Kabanata 25

9 3 0
                                    

Louie

" Ate nagising na po si kuya atsaka kakaalis lamang po nina lola," habang nasa rooftop pa rin ay isang sigaw ng hingal na hingal na Rain ang gumising sa lumulutang kong diwa. Walang anu-ano ay mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ni Nico nang marinig ko ang mga sinabi nito. Sinundan naman ako nina Rain at Franki ngunit hindi ko na inisip na hintayin pa sila.

Pagkapasok ko pa lamang ay bumungad na ang maliit na ngiti ni Nico nang makita niya ako. Agad ko naman siyang nilapitan at mahigpit na niyakap. Ilang sandali ay iniharap ko ang mukha niya sa akin at marahang hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Kita ko naman ang gulat sa kanyang mga mata nang sunod kong halikan ang kanyang noo.

" Nico, handa na akong gawin ang ipinangako ko sa'yo,"mahina kong sambit dito. Nag-aalala naman niya akong pinagmasdan.

" Tanda mo na ba?"tanong nito at hinawakan din niya ang aking kanang pisngi.

" Oo,"sagot ko rito. Sa sinabi kong iyon ay mahigpit niya akong niyakap at parang ayaw ko nang makawala mula rito kahit kailanman." Sabay nating iligtas ang Kaharian mo."

Ilang oras pa ay pumasok ang babaeng doktor na siya ring tumingin sa lagay ni Nico kahapon. Lumapit ito sa amin kaya naman ay inihanda naming lahat ang aming mga sarili para sa kung ano ang mga sasabihin nito.

" Nicolas nga right?"tanong nito at tumango naman si Nico.

" Gladly I'm wrong. Hindi siya heart failure but still, kung may maramdaman ka muli na kagaya ng naramdaman mo bago ka himatayin ay agad na pumunta ka ulit dito for further examinations,"paliwanag nito kaya naman nakahinga kaming lahat nang maayos." You can go home after paying for the bill. Sa finance na lang kayo magbayad."

" Salamat po,"halos sabay-sabay naming tugon.

" Okay. Goodbye,"huling wika nito at lumabas na ng kwarto.

Agad namang niyakap ni Kris si Nico ngunit pilit nitong tinutulak pa rin si Kris palayo. Masaya naman kami habang nakatitig sa ginagawa ng dalawa. Nang magtagal ay lumapit na ako kay Kris at tinapik ang likod nito.

" Ay sorry naman,"saad nito at pumunta na sa may gilid. Matagal ko muling tinitigan ang mga mata ni Nico at ganoon din naman siya sa'kin. Nagulat naman ito nang mahina kong pinitik ang ilong niya.

" Huwag mo na ulit akong pakakabahin ng gano'n,"daing ko sa kanya at tumango naman ito.

Nagpaalam naman muna si Kris upang magbayad na ng bill at nang makabalik siya ay umalis na kami sa ospital. Nang nasa may pinakalabas na kami ng gusali ay isang lalaki ang tumatakbong lumapit sa amin. Nanlamig muli ang katawan ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking ito.

Humarang naman sa pagitan naming dalawa ng lalaki si Nico at hinarap ito.

" Anong kailangan mo?" matikas na wika ni Nico. Hinihingal naman si Ruel na tumigil sa paglapit at kumuha muna ng sariwang hangin.

" Kailangan kong ipaalam sa prinsesa na gusto siyang ipapatay ni Konsehal Calcon,"saad nito at mas lalong nanlambot ang aking katawan. Unti-unti ay bumalik ang alaala ko habang nasa kagubatan. Nandoon si Konsehal Calcon at ramdam ko pa rin ang lamig na dinulot ng kanyang mga titig. Mabilis na muli ngayon ang pagtibok ng puso ko kaya napahawak ako sa balikat ni Nico." Magiging delikado ang pagbabalik n'yo at sigurado akong gagawin niya ang lahat makuha lamang ang trono. Matagal na niya akong inuutusang gumawa ng mga nakakasuklam na bagay."

" Huwag kang mag-alala dahil po-protektahan ko ang prinsesa,"pinong sagot ni Nico.

" Isama n'yo ako pabalik ng palasyo at po-protektahan ko rin ang prinsesa. Matagal ko na dapat itong ginawa,"saad nito at pagkatapos ay lumuhod na siya sa harapan ko." Lubos po akong humihingi ng tawad Mahal na Prinsesa."

Universe:The Unparalleled FateTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang