Kabanata 20

17 7 0
                                    

Louie
"

Sino pang may aaminin diyan, mga pinakatatagong hinaing, lihim o kung anuman,"malalim na wika ni Kris habang tinitingnan kami isa-isa na para bang nasa isa kaming horror story. Nagmumukha lang siyang luko-luko, actually.

Madilim na rito sa Fortune Island at napakaganda na ng kalangitan dahil sa kislap ng mga bituin at liwanag ng buwan. Naisipan naming magtagal dito para maka-experience naman ng camping. Sabihin na nating semi-camping kung mayro'ng word na gano'n dahil hindi naman kami rito tutulog. Nakaikot kami ngayon sa maliit na bonfire rito sa pangpang ng isla at nag-o-open forum. May pa-open forum ang boss n'yo! Nauna nang magsalita si Kris. Tungkol sa ex niya and how he's moving on. Alam ko ang tungkol dito and sobrang proud ako kay Insan dahil sa improvement niya kada araw. Though hindi man halata na minsan ay nasasaktan siya alam kong hindi madali para sa kanya ang nangyari at natutuwa ako sa mga sinabi niya kanina. Mas nag-fofocus siya sa resto dahil wala namang magandang naidudulot kung tanging sa nakaraan lang siya titingin and that for me, I think, is a good healing method for his broken heart.

Si Franki naman ay nag-open about sa course niya sa college and just like what he said to me the other day, itutuloy na niya ang Business Management.

While Nico, on the other hand, talks about sa buhay niya sa kinagisnan niyang lugar. While hearing his story talagang humanga ako sa katatagan niya. Although glimpse lang sa tingin ko ang sinabi niya ay nakakabilib pa rin kung paano niya nakayang buhayin ang dalawa niyang kapatid without the help of his parents since namatay sila ng maaga. Nakakabilib si Nico talaga.

"Rain ikaw naman. Ikaw na lang ang hindi nagsasalita,"pamimilit ni Franki matapos kong sabihin ang story ko kaya naman ay napatingin kaming lahat kay Rain. Oh bakit parang malungkot ang BFF kong ito? Okay lang 'yan hindi kami judgemental.

Tumungo naman si Rain bago magsalita."N-natatakot akong magsabi."

"Bakit naman? Magkakaibigan na tayo rito. 'Wag ka nang mahiya,"sambit ni Kris habang tinatapik ang likuran ni Rain.

"Uhm hindi man halata..."wika nito.

Lahat kami ay nakatutok sa kung anong sunod na sasabihin niya matapos ang pagpause niyang 'yon.

"Bakla po ako." Dagdag niya at yumuko na pagkatapos. Ilang minuto rin kaming nagulat sa inaming iyon ni Rain kaya hindi kami agad nakapagsalita. Natuwa naman ako pagkatapos dahil sa lakas ng loob niyang ito. Mahirap kayang mag-come-out at proud ako kay Rain. Mayroon na akong sister ngayon ha!

"Proud kami sa'yo! Ang tapang mo, huwag kang mag-alala dahil kasama mo naman kami hindi ka namin huhusgahan,"saad ni Kris at sumang-ayon naman kaming lahat. Napakalawak na ng ngiti ngayon ni Rain. Yes! Go girl wala ka nang dapat itago pa! We can rule our worlds kahit ano pa ang gender preference natin. As long as mabuti tayo, tao tayo.

"Salamat po. Natatakot talaga ako dating aminin 'to sa sarili ko pati sa ibang tao e,"maluha-luhang saad ni Rain. Aw atleast may lakas ng loob ka na ngayon and na-aamaze ako dahil do'n. Nilapitan ko naman ito at niyakap nang mahigpit.

"Proud ako sa'yo." Bulong ko rito at ramdam ko naman ang pagpahid niya sa kanyang mga luha. Lumapit rin naman sina Kris at Franki na nakiyakap din.

"Mars dito ka group hug tayo." Pagtawag ni Kris kay Nico na hanggang ngayon ay nakaupo sa gilid. Sa sinabi namang iyon ni Insan ay lumapit na nga si Nico at nakiyakap na rin. "Go Team KJ!"

Ano daw? Ang pangit naman ng pangalan ng team namin."Bakit KJ? Ang baduy naman Insan."

"Ka Juan! Ano ba ang hina naman mag-process." Pang-aasar nito. Ako pa talaga ang mahinang magprocess? Malay ko bang Ka Juan ang meaning no'n e mas kilalang Kill joy ang ibig sabihin ng KJ.

Universe:The Unparalleled Fateजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें