatanda ko, puting t-shirt ang suot niya kanina. Paano naging gray? Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa? Hindi kaya...?



The City Of Dalton: The Vampire's Lair Where stories live. Discover now