Kabanata 21

15 5 1
                                    

Nicolas

P

agkatapos naming pumunta ni Louie sa pangpang kinagabihan ay nadatnan naming nakatingin si Franki sa amin nang pabalik na kami ni Louie sa bahay. Mabilis naman itong bumalik sa loob nang mapansing nakikita namin siya. Dumiretso na kami ni Louie sa loob ng bahay ngunit nang nakapasok na sa kwarto ay nakahiga at nakapikit na si Franki sa kanyang kama.

Dahil maghahating gabi na rin naman ay dumiretso na kami ni Louie sa kani-kaniya naming higaan. Habang nakahiga ay naalala ko ang ginawa ko kanina kaya naman hindi ko maiwasan na mapangiti. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang kamay ni Louie sa aking mga palad. Nasabi ko na rin kay Louie ang laman ng puso ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob at nakayanan ko iyong sabihin nang hindi nauutal. Kahit isang salita lamang ay masaya na ako't nasabi ko iyon.

Mabuti nang nasabi ko iyon dahil hindi na rin tukoy kung hanggang kailan ako mamamalagi sa mundong ito. Unti-unti nang nagpapakita si Louie ng mga senyales ng pagalala sa buhay niya sa kaharian at natitiyak kong ilang araw na lamang ay maalala na niya ako. Sana sa pagkakataong iyon ay buong puso siyang maniwala. Pinapangako kong poprotektahan ko siya pagdating namin sa Maharlika. Tanging alaala na lamang niya ang hinihintay ko.

Sa mga iniisip ay hindi ko na naiwasang madapuan ng antok at sa huli ay nagpaubaya na nga ako sa lalim ng gabi.

Kinabukasan naman ay saglit na lamang kaming nanatili sa lugar. Maaga kaming ginising ni Kris upang masaksihan ang pagsilip ng araw mula sa pangpang. Pagkatapos noon ay inihanda na namin ang aming mga gamit dahil ilang oras na lamang ay lilisan na kami sa lugar na ito.

Nang malapit nang magtanghali ay tuluyan na nga kaming umalis. Sa paglayo namin sa dagat ay ang pananatili nang masasayang karanasan ko kasama ang mga taong kasama ko ngayon.
Habang nasa loob ng kotse ay nagkakantahan pa rin ang mga ito at maririnig din ang masasayang pagtawa nila. Ang mga taong ito, hindi ko sila makakalimutan. Maikli man ang panahong ginugol ko para kilalanin sila ay mananatili ang alaalang ito sa puso ko. Hindi ko akalaing may mabubuo akong relasyon sa mga taong nandito sa mundong ito. Sa oras ng aking pag-uwi alaala nila ang aking babaunin.

Lumipas ang mga araw mula nang aming karanasan sa napakagandang dagat ng Nasugbu ay nagbalik na rin kami sa pagtatrabaho rito sa Ka Juan Resto. Ganoon pa rin ang lagay sa lugar na ito. Ako at si Louie ay nandirito sa kusina habang naghahanda ng mga niluluto naming pagkain. Sina Kris naman ay nasa labas at nag-aasikaso ng mga binibili ng mga tao.

Noong mga nakaraang araw naman ay naisipan naming dumalaw kay Lola Linda at talaga namang nakakaawa ang kalagayan qng apo niya. Punong-puno ng aparatos ang katawan ng bata at ang malala pa noon ay maglilimang taon pa lamang ito. Chronic leukemia, ito raw ang sakit ng bata.

Naisipan ni Kris na maglagay sa loob ng resto ng isang maliit na alkansya upang mangalap ng pondo para sa bata. Pati na rin ang ilang binibigay na pera ng mga bumibili para sa aming serbisyo ay doon na namin inilalagay maliban kay Rain dahil kailangan din niya ng pera. Magkakaroon rin sina Franki at Louie ng isang pagtatanghal ngayon kahit hindi ito ang araw ng kanilang nakagawiang presentasyon. Ang mga makakalap na donasyon mula roon ay ibibigay namin kay Lola Linda para sa pagpapagamot ng bata.

"Nico pakinggan mo nga ako,"saad ni Louie habang inaayos ang hawak niyang ukulele na gagamitin niya pamayang gabi."Gusto kong mas galingan pamaya para marami tayong makuhang donation."

"Sige,"pagsang-ayon ko kahit alam ko naman na ang tanging masasabi ko lamang ay napakaganda ng boses niya. Napakaganda naman kasi talaga ng boses nito at laging nakakaaliw ang kanyang pagtatanghal sa tuwing kakanta sila ni Franki.

Universe:The Unparalleled FateTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang