Kabanata 19

22 12 0
                                    

Louie

"Tangayin man ng hangin
Maligaw, handa akong
La-la-la-lakbayin, la-la-la-lakbayin,"sabay-sabay kaming kumakanta habang nasa byahe maliban na lang kay Nico. Kakagising ko lang kanina dahil sa lakas ng patugtog nina Insan at buti na lang hindi ako naglaway sa balikat ng katabi kong ito. Nakakadiri 'yon!

Malapit na rin kami sa resort at nakaka-excite lalo na kapag ganito ang kantahan. Kita ko na mula rito ang malawak na dagat! Wah! Magaala-Sim Cheong na ako pamaya! Hintayin mo 'ko Heo Joon Jae papunta na ako d'yan! Medyo ang OA ko sa part na 'yon ah. Pero kasi ito na 'yon oh! Ang ganda talaga niya!

"Ang ganda!"wika ni Nico sa tabi ko. Kumikinang ang mga mata nito no'ng tinignan ko siya kaya napangiti na rin ako. Ang saya namang malaman na masaya kaming lahat ngayon! Mas nakaka-enjoy kaya kapag gano'n.

"Sayang wala ang aking mga kapatid,"mahina pa niyang saad. Nakakalambot naman ng puso na naaalala niya ang kanyang mga kapatid. Siguro miss na niya ang mga 'yon. Hindi ko man sila kilala pero sure akong mahal sila ng kuya nila.

"Guys i-ready n'yo na ang mga gamit ito na ang resort,"utos ni Kris nang nasa harapan na kami ng isang malaking arc na may nakalagay na 'Redwood Resort' sa gitnang bahagi nito. Nandito na kami sa wakas!

"Yes sir!"masiglang saad ni Rain habang nakasaludo pa kaya sabay-sabay kaming napangiti.

Nang papasok na ay may nagpatigil sa aming mga staff ng resort para sa bayad at pagkatapos no'n ay dumiretso na kami sa parking lot na nasa loob ng resort.

Pagkalabas ng kotse, ang una kong naramdaman ay ang ilang magagaang butil ng puting buhangin sa ilalim ng aking sandals. Lahat kami ay sabay-sabay na lumabas ng kotse at isa-isang binitbit ang mga gamit namin papunta sa nirentahan naming bahay since mag-o-overnight kami rito. Habang naglalakad ay ramdam ko ang mahihinang simoy ng hangin at ang may kainitang sinag ng araw na nasa aming itaas.

Ang ganda rin ng kabuuan ng resort na ito! Lalo na ang mga cute na bahay for overnight purpose. Maliliit lamang na bungalow ang mga rent houses pero ang kukulay nila. Itong sa 'min ay pastel pink habang ang iba namang bahay ay iba't ibang pastel colored rin may orange, violet, blue at green. Ang pinakanagustuhan ko sa bahay namin ay itong maliit na terrace na may hanging garden sa kanyang railings. May mga bahay-kubo rin sa gitna ng mga bungalow houses na para sa mga day-trip visitors. Sa may beach naman ay makikita ang hile-hilerang puno ng niyog at 'yong iba do'n ay may mga hammock na nakasabit.

Marami ring mga katulad namin na ngayon ay nagbabakasyon dito sa resort. Mula sa terrace ay kita ko ang ilang magbabarkada na nakasakay sa banana boat. Ohmygosh! Kaka-excite 'yon sana ma-try namin. Tapos mayroon ding isang volleyball court by the beach. Tara na talaga! Ready na ang two-piece! Char. Mag-so-short lang ako at rashguard 'no saka na ang bathing suit paggabi. May plano rin kaming pumunta ng Fortune Island pagmalapit nang mag-sunset so do'n ko na lang ifo-flaunt ang magandang hugis ng katawan ko for photoshoots. Ang bongga ng self-confidence ko ngayon ha!

"Nico pahiram ng salbabida." Dinig kong saad ni Insan mula sa loob ng bahay. Psh, hanggang ngayon hindi pa rin marunong lumangoy. "Dali na paabot na Mars nandyan lang 'yan sa malaking plastic bag."

Agad naman akong pumasok sa loob para makita ang pagtatalo nila pero mukhang tapos na 'yon dahil binigay agad ni Nico iyong salbabida.

"Thanks Mars,"wika ni Kris pagkatapos ay niyakap si Nico."Bati na tayo ha!"

Akmang hahalikan naman ni Insan si Nico sa pisngi pero pilit na iniiwasan iyon ni Nico. Nakakatuwa naman ang dalawang ito parang noong isang araw lang ay nagtatampuhan sila ha! Nahalata naman ni Nico na nakatingin ako kaya matagal-tagal muna kaming nagkatinginan bago niya mahinang tinulak palayo sa kanya si Kris. Para talaga silang malilikot na bata kaya 'di ko rin mapigilang mapangiti sa ginagawa nilang dalawa.

Universe:The Unparalleled FateDove le storie prendono vita. Scoprilo ora