Kabanata 15

29 15 13
                                    

Louie

"Nico isa raw Partner Meal One. Ako na rito sa leche flan at pineapple juice." Matapos ang nangyari kahapon dito na ako naka-assign sa kusina kasama si Nico. Buti na lang at medyo maayos-ayos na ang treatment namin sa isa't isa. Noong umpisa medyo hindi pa kami nagpapansinan pero pinili ko na lang na daldalin siya para may ingay naman sa loob. Nakatulong din naman 'yon sa pagsasama namin sa kusina since hindi na kami masyadong awkward sa isa't isa or ako lang ang nagiging awkward 'pag kasama siya? Basta nakatulong 'to sa 'min. Madalas ko na rin siyang asarin kasi mabilis pala itong mapikon.

"Ah sige patapos na rin ako sa niluluto kong sinigang. Makikiayos na lamang ng paglalagay sa pinggan," saad nito habang naka-focus pa rin sa ginagawang pagluluto. Ilang minuto pa ay nilapag na niya na ang katatapos lamang lutuing sinigang sa lamesa at nagtungo ulit sa lutuan upang tapusin ang ginagawang adobo. Feeling ko lahat ng niluluto niya ay sobrang sarap. Punong-puno na kasi ng mababangong amoy ng kakaluto lamang na sinigang ang kusina. Ang suwerte naman ng mapapangasawa nito laging busog sa... pagmamahal.Charot.

Dahil marami-rami ang bumibili ngayon sa resto, sobrang busy din naming dalawa rito sa loob. Minsan pa nga ay sunod-sunod ang ginagawa ko. Mula sa paggagayat ng mga sangkap na gulay hanggang sa pag-peplating pagkatapos ay maghuhugas pa ako. Sobrang sakit na ng kamay ko!

"Magpaahinga ka muna roon,"mahinang saad ni Nico habang itinuturo 'yong maliit na upuan sa kusina."Nakapagtanghalian ka na ba?"

Oo nga pala hindi pa kami nakakapagtanghalian kahit one o'clock na ng hapon. Sa rami ba naman ng tao tapos hindi rin pwedeng tumigil sa paggawa dahil bawal paghintayin ang customers talagang walang oras para kumain.

Umiling muna ako bago magsalita."Hindi pa nga eh."

Kita ko naman ang pag-aalala sa mukha ni Nico. Tumalikod muna siya sa 'kin at may kinuha sa may lutuan. Matagal din siyang nandoon at nang makaharap na siya ay isang plato ng adobo't fried rice ang binigay niya sa akin."Oh kumain ka muna. Kaya ko na ito kaunti na lamang naman ang natitirang lutuin."

Kumurba pababa ang mga labi ko dahil sa sobrang pagka-touch sa ginawa niya. Kanina pa kasi kumukulo ang tiyan ko at ito ang first meal ko ngayon sa trabaho. Nakakaiyak man pero parang medyo OA na kapag ginawa ko 'yon kaya kinuha ko na lang ang pagkain at nginitian si Nico."Thanks, hulog ka talaga ng langit."

Nakita ko naman ang maliit na pagtawa nito at tumalikod na ulit upang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa. Pumunta na ako sa upuan sa may gilid ng kusina at doon ay mabilis akong kumain. Ayaw ko naman na si Nico lang ang paggawin ng lahat ng orders. Nakakahiya naman kasi atsaka alam kong gutom na rin 'to hindi lang nagrereklamo.

Habang kumakain ay hindi ko namalayang nakatingin pala ako sa well-built na likod ni Nico kaya naman nang nilingon ako nito muntikan na akong mabulunan sa gulat. Hindi ko naman kasi talaga namalayan na doon pala ako nakatingin kasi naman bukod sa likod niya ay ang galing din ng mga galaw niya habang nagluluto. May pa-toss-toss pa kasi ng kawali siyang nalalaman e. Noong napansin naman niya na nakatingin ako ay tinawanan lang ako ng luko at bumalik na ulit sa ginagawa. Hindi ko talaga siya tinitingnan! Natutulala lang ako sa ginagawa niya, actually.

Nang matapos kumain, pumunta na ulit ako sa may lamesa at tinulungan si Nico. Patapos na rin naman kaya nagpresenta na akong bantayan ang niluluto niya habang siya ay kumakain.

"Hoy, ako na diyan. Masarap din akong magluto kaya don't worry. Kumain ka na ro'n." Tinapik ko ito sa likod at kinuha mula sa pagkakahawak niya ang siyanse. Pinanlakihan naman niya ako ng kaniyang mga mata dahil sa nagawa."Kumain ka na. Gusto mo atang subuan pa kita eh."

Matagal bago siya nakapagsalita at hindi ko alam kung namumula ba ang pisnge niya or dahil sa liwanag lang.

"S-sigurado kang kaya mo?"nag-aalinlangan ang kanyang tono. Wala ba 'tong bilib sa 'kin? Hays. Hindi ko na lang siya pinansin at sinenyasan ko na lamang na pumunta sa upuan at kumain.

Universe:The Unparalleled FateWhere stories live. Discover now