Kabanata 9

68 29 20
                                    

Louie

Bukas na ako aalis pabalik ng Pilipinas. Mag-isa lamang ako rito sa isang hotel na malapit sa Newark Liberty International Airport. Two years na simula nang manirahan ako sa America pero hanggang ngayon ay hindi ko maramdaman na ito ang tahanan ko. Na ito ang aking kinabibilangan. I know there's this longing in my heart na tanging sa Pilipinas ko lamang mahahanap. My dreams are there. My heart lies in there. Doon ay kakayanin kong maabot ang pangarap ko nang walang pumipigil sa akin. Matagal nang sinasabi ni Mama na gusto niyang maging doctor ako. And her reaction after hearing my side which I've hide for almost all of my life is still fresh in my memories. Masakit isipin na hindi gusto ng magulang mo ang buong buhay mong pinagdarasal na maabot. Pero ito na ako. Aalis na akong mag-isa and I will prove myself to her. Ipapakita kong kaya ko. Kaya kong tawirin ang dagat ng aking pangarap. Malakas kong sasagwanin ang mga alon na aking madadaanan. Ipapakita ko kay mama ang sarili ko. I will make sure that this journey is worth it. That my dreams are valid. That I can make it.

Nakatingin lamang sa malawak na kalsada na nasa aking harapan ay ramdam ko ang lakas ng simoy ng hangin. Napabuga na lamang ako dahil sa aking mga iniisip. Matagal akong nakatulala sa napakagandang buwan sa langit lalo pa't nakikita ko rin mula sa aking pwesto ang citylights na nagmumula sa daan-daang mga gusali sa ibaba at mga streetlights na kumikinang sa mga daan. Nakakapagpakalma ang tanawing ito. This suits my mood tutal na-da-down ako ngayon nakakagaan kahit papaano ng pakiramdam.

"Atleast pagbalik ko ng Pinas nandoon si Kris. Ang very supportive kong pinsan." Bulong ko sa aking sarili. Simula bata pa lamang ay lagi na kaming magkasama ni Kris at tinuring ko na siyang kuya. Pareho kaming only child kaya naman noon ay hinding-hindi kami mapaghiwalay. Tanda ko pa noong huling araw ko rito sa Pilipinas sobrang umiyak siya habang papunta pa lamang kami sa airport."Miss ko na ang Pilipinas. Miss ko na rin si Kris."

Ilang minuto pa ay pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Mula sa kama ay tumunog ang aking cellphone at pagtingin ko sa kung sino ang tumawag agad akong nakaramdam ng kaba.

"Anak, nasaan ka?"bungad ni mama sa akin. Hindi nga pala ako nagpaalam na mag-i-stay ako sa isang hotel before ng flight ko.

"Nandito po sa hotel na malapit sa airport,"tugon ko sa kanya.

Ilang minuto rin ang lumipas bago muling magsalita si mama.

"Talagang matigas ang ulo mo! Hindi ko alam kung saan ako nagkulang sa iyo,"sagot naman sa akin ni mama. Nailayo ko ng kaunti ang hawak kong cellphone dahil sa lakas ng boses niya."Lagi kong sinasabi sa iyo na magandang magdoktor. Pumunta ako rito sa Amerika para may maipangtustos para maging isa kang doctor kagaya ng papa mo!"

Si papa na naman. Ito lagi ang dahilan niya. Si papa na iniwan kami para sa bago niyang pamilya. Gusto niyang maging isa rin akong doctor para ipakita kay Papa na nakaya ni mama na maabot ko ang katulad ng narating ng magaling kong ama. Mahirap lamang kami pero nagsumikap si mama sa America para maipakita kay papa na maling iniwan niya kami para sa iba. Pero hindi ko gustong maging katulad ni papa. Hindi ko rin gusto ang hinihiling ni mama para sa akin. Ang pangarap ko ay naiiba sa gusto niya.

"Ma, wala na si papa iniwan na niya tayo,"mahina kong sambit na sana'y maintindihan na niya.

"Itigil mo iyan Louie!" Tanging naitugon ni Mama."Huwag ko lamang maririnig na kung anu-ano na ang nangyari sa buhay mo diyan dahil wala kang maaasahan mula sa akin!"

Sa huli niyang sinabi ay natapos na rin ang kanyang pagtawag. Puno na ng marka ng aking mga luha ang unan na aking hinihigaan. Kung ito ang kapalit ng aking pangarap, lahat na ng luha ay ibubuhos ko para maabot ko ang aking inaasam noon pa man.

Universe:The Unparalleled FateWhere stories live. Discover now