Chapter 27: Doomed

614 32 0
                                    



Chapter 27: Doomed




VIA'S POV




"YOU'LL need a Vampire Seer. A first class seer."





"A seer? Bakit? At para saan?" naguguluhang tanong ni Trina. Kahit ako ay naguluhan sa sinabi ng doktor.





"Dahil ba ang mga seer lang ang may kakayahan malaman kung ano ang nangyayari kay Sandy?" kunot noong tanong ni Dino.





"Siguro." Maagap na sagot ni Ivan. "Katulad ba ng mga seer na nakilala natin kanina? Malaki ang maitutulong nila kay Sandy, sigurado yun.




Pero sa paanong paraan nila matutulungan si Sandy?





"We don't need a seer under the Elders."




My eyes darted to Drew who is seriously sitting at the one seated sofa. Tiningnan niya kami saka tumayo sa aming harap. I took a glance at Ken na ngayon ay nakayuko at nag-iisip ng malalim. Naiintindihan ko siya dahil kapatid niya si Sandy kaya alam kong abot-abot ang kaba at takot niya sa mga oras na 'to.



"Bakit, Drew?" tanong ni Mason na nasa tabi niya.


He sighed before answering. "First, we can't trust them. Second, most of them are under the Elder's. Kapag hinayaan nating mangialam ang Elders dito, Sandy might be in danger. And worst, they will took her away from us. Iisipin nilang isa siyang malaking banta sa lahi ng mga bampira. They will put her in a quarantine and make some tests on her blood. We knew how the Elders works, they'll do everything to protect theirselves from threat." Drew explained with conviction.



Honestly, unang beses kong narinig ang mga salitang yun mula kay Drew. Maybe he was just concerned kaya niya sinabi yun. Ayoko namang magsalita ng tapos. When it comes to his emotions, siya lang ang nakakaalam nun.




"So, what should we do then?" I asked.




"Make it a secret. Even the Council shouldn't know about this case. Until we will find the cure, no one will talk about her current situation. Itatago natin to mula sa karamihan hangga't hindi pa natin natutukoy kung ano ang nangyayari sa kanya. Nagkakaintindihan naman tayo, diba?" isa-isa niya kaming tiningnan. Well, kung yun ang makabubuti kay Sandy, why not? I'm ready to hide everything, for her. We can't lose her.



"Paano natin siya matutulungan?" tanong ni Trina pagkaraan.




"Leave it to me, I'll find another seer." Nagulat man kami sa kanyang desisyon ay hindi kami nagpahalata. Siguro, mas makabubuti yun. Kung sinuman ang may kakayahang tumulong kay Sandy, siya na yun. Marami siyang alam na paraan.





"Iuuwi ko siya sa bahay." Narinig ko ulit ang boses ni Ken. Tumayo siya at walang lingon-lingong umakyat ng hagdan. Hinayaan nalang namin siya. For now, kailangan niyang mag-isa. Alam kong nahihirapan siya ngayon. Kailangan niyang magpakatatag.



Be strong, Ken.




Ilang sandali lang ay narinig namin ang mga yabag ni Ken pababa. Buhat-buhat niya si Sandy na walang malay sa kanyang mga bisig. Wala pa ring malay ang aming kaibigan. At tama si Dr. Lee, tila wala nang buhay ang katawan niya. Napakaputla niya. Ganito ba talaga ang nangyayari kapag nasa proseso ng blood transfusions? Gaya ng sinasabi ni Dr. Lee? Pero hindi siya isang bampira, hindi siya half-breed kaya imposibleng dadaan siya sa ganung proseso. Ano ba talagang nangyayari sa kaibigan namin?




The City Of Dalton: The Vampire's Lair Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum