Kabanata 24

9 3 0
                                    

Louie

Mabilis akong bumaba ng stage nang makita ang biglaang pagpatak ni Nico sa lupa. Hindi na ngayon maawat ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa takot at pangamba. Agad ko namang hinawi ang mga taong nanonood upang mapuntahan ko ang pwesto kung saan nandoon si Nico.

Nang makarating ay buhat-buhat na ni Franki si Nico. Sumunod naman agad kami nina Rain kay Franki nang inilabas nito si Nico papunta sa sasakyan ni Kris. Nang lahat ay nakasakay na, agad kaming dumiretso sa pinakamalapit na ospital.

Habang nasa emergency room ay pabalik-balik akong nagpapalakad-lakad dahil hanggang ngayon ay wala pa ring doktor na pumupunta sa amin. Nakahiga pa rin dito si Nico at hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Ano ba talagang nangyari sa'yo Nico? Sa rami ng emosyong nararamdaman ko ay napaupo na lamang ako sa sahig at kasabay nito ay ang patuloy na pagpatak ng mga luhang kanina pang namumuo sa aking mga mata.

" Nasaan ang pasyente?"boses ng isang doktora na papunta na sa aming direksyon kaya agad naman akong napatayo at hinanap ito.

" Doc nandito po,"wika ni Rain habang tinuturo ang pwesto ni Nico.

Agad namang pumunta ang doktora at tiningnan ang lagay ni Nico. Nang matapos ay inalis muna nito mula sa kanyang tenga ang suot nitong stethoscope bago kami kausapin.

" Mayroon ba kayong alam na medical history niya like high blood pressure, anemia, heart defect or diabetes?"pagtatanong ng doktora.

Napatigil naman ako dahil wala akong masabing sagot. Biglang tumama sa akin na wala akong alam. Wala akong alam patungkol sa nakaraan ni Nico. Ngayon ko lamang naramdaman ang pagkahiya ko para sa aking sarili. Hindi ko man lang ginawang mas kilalanin pa ang taong gusto kong kilalanin habang buhay.

Umiling na lamang ako habang patuloy na pumapatak ang aking mga luha.

" Nagko-consume po ba siya ng alcohol? And don't be offended pero may chance po ba na nagte-take siya ng drugs?"dagdag muli nito.

" Hindi po,"tanging naisagot ko.

Tumayo na ito pagkatapos ng pagtatanong niya sa amin at mariing kinausap kaming apat.

" I suggest na magstay kayo sa hospital for further examinations. May available rooms pa naman. I'm assuming na ang condition ng pasyente ay heart failure. Kailangan lang nating i-undergo siya ng tests to finally conclude that it's the case."paliwanag ng doktor." Mild pa lamang ang sitwasyon niya kaya maaari pang agapan."

" Sige po,"pagsang-ayon ni Kris.

"Good,"ani doktora." I'll be going then, hintayin n'yo na lang ang mga nurse to take him sa room na kukuhanin n'yo. Sila na rin ang mag-aasikaso sa ilang kailangang gawin."

Ilang sandali pa nga ay dinala na ng nurse si Nico sa isang public room ng ospital. Since itong kwarto na pinaglagyan kay Nico ay wala pang ibang pasyente, solo pa namin itong room. Bumalik muna si Kris sa resto upang kumuha ng mga gamit namin. Sina Franki naman ay umuwi na dahil hindi rin naman sila nakapagpaalam sapagkat biglaan itong mga pangyayari.

Habang nandito sa loob ay may pumasok naman na isang nurse.

" Miss kaano-ano po kayo ng pasyente?"tanong nito kaya naman ay medyo napahinto ako.

" G-girlfriend niya po,"pagsagot ko naman sa tanong niya pagkatapos ay hinawakan ko agad ang kamay ni Nico.

" Oh gano'n po ba? Kukuhanan ko lang po si sir ng dugo for blood test," paliwanag nito pagkatapos ay nilapitan na niya si Nico at tinurukan ng syringe.

Universe:The Unparalleled FateWhere stories live. Discover now