Universe: Ang Pagwawakas

12 5 0
                                    

Nicolas

Sumibol na ang haring araw nang makarating kami ni Ruel sa Fuera Muro. Sumalubong sa akin ang yakap ng aking mga kapatid pati na rin ang mga tinging ipinupukol ni Louie sa akin. Nauna silang dumating ni Manong Felipe dito sa bahay dahil sakay sila kay Talin. Nang matapos kong yapusin ang aking mga kapatid ay agad kong isinilid sa pagitan ng aking mga braso si Louie.

" Magiging maayos din ang lahat," mahina kong bulong dito dahil nahalata ko ang takot at pangamba sa mga titig niya kanina.

Isang tapik naman ng kamay ni manong ang naghiwalay sa yakap naming dalawa.

" Kinakailangan na nating kumilos agad at dalhin sa palasyo ang prinsesa. Kumalat na ang balitang patay na ang hari at ilang sandali na lamang ay ipapasa na sa punong konseho ang trono." Usal nito.

" Guro, kailangang mag-ingat tayo at huwag dumaan sa tarangkahan ng palasyo dahil bago ako umalis ay ipinakalat ni Calcon ang mga kawal niya doon at maaaring ipinapapatay din niya sa mga iyon ang prinsesa," pagsabat naman ni Ruel kung kaya't nabigla kaming lahat sa impormasyong kanyang ibinigay." Guro, pasensya na at nagkamali ako sa patuloy na pagprotekta kay Ginoong Calcon."

Tiningnan naman ni Manong Felipe si Ruel na wari mo'y naintindihan niya ang lahat ng sinabi nito.

" Prinsesa, kailangan na nating makarating bukas sa Kaharian upang ikaw ang maideklarang bagong reyna dahil kung ang kapatid ko ang maghahari ay hindi maganda ang kahihinatnan nito," madiing pagpapaliwanag ni Manong Felipe. Doon ay bumalik ang mga pangakong binitawan ko kay Kris na kahit mahirap gawin ay kailangan." Masyadong malalim ang sugat ng kanyang nakaraan at paghihiganti lamang ang alam niyang paraan."

" Manong, kailangan kong ibalik si Louie sa Pilipinas,"saad ko sa kanya at napatigil naman ito dahil sa nasabi ko.

Matagal muna itong tumahimik bago magsalitang muli." Kung gayon, kailangan mong ipasa sa isang konsehal ang trono. Maisusuhestyon ko sa inyo si Solomon."

Hindi ko alam ngunit may kakaiba sa tono ng pananalita ni manong na parang may iba pa itong gustong sabihin.

Tumingin naman muna sa akin si Louie bago magsalita." Huwag po kayong mag-alala dahil may kilala na akong siyang magiging pag-asa ng buong Kaharian at Lupain."

Pagkatapos noon ay sabay na ngumiti ang dalawang magkausap.

Kinabukasan, nang malapit ng mag-alas sais ng gabi ay nagsimula na kaming tahakin ang daan upang harapin si Calcon. Ito ang oras kung kailan wala masyadong tao sa palasyo at lahat ng konsehal ay nagtitipon sa kanilang opisina.

Sakay ng dalawang kabayo, nagtungo kami nina Manong Felipe sa Kaharian. Tinahak namin ang mahabang daan papuntang Palacio Imperial at tama nga ang sinabi ni Ruel na maraming mga kawal ang nagbabantay sa tarangkahan ng palasyo. Lumiko kami sa likurang bahagi at doon ay may binuksang maliit na pinto ng isang lagusan si Manong Felipe. Madilim at makipot man ay dire-diretso kaming sumunod sa mga hakbang ni manong hanggang marating namin ang isang abandonadong kwarto sa loob ng palasyo.

Mahina at dahan-dahan, tinahak namin ang daan patungo sa malawak na bulwagan. Nang makarating ay kakaibang katahimikan ang sumalubong sa amin. Walang katao-tao sa malawak at makulimlim na lugar na ito. Tanging ang trono lamang ng hari na nasa unahan at ang malaking kulay puting plorera na pamilyar sa aking mga mata ang doon ay nakalagak. Ang alak ng Mundus. Bakit nandito ang plorera na pinaglalagyan ng alak ng Mundus?

Mula naman sa aming likod, ilang mga yabag ng paa ang nagpabingi sa katahimikan ng bulwagan. Isang anino ng malapad na katawan ng lalaki ang naaninag naming apat nang nilingon namin ang direksyon ng mga hakbang.

Universe:The Unparalleled FateWhere stories live. Discover now