Kabanata 3

116 40 53
                                    

Palacio Imperial - (Sa opisina ng mga konsehal)

"Kailangan na nating alisin sa pwesto ang hari!"giit ni Calcon na napatayo habang ibinibigay ang kaniyang hinaing na ito. Nagpupulong ang dalawampu't apat na konsehal sa paligid ng napakahabang lamesa na nasa gitna ng opisina. Sa dulo noon ay nakalagak ang punong konseho na si Calcon.

"Sa palagay ko ay hindi ito ang dapat nating pag-usapan ngayon," saad naman ng isa pang miyembro ng konseho."Mayroon pa tayong problema sa pakikipagkalakalan sa Kaharian ng Ilaya. Iyon muna ang ating unahin."

"Atsaka nawawala pa ngayon ang prinsesa," wika naman ni Konsehal Solomon."Makakapaghintay ang tungkol diyan Calcon."

"Papalakas na nang papalakas ang militar ng Kaharian ng Esthancia habang tayo ay nagsasawalang-kibo!" katwiran ni Calcon at namumula na ito sa galit. "Tapos ngayon ay nawala pa iyang si Victoria."

"Ngunit ang gusto ng hari ay mapayapang pakikipag-usap sa reyna ng Esthancia," giit muli ni Solomon. "Sa tingin ko ay mas mabuti iyong solusyon kaysa isugal ang buhay ng ating mga mamamayan."

Napatawa naman si Calco sa sinabi ng konsehal" Ano? Mapayapa? Nahihibang na ba kayong lahat? Walang mapayapang digmaan!Mauubos ang ating mga tao nang walang kalaban-laban kailangang tayo ang unang sumakop sa mga kahariang pumapalibot sa atin at sa palagay ko'y hindi ito kayang gawin ng kasalukuyang administrasyon!"

"Pero ang pagsisimula ng digmaan ay walang mabuting kahahantungan," sagot uli ni Solomon."Wala naman tayong kaalitan pang mga kaharian kaya sa palagay ko ay ang pakikipaglaban ay makakasayang lamang ng ating oras."

"Mas mabuti nang unahin ang problema sa kalakalan dahil marami na sa ating mamamayan ang hindi nabibigyan ng rasyon lalo na sa Fuera Muro," saad ng isa pang konsehal.

"Fuera Muro,wala ng pag-asa ang lupaing iyon," mahinang wika ni Calcon at padabog na umalis sa pagpupulong. Isang malakas na bagsak ng pinto ang umalingawngaw sa loob ng opisina pagkasara ni Calcon doon.

Buhat ng silid ay palihim na nagtungo si Calcon sa labas ng palasyo. Madilim na sa bawat pasilyo kung kaya't wala masyadong nakapansin sa kanya habang tinatahak niya ang daan patungo sa kanyang pupuntahan. Mabilis itong nagtungo sa pinakadulong bahagi ng palasyo kung saan naghihintay ang tatlong kawal na inaasahan niyang katagpo sa mga sandaling ito.

"Hanapin ninyo ang Prinsesa Victoria," utos ng konsehal sa tatlong kawal ng palasyo. "Siguraduhin ninyong hindi na siya makakabalik dito ng buhay."

Nagkatinginan ang bawat isa sa mga kawal at tila nagsesenyasan na sumang-ayon sa alok na ito ng konsehal.

"Malaki ang ibabayad ko sa inyo kapag nagawa ninyo iyon." Huling habilin ni Calcon at iniwan na nito ang tatlong kausap na handa nang hanapin ang prinsesa at dalhin ito sa huli niyang hantungan.

Liwasang-bayan(Parke Beatrisimo)

Victoria

"

Masaya ka ba?"tanong ko sa lalaking kasama ko ngayon. Nakakatuwa ring isipin na may kasama ako sa aking unang sayaw ng kalayaan. Naisip kong magandang itawag sa sayaw na ito ang mga katagang iyon sapagkat ito ang unang sayaw na walang nagdidikta sa akin ng kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin. Natural. Bagong timpla ng pag-indak kasabay ng himig ng musika.

Universe:The Unparalleled FateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora