Kabanata 12

48 21 27
                                    

Nicolas

Maaga kaming nag-aayos ng resto ni Kris dahil sa gagawing pagtatanghal nina Louie at Franki pamayang alas-sais hanggang alas-siete ng gabi. Hinahanda na namin ang maliit na entablado rito sa loob ng resto pati na rin ang mga mikropono at iba pang gagamitin nila pamaya. Ayon sa paliwanag ni Kris kagabi bago kami matulog, may maganda namang rason ang gagawin nina Franki at Louie. Para maipakita at maitanghal ni Louie ang kanyang talento, maganda ngang dahilan ang isasagawa nilang dalawa ngayon at sa susunod pang mga araw. Mapapadalas nga lamang ang pagpunta rito ni Franki na ikinakakaba ko kahit hindi ko alam ang dahilan. Silang dalawa kasi ni Louie ang magkasama sa pagkanta para sa mga mamimili.

"Oy Mars pakuha naman ng dalawang upuan do'n sa taas. Nando'n iyon sa may kusina,"utos ni Kris sa akin kaya naman lumabas na ako ng resto para pumunta sa loob ng bahay. Mas maaga kaming gumising kaya naman nadatnan ko si Louie na kumakain pa lamang ng umagahan ngayon.

Nang nagkatama ang paningin namin, hindi siguro niya inaasahan ang pagpunta ko rito kaya naman ay nabigla at napa-ubo siya. Sa ginawa niyang iyon pati ang kinakain niya ay nagtalsikan palabas ng kanyang bunganga. Gusto ko sanang matawa pero buti na lamang at napigilan ko iyon. Kalmado na lamang akong dumiretso sa kusina at nilampasan lamang siya.

Dala-dala ang dalawang upuan sa aking kanang kamay habang sa kaliwa ay isang basong tubig, dumiretso ako papalapit kay Louie. Naisipan ko na ring dalhan siya ng tubig dahil sa nangyari kanina.

"Tubig?"tanong ko at nilagay ang isang baso ng tubig sa lamesa malapit sa kanya. Hindi ko na  hinintay ang kanyang sagot at dumiretso na lamang pabalik ng Ka Juan.

"Salamat." Dinig kong habol niya ngunit hindi ko pa rin ito nilingon. Hindi ko naman din mapigilan ang pagngiti ko habang papalabas ng bahay. 'Louie kung alam mo lang na ikaw ang hinahanap kong prinsesa.'

"'Yan Mars d'yan mo na lang ilagay sa stage ang mga iyan," bungad agad ni Kris pagkapasok ko pa lamang ng resto. Tinanguan ko na lamang ito at ginawa na ang kanyang mga sinabi.

Ilang minuto pa ay nagsidatingan na rin sina Rain at Lola Linda.

"Ayan since nandito na kayong lahat, may magpeperform dito pamayang gabi. Sina Franki at Louie,"wika nito.

"Yey!"nasasabik na sigaw ni Rain habang pumapalakpak pa."Maganda nga po ang boses ni Ate Louie. Nakaka-excite mapakinggan ang boses ni Kuya Franki."

"Tama. Tama. Syempre mana sa akin ang pinsan kong iyon." Nakangiti namang pagsang-ayon ni Kris."So, Rain at Mars pwede bang paki-distribute nitong mga leaflet sa mga taong dadaan para mainform din sila. Iyon ay kapag may free time dito sa resto. Nag-post na rin naman ako sa Facebook page natin pero para mas madaming makaalam."

Iniabot niya sa amin ang ilang mga papel na may mukha nina Louie at Franki. Pati ang mga pagkaing ibinebenta namin ay nakapaskil sa likod nito. Napakunot naman ang noo ko nang makita ang litrato ni Franki. Ang lawak ng tawa niya habang nakaakbay kay Louie.

"Tara na kuya! Excited na akong makita si Franki pamaya," ani Rain at natigilan naman siya sa sinabi."Ah ang ibig kong sabihin sina Ate Louie at Franki. Tara na kuya!"

Hinila naman ako nito palabas at dahil wala pa namang napuntang mga tao ay sumama na lang ako sa kanya. Kahit na sobrang init dito sa labas ay masayang-masaya pa ring ipinamimigay ni Rain ang mga papel.

Universe:The Unparalleled FateWhere stories live. Discover now